Lance's POV
Mahal ko si Sophie. Minahal ko na siya unang beses ko pa lamang siyang makita pero kailanman ay hindi ko sinabi sa kanya dahil estudyante ko siya. Ayaw kong layuan niya ako sa oras na malaman niya iyon. Kaya naman sinabi ko na lamang sa sarili ko na hihintayin ko na lamang siya na maka-graduate. Hihintayin kong makamtan niya ang lahat ng mga pangarap niya saka ako aamin sa kanya.
Pero bigla ko na lamang nalaman na kasal na siya sa kapatid ko. Ang kapatid kong pinakamamahal ko rin. Nalaman kong kasal na silang dalawa and that broke my heat into pieces. Ngayon, alam kong hinding-hindi na ako makaaamin pa sa kanya. Pareho silang importante sa akin.
Sinubukan kong mag-move on at kalimutan na lamang siya, pero...
***FLASHBACK***
"Oo nga pala, Lance."
"Hmm?"
"M...May gusto sana akong itanong sa'yo. Huwag ka sanang magagalit."
Tumingin ako sa kanya. "Sure, I won't mind. Ano 'yon?"
"M..May girlfriend ka na ba?" bigla na lamang niyang tanong.
Hindi ako nagsalita kaagad. Nagulat ako sa tanong niyang iyon. Pwede bang sabihin ko na lamang na na-reject ako?
"M..Meron." sa huli ay iyon ang naisagot ko.
Tumingin lamang siya sa akin habang nakangiti. How I wish I see that smile every day. "Sabi ko na nga ba, e. Sigurado ako maganda siya.."
Hindi ko siya sinagot. Nagpatuloy lamang ako sa paglalakad habang pinipigilan ang sarili ko na umamin ano mang oras.
Pero siyempre, hindi ko pwedng gawin iyon. Kasal na siya sa kapatid ko. Bigla na lamang siyang huminto sa paglalakad kaya nagtataka akong tumingin sa kanya. "Sophie?"
"Lance, alam kong medyo late na, pero gusto ko pa ring sabihin sa'yo."
"Huh?"
Huminga siya nang malalim bago muling tumingin sa akin. Sa hindi malamang dahilan ay bigla na lamang akong kinabahan.
"A...Alam mo bang ikaw ang first love ko?"
Buong mundo ko ay huminto nang sabihin niya iyon. Para bang lahat ay bigla na lamang tumigil.
Baka mali lang ang pagkakarinig.
"Sophie, anong--
"Gusto na kita mula pa noong una kitang makita. Crush na kita pero hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na mag-confess. Gustung-gusto kita noon, Lance . Mali, minahal kita. Sobrang minahal kita."
Nakatitig lamang ako sa mukha niya.
She looked so beautiful that I already wanted to kiss her.
"P..Pero huwag kang mag-alala, matagal na 'yon. May asawa na ako ngayon at may girlfriend ka na rin. Naisip ko lang na sabihin sa'yo dahil gusto ko nang maka-move on. I mean, hindi sa gusto pa kita, t..tingin ko lang kasi deserve mo ring malaman."
"Sophie..."
"I..I'm sorry... P..Please, huwag mo akong iiwasan dahil sa sinabi ko sa'yo. Hindi ko gustong mailang ka sa akin. Gusto ko lang na---
Hindi niya na naituloy pa ang susunod niyang sasabihin dahil hinila ko na siya palapit sa akin saka ko siya mahigpit na niyakap. "Hindi mo kailangang mag-apologize, Sophie... Thank you for saying it..."
Niyakap niya ako pabalik.
Niyakap niya ako nang mahigpit at niyakap ko siya nang mas mahigpit pa.
Niyakap ko siya habang hinihiling na sana ay pwede ko ring sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. Na mahal ko siya at mahal ko pa rin.
Gusto kong sabihin sa kanya ang lahat, gusto kong sabihin sa kanya na sumama na lamang sa akin. Gusto kong maging sa akin na lamang siya.
Pero hindi ko iyon ginawa.
Ngumiti ako sa kanya nang humiwalay na kami mula sa isa't isa. Nagulat ako nang makita ko siyang umiiyak. "B..Bakit ka umiiyak, Sophie?"
"W..Wala..." ngumiti siya. "Masaya lang ako... nasabi ko na rin sa wakas... Naamin ko na sa'yo..."
"Thank you."
Tumitig siya sa akin. "Pwede pa rin naman tayong maging magkaibigan, hindi ba?"
I love you, Sophie.
Tumango ako. "Friends."
That night, I did the most stupid thing that I will ever do in my life. And that is to be friends with the woman I love the most.
BINABASA MO ANG
Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]
Romance[ALREADY HAVE A PHYSICAL COPY ON IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE!!] "Everytime I win, I will conquer a part of you. I will keep on doing that, until I fully conquer all of you." Walang ibang gusto ang dalagang si Sophie kundi ang matupad ang mga...