Sophi'es POV
"Checkmate." seryosong pagd-deklara ni Vincent na wala man lang ngisi gaya ng karaniwan niyang ginagawa sa tuwing nananalo siya sa laro namin.
Bumuntong-hininga lamang ako. "Mananalo pa ba ako sa'yo?"
"It's your fault, you should've at least asked a better coach to teach you how to play chess."
"Slow-learner lang talaga ako, wala siyang kasalanan."
"Come here." utos niya.
Dahan-dahan naman akong lumapit sa kanya. Ngayon ay magkaharap na kaming dalawa habang nakaupo sa couch niya. Diretso muna siyang tumitig sa mga mata ko bago pinasadahan ng tingin ang buong katawan ko. "I already conquered your neck, ears, and hands. What shall I conquer next?"
Kaagad na bumilis sa pagtibok ang puso ko nang dumapo ang tingin niya sa mga labi ko.
"Do you know how much I want to own your lips?"
Napakagat ako ng labi saka nag-iwas ng tingin sa kanya. Hindi ko naman alam na napansin pala niya iyon.
"Want me to bite it for you?"
"A...Ano?!"
"Just kidding. No matter how much I want to taste every inch of your mouth, I still prefer to conquer it last."
Anong silbi ng paghuli roon kung makukuha niya rin naman? Isa pa, dalawang beses niya na nga akong nahalikan.
Teka lang, bakit parang gusto kong halikan niya ako ulit?
No way!
"I'll choose this one instead." aniya saka hinawakan ang buhok ko.
"A..Ang buhok ko?"
"Uh-huh. From now on, your hair is mine. I will be the one to decide if you'll let it down, or tie it up. No one is allowed to touch your hair except me."
"Whatever." tugon ko na lamang.
Nagulat na lamang ako nang bigla niyang mahinang hinila ang buhok ko saka inilapit ang mukha niya sa leeg ko. "You don't know how addicted I am to your smell, Sophie..." bulong niya na siyang awtomatikong nagpanginig ng buong katawan ko. Ramdam ko ang hininga niya sa leeg ko na tila ba kumikiliti sa iba't ibang bahagi ng katawan ko. Hindi ko naiwasang mapaungol nang simulan niyang mahinang kagatin ang tainga ko. Kumapit lamang ako sa t-shirt niya para hindi ako mapahiga sa couch.
Maya-maya, ang mga labi niya ay napunta sa leeg ko. Hinalik-halikan niya iyon saka mahinang kinagat habang hinahaplos ang buhok ko. Hindi ko rin alam kung bakit, pero tanging kakaibang kasiyahan lamang ang naramdaman ko na para bang ayaw ko siyang huminto sa ginagawa niya.
"That's all for now." halos mahila ko siya pabalik sa akin nang bigla na lamang siyang huminto sa ginagawa niya.
"O...Okay." tugon ko habang iniiwas ang tingin mula sa kanya dahil ramdam ko ang pamumula ng buong mukha ko.
"You should go to sleep now, Sophie."
Tumango lamang ako. Inayos ko ang buhok at admit ko atsaka tumayo nang bigla na lamang akong may naalala. "Oo nga pala, Vincent."
"Huh?"
"Sila ang parents mo, hindi ba? I mean, iyong dalawang nagpunta rito kanina lang?"
"Yes." mabilis niyang sagot.
"Kamukhang-kamukha mo ang mama mo. Except nga lang sa buhok niyang mahaba. Mukha rirn siyang strikto kagaya mo. Kaya lang--
"You should sleep now, Sophie." pagpuputol niya sa akin.
Tumingin ako sa kanya. "Tingin ko kailangan mong humingi ng tawad sa kanila."
"What?"
"Iyong mga salitang sinabi mo sa kanila, kailangan mong bawiin. Magulang mo pa rin sila."
"I don't care about them."
"You should care about them, they are your parents."
Bigla na lamang siyang tumayo saka tumingin sa akin. "They never treated me as their son, so why would I even treat them as my parents? They only care about my older brother, and now they came here just to prove that."
"Pero Vin--
"Shut up, Sophie! You don't know anything about them as much as you don't know anything about me! I never allowed you to mess with my own things!"
Napanganga ako dahil sa pag-sigaw niyang iyon. Nangilid ang luha sa mga mata ko. "Sabagay, tama ka naman. Wala akong karapatang makialam sa personal mong buhay dahil asawa mo lang naman ako. Mali, alila, entertainer, o 'di kaya pampalipas oras. Hinding-hindi na kita tatanungin tungkol sa kahit na ano pa, kahit na kailan." sabi ko saka nagpatuloy sa paglalakad papunta sa may pinto. "Gusto ko lang sana ipaalala sa'yo kung gaano ka ka-swerte na magkaroon ng mga magulang. Ng nanay. Sana lang hindi mo pagsisihan ang ginagawa mo sa kanila."
"I said get the hell out of my room!"
"Oo na!" sigaw ko sa kanya saka isinara ang pinto.
Bakit ba ganoon siya?
Sinabi ko lang naman na mag-sorry siya sa mga magulang niya, ano bang masama roon?
Nakakainis siya!
Nang makarating ako sa kwarto ko ay kaagad akong nahiga sa kama saka niyakap ang unan ko habang patuloy sa pag-agos ang luha mula sa mga mata ko.
Bakit ba ako umiiyak?
Napaka-swerte niya dahil mayroon pa siyang mga magulang na nag-aalala sa kanya. Meron pa siyang nanay na nagmamahal sa kanya. Habang ako, walang may pakialam sa akin. Walang may pakialam sa nararamdaman o kung ano mang nangyayari sa akin. Wala akong taong pwede kong takbuhan kapag nalulungkot ako o kailangan ko ng tao sa tabi ko.
BINABASA MO ANG
Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]
Romance[ALREADY HAVE A PHYSICAL COPY ON IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE!!] "Everytime I win, I will conquer a part of you. I will keep on doing that, until I fully conquer all of you." Walang ibang gusto ang dalagang si Sophie kundi ang matupad ang mga...
![Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]](https://img.wattpad.com/cover/321458130-64-k622048.jpg)