THE WEDDING

7.1K 133 0
                                    


Sophie's POV

"Miss Sophie, alin po sa mga gown na ito ang gusto ninyong suotin?" tanong sa akin ng bridal stylist habang patuloy ang mga maid sa pagpapakita sa akin ng iba't ibang bridal gowns.

Pinasadahan ko ng tingin ang mga gown nang walang kaemo-emosyon sa mukha ko. "Pwede bang ikaw na lamang ang mamili para sa akin?"

Bakas ang pagkabigla sa mukha ng stylist. "O..Okay, Miss Sophie. Tingin ko po, babagay sa inyo ang unang gown."

"Okay."

Pakakasalan ko ang lalaking ni hindi ko naman mahal. Noon pa man, pangarap ko na ang pakasalan ang lalaking mahal ko. Wala akong pakialam kung simple lang iyon o kung saan man kami ikakasal o kung ano ang isusuot ko sa araw na iyon. Ang mahalaga, ang groom ko ay iyong lalaking pinakamamahal ko. Pangarap ko ang magkaroon ng masaya at sarili kong pamilya noon pa man, pero tingin ko hindi na iyon matutupad pa.

Ikinulot ng mga stylist ang buhok ko saka ito ipinuson. Nilagyan din nila ng kaunting make up ang mukha ko, tapos isang simpleng tiara sa may ulo ko. "Miss Sophie, you look so beautiful!"

"Ikaw ang pinakamagandang bride na nakita ko!"

"Thank you..." bulong ko.

Nang matapos na silang ayusan ako, isang matangkad, at blonde na babae suot ang isang white floral dress ang naglakad palapit sa akin saka nagsalita. "Miss Sophie, come with me. The wedding is going to start now."

"Okay."

Nagsimula na akong maglakad hawak ang skirt ng gown na suot ko upang makapaglakad ako nang maayos. Inalalayan ako ng babae habang naglalakad kami pababa ng hagdanan papunta sa garden ng mansiyon kung saan gaganapin ang kasal. 

"Miss Sophie, huwag kang kakabahan." bigla na lamang sabi niya.

"A..Ano nga pala ang pangalan mo?" tanong ko sa kanya.

"Venom. Isa ako sa mga tauhan ni Sir Vincent. Mula ngayon, ako na ang magsisilbi mong bodyguard."

"Venom. Pwede mo ba akong tulungan? Ayokong pakasalan ang demonyong lalaking iyon. Hindi ko siya mahal, gusto kong tumakas mula rito. Please, tulungan mo ako Venom. Nakikiusap ako sa'yo.."

Huminto kaming dalawa sa paglalakad saka siya tumingin sa akin. "Miss Sophie, ako ang bodyguard mo. I'm sorry, pero hindi ko po kayo matutulungan. Nakipag-kasunduan ka kay boss kaya dapat lang na tuparin mo iyon kung ayaaw mong malagay sa panganib ang pamilya mo."

"P..Pero---

"Please, maghanda ka na. Sa oras na bumukas ang malaking pinto na ito, kailangan mong maglakad palabas hawak ang bouquet at maglakad palapit sa iyong groom. Ayaw na ayaw niya ang naghihintay kaya maaaring huwag ka nang gumawa ng mga bagay na hindi naman mahalaga." tugon niya saka pinunasan ang luha mula sa mga mata ko. "At pakiusap, huwag kang umiyak. Masisira ang make up."

Huminga ako nang malalim saka pinigilan ang sarili ko sa pag-iyak. Iniabot sa akin ni Venom ang bouquet saka tumango. Tumingin ako malaking pinto na napalilibutan ng red and white roses. Naramdaman ko ang malakas na tibok ng puso ko nang mapansin kong wala na si Venom sa tabi ko. 

Kailangan kong gawin ito para kay Daddy. Kailangan kong gawin ito para sa pamilya ko. Kapag sinubukan kong tumakas ngayon siguradong aatakihin ni Vincent ang pamilya ko. This isn't about my happiness, anymore. Ayaw kong isugal ang buhay ng pamilya ko.

Bumukas ang pinto. Nang oras na iyon alam kong kailangan ko na ring bumitaw sa mga pangarap ko. Kailangan ko nang bumitaw kay Mr. Jacobs.

Naglakad ako sa ilalim ng wedding arches na pinalamutian ng red and white roses habang hawak-hawaka ko ang boquet na muntikan ko pang mabitiwan sa sobrang kaba.  Sa bandang gilid ng venue na iyon ay ang mga tauhan ni Vincent na nakasuot ng black suits. Wala ni isang bisita na kilala ko, lahat sila ay tauhan ni Vincent kaya alam kong wala talaga akong takas. Sa dulong bahagi ng white carpet ay nakatayo ang demonyo. Suot niya ang puting suit na may itim na bowtie na talaga namang bumagay sa kulot niyang buhok na nagpamukha sa kanyang isang prinsipe. Nakatitig lamang siya sa akin. Iyong titig na kayang tumunaw ng isang tao.

Muling tumulo ang luha mula sa mga mata ko habang palapit ako nang palapit sa kanya. Hindi ko siya kilala, hindi ko siya mahal, ni hindi ko nga alam kung anong balak niya sa akin. Natatakot ako... Mama, please, tulungan mo po ako..

"You look beautiful in that gown." bulong niya saka inabot ang kamay ko.

Hindi ko siya sinagot. Ang tangin nararamdaman ko lamang ay poot, galit, at kalungkutan. Ito na yata ang pinakapangit at pinakamalungkot na pangyayari sa buhay ko. 

Hinarap namin ang judge habang pilit kong inaalis ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Natapos ang event sa pagpupumilit kong alisin ang kamay niya mula sa pagkakahawak sa akin habang siya naman ay pilit akong hinihila palapit sa kanya. Ni hindi nga ako tinanong ng judge kung gusto ko siyang pakasalan. "And now, I pronounce you husband and wife. Mr. Hastings, you may now kiss your bride."

That phrase caused my whole body to shiver. Naalala ko pa noong hinalikan niya ako kahit na unang beses ko palang siyang nakita. 

Huamarap sa akin si Vincent saka itinaas ang veil ko. Tila na-estatwa ako sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa kanya. Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha habang ang mga mata niya ay diretsong nakatitig sa akin. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko na para bang tatalon na ito mula sa dibdib ko. Hinawakan niya ako sa baba atsaka iniangat ang tingin ko sa kanya bago niya tuluyang inangkin ang mga labi ko. Nabigla ako, pero ipinikit ko na lamang ang mga mata ko habang ramdam ko ang init ng bibig niya. Gustung-gusto ko siyang itulak at sapakin, pero hindi ko nagawa. Para bang may kung ano siyang sumpang ginawa sa akin. 

Tinapik ko ang dibdib niya upang humiwalay na siya mula sa halik, pero hindi pa rin siya tumigil. Humiwalay lamang siya nang makuntento na. Pareho kaming habol-hininga.

Ang mga tauhan niya ay nagsimulang pumalakpak habang nakatingin sa aming dalawa.

Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon