Sophie's POV
"I would like to thank all those people who cheered me up and thosepeople who helped me have the courage to stand again and discover what I canstill do. Thank you for believing in me when I can't even believe in myself. Now,I can finally say that I'm a Felestine model and it's all because of you." matapos kong sabihin iyon ay kaagad na nagpalakpakan ang audience.
Naglakad palapit sa akin si Miss Felestine saka iniabot ang trophy. "Congratulations, darling. You truly deserve to be the best model."
"Maraming salamat po sa into dahil nakakuha ako ng mga payo ninyo na tumulong sa akin para mas pagbutihin ko pa."
"Alam ko na noong una pa lamang na may potensiyal ka."
"Salamat po..."
Niyakap namin ang isa't isa saka kinuhaan din kami ng litrato bago ako muling bumaba ng stage at kaagad akong nilapitan nina Sabrina at Lance.
"Congratulations sa maganda kong best friend at bagong ambassador ng Felestine!" bulalas ni Sabrina.
Inabutan naman ako ni Lance ng bouquet of red roses. "Congratulations, Sophie."
Masama akong tumingin sa kanilang dalawa. "Sinabi ninyo sa akin na hindi kayo makakapunta. Muntik na akong magalit sa inyo. Feeling ko mag-isa lang ako."
"Come on. Bakit naman palalagpasing makita ang success mo? Siyempre gusto ka naming mapanuod, ano!" sabi naman ni Sabrina.
"Nagkunwari lang kami na hindi makakapunta para makita ang reaksiyon mo." dagdag ni Lance habang tumatawa.
Mahina ko siyang hinampas sa braso. "Ang sama mo!"
Sa huli, napagdesisyunan naming tatlo na kumain na muna sa labas. Treat daw ni Lance matapos ang event.
"Sophie, natutuwa talaga kaming nagawa mo na ito. Ambassador ka na ng Felestine Enterprises!" panay ang sabi ni Sabrina sa akin habang kumakain kami.
Ngumiti ako sa kanya. "Masaya rin ako. Hindi ako makapaniwalang nagawa ko ito."
"We are so proud of you." ani Lance.
"Thank you so much."
"Anong plano mong gawin na ngayon?" tanong ulit ni Sabrina sa akin.
Huminga muna ako nang malalim bago muling tumingin sa kanilang dalawa. "Actually, plano kong maghanap ng pad. Ayaw ko nang maging pabigat pa kay Lance."
"Alam mo namang never kang naging pabigat sa akin."
"Alam ko naman 'yon. Pero gusto ko kasing maging independent. Gusto kong tumayo sa sarili kong mga paa. Siyempre, magkikita pa rin tayo. Gusto ko lang talaga magkaroon ng masasabi kong sa akin."
"I understand. I will help you find one, then."
"Thank you." nakangiti kong sabi sa kanya.
Nagpatuloy lamang kami sa pagkain hanggang sa magpasya kaming umuwi na dahil may trabaho na rin ako kaagad bukas. Abala ako sa pagbabasa ng magazine habang nakahiga sa may couch nang bigla na lamang umupo si Lance sa katapat na couch.
"Sophie."
Umayos ako ng pagkakaupo at inilagay ang magazine sa may center table bago ako tumingin sa kanya. "Ano 'yon, Lance?"
"Alam kong hindi ito ang tamang time para itanong ko ito sa'yo. But, do you have any plans on talking to my brother? I mean, isang buwan na rin kasi magmula nang huli kang nakipag-usap sa kanya. B..But don't worry, hindi naman kita pinipilit na makipag-usap sa kanya kung hindi ka pa handa."
Umiling-iling ako. "Tama ka, Lance. Isang buwan na nga ang nakalipas. Kailangan kong matutunang harapin ang kinatatakutan ko. Kailangan ko nang makipag-usap sa kanya."
"Sophie..."
"I will talk to him."
"You don't need to force yourself. You can just talk to him when you're fully ready."
"Wala ka nang dapat pang ipag-alala, Lance. Handa na akong harapin siya."
Bakas pa rin ang pag-aalala sa mukha niya kaya naman kaagad akong tumayo at tumabi sa kanya. Maniwala ka sa akin, kaya kong gawin ito. Nagawa kong makuha ang gusto ko ngayon. Nagawa kong harapin ang lahat ng pagsubok kahit pa nagduda ako noong una. Pero tignan mo ako ngayon. Ako na ang ambassador ng Felestine Enterprises. Kaya ko 'to, Lance. Lalo na't alam kong lagi ka lang nasa tabi ko."
"I trust in you, Sophie. You just have to always remember that no matter what happens, I will always be here for you."
"Alam ko."
Matapos ang usapan namin ay nagpunta na kami sa kanya-kanya naming kwawrto. Naupo ako sa kama ko at inabot ang phone ko. Hinanap ko ang pangalan ng taong hindi ko nakausap sa loob ng isang buwan.
Bigla na lamang lumakas ang tibok ng puso ko nang makita ko na ang pangalan niya.
Habang nanginginig ang mga kamay ay idinial ko ang number niya saka tinawagan. Inilapit ko ang phone sa tainga ko at hinintay siyang sagutin iyon.
"Sophie."
His deep voice felt like a melody in my ears. I've missed him. I've missed him so much.
Hindi ako nakapagsalita kaagad dahil ramdam ko ang pangingilid ng luha mula sa mga mata ko.
"Sophie? Is that you? Why did you call me? Sophie?"
Pinigilan ko ang luha ko. Pinunasan ko ang mga mata ko saka nagsalita. "Magkita tayo sa Golden Tower sa friday ng gabi."
"Huh?"
"Hihintayin kita roon mula 8 pm."
"Okay, I will go there. Sophie---
Ibinaba ko na ang tawag. Gusto ko pang marinig ang boses niya, pero pinigilan ko ang sarili ko.
BINABASA MO ANG
Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]
Romance[ALREADY HAVE A PHYSICAL COPY ON IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE!!] "Everytime I win, I will conquer a part of you. I will keep on doing that, until I fully conquer all of you." Walang ibang gusto ang dalagang si Sophie kundi ang matupad ang mga...
![Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]](https://img.wattpad.com/cover/321458130-64-k622048.jpg)