Sophie's POV
Hindi ko naiwasan ang mapanganga nang makababa ako mula sa limousine. Kaagad kong nakita ang isang napakalaking mansiyon. Actually, palasyo na nga yata ang tawag dahil sa sobrang laki. Malaki naman ang bahay namin, pero grabe ang laki ng isang ito.
"Stop standing there and follow me inside." bigla na lamang sabi sa akin ng mafia boss saka siya naglakad papasok ng mansiyon.
Nang makapasok na kami sa loob ng mansiyon na iyon ay kaagad na sumalubong sa amin ang nakalinyang mga maid at butler. Lahat sila ay nakayuko na wari'y nagbibigay paggalang sa mafia boss na kasama ko.
"Margarette." bigla na lamang siyang tumawag ng pangalan at isa sa mga maid ang nag-angat ng tingin saka naglakad palapit sa kanya.
"S..Sir?"
"Bring Sophie to her room. And also, give her a change of clothes."
Tumango naman ang babae. "O..Opo, Sir."
"Go with her." baling niya bigla sa akin.
"O..Okay..." tugon ko nang hindi tumitingin sa kanya.
Matapos niyon ay nagpatuloy na siya sa pag-akyat sa itaas na bahagi ng mansiyon habang ang mga lalaki namang kanina niya pa kasama ay nakasunod pa rin sa kanya. Ano naman kaya ang gagawin nila sa taas?
"M..Miss Sophie, sumunod po kayo sa akin." sabi sa akin ni Margarette habang may matamis na ngiti sa mga labi.
"O...Okay."
Sinundan ko na lamang siya hanggang sa makarating na kami sa kwarto sa ikalawang palapag ng mansiyon. Binuksan niya pa ang pinto para sa akin. Nang makapasok kami, doon ko nakita ang isang napakalaking kwarto na may color pastel wallpaper at carpeted floor. May isang malaking crystal chandelier din sa may bandang gitna na siyang mas lalo pang nagpa-ganda sa kwarto. "Miss Sophie. Magmula po ngayon ay ito na ang magiging kwarto ninyo. Ang bathroom po ay nasa bandang kanan habang ang walk-in closet niyo naman po ay nasa may bandang kaliwa katabi ng balcony."
"Salamat...uh... ano nga ulit ang pangalan mo?"
"Margarette, Miss Sophie." nakangiti niyang tugon sa akin. Doon ko lamang napansin ang dalawang maliliit na dimples sa tuwing ngumingiti siya.
"Nice meeting you, Margarette. Ako naman si Sophie." masaya kong bati sa kanya saka inilahad ang kamay ko.
Tumangu-tango siya saka inabot ang kamay ko. "Natutuwa rin po akong makilala kayo, Miss Sophie. By the way, kailangan niyo na pong maligo at magpalit ng damit ninyo. Inihahanda na rin po ng iba pang mga katulong ang dinner sa may dining room at siyempre, pinaka-ayaw po kasi ni Sir Vincent kapag nal-late."
"N..Naiintindihan ko. Sige, maliligo na ako. See you, Margarette."
"See you later, Miss Sophie."
Nang makaalis na si Margarette ay kaagad aakong bumuntong-hininga at naupo sa gilid ng kama. Higit na mas malaki ang kwarto kong ito kaysa sa kwarto ko sa bahay namin pero mas komportable naman ako roon. Ni hindi ko nga alam kung makakatulog ba ako ng maayos sa kwarto na ito. Wala rin akong ideya kung anong balak sa aking gawin ng mafia boss na iyon. Natatakot ako...sobra akong natatakot. Pero wala naman akong magagawa, e.
Kinuha ko ang picture frame ni mama mula sa bag ko saka ko iyon inilagay sa may side table.
"Mama, please bantayan niyo po ako. Hindi ko po alam ang naghihintay sa akin dito, pero sana maging maayos lang sina Daddy at ang mga kapatid ko. Magpapakatatag ako, mommy. Alam kong mahirap, pero lalakasan ko po ang loob ko..."
***
"I'm sorry I'm late." halilos pabulong kong sabi nang makarating na ako sa dining room kung saan nakaupo na ang mafia boss habang magka-krus ang mga braso at nakatingin sa akin.
"Take your seat and let's eat." walang kaemo-emosyon niyang sabi.
Napakahaba ng lamesa na aaakalain mong may fiesta. Napapaisip tuloy ako kung ganito kaya talaga karaming pagkain ang inihahanda nila sa araw-araw.
"From now on, you'll be living in this mansion with me. You can do anything you want, wander around, shopping--anything. If you need some money, then tell me."
"N..Nag-aaral pa ako. Saka mayroon din akong part-time job."
"Then, quit your job." mabilis niyang tugon.
Napatingin ako sa kanya habang nakakunot ang noo. "Hinding-hindi ako aalis sa trabaho ko!"
"You don't have the right to yell at me, woman." matalim ang pagkakatingin niya sa akin.
"S..Sorry.. pero please, hayaan mo akong mag-trabaho. Iyon na lamang ang nakapagpapasaya sa akin. Hayaan mo akong mag-trabaho, pangako tutulong din naman ako sa mga maid dito sa mansiyon mo, e..." pagmamakaawaw ko pa.
"Call me Vincent." bigla niyang sabi.
"Huh?"
Ibinaba niya ang mga kubyertos saka tumingin sa akin. "Call me Vincent from now on. Fine. I'll let you work but after that, you have to go home straight here. I'll be assigning two bodyguards to look after you."
"N..Naiintindihan ko.. Salamat..."
"And if it still isn't clear with you. I didn't bring you here just so you could live the life you had before. Once you become my wife, you will finally become my property. You need to stay beside me and follow everything I'll ask you to do."
"A..Ano?! P..Pakakasalan kita?!"
"That's right. You'll be my wife. And you can't complain about anything because this is all your father's fault. If you don't want to marry me, then let me just kill your father." kaswal niyang sabi.
Nanlaki ang mga mata ko. "H..Hindi! Huwag mong gagawin 'yan! Susundin ko ang lahat ng sasabihin mo basta ipangako mo lang sa akin na hinding-hindi mo sasaktan ang pamilya ko!"
"Sure, I won't k*ll them as long as you obey my orders."
"P..Promise.. Susundin ko lahat..."
"That's my girl." tugon niya saka tumayo. "By the way, our wedding's already tomorrow, so some people are going to show up here to get you dresses. Mke sure you'llcome home early."
"B..Bukas?! Pero--
"That's an order." aniya bago tuluyang naglakad paalis.
Noong gabing iyon umiyak lamang ako nang umiyak sa loob ng kwarto ko. Bukas na ang kasal ko at hindi ko alam ang mangyayari pagkatapos niyon. Ang sabi niya pa ay kailangan kong sundin ang lahat ng utos niya kung hindi ay papatayin niya sina Daddy...
BINABASA MO ANG
Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]
Romantik[ALREADY HAVE A PHYSICAL COPY ON IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE!!] "Everytime I win, I will conquer a part of you. I will keep on doing that, until I fully conquer all of you." Walang ibang gusto ang dalagang si Sophie kundi ang matupad ang mga...