HEADACHE

6.9K 101 2
                                        


Sophie's POV

"Maaga pong umalis si Boss, Miss Sophie." sabi sa akin ni Venom pagkababa ko suot ang uniform ko.

Tumango naman ako. "Gano'n ba? Ano, punta na tayo sa school?"

"Opo, Miss Sophie."

Sumakay kaming dalawa ni Venom sa limousine. 

"Miss Sophie. 

"Hmm?" tumingin ako sa kanya.

"Alam kong wala akong karapatang itanong ito sa inyo, p..pero nag-away ba kayong dalawa ni Boss?"

Nanlaki ang mga mata ko nang tanungin niya iyon. Iniwas ko ang tingin ko mula sa kanya saka ako nag-pout. "Sinabi ko lang naman sa kanya na mag-sorry sa mga magulang niya. I mean, kung hindi nila siya tintrato nang mabuti, magulang niya pa rin naman sila, hindi ba?"

Bumuntong-hininga si Venom saka tumingin sa akin. "Tama ka, Miss Sophie. Magulang siya ni boss, pero hindi mo rin siya masisisi."

"B..Bakit naman?"

"Lumaki siya nang binabalewala ng mga magulang niya. Kahit kailan ay hindi sila nagkaroon ng pakialam kay boss dahil mas gusto nila ang kuya nito. Mula pa lamang ng bata siya, nasanay na si Boss na mag-isa at maging ang pang-huling anak. Kahit na gaano pa karami ang mga achievement ang makuha niya, never nila siyang binigyan ng compliment."

Hindi ko naiwasang malungkot para kay Vincent. "Pero kahit na, wala akong makitang dahilan para tratuhin nang ganoon ang mga magulang niya."

"Naiintindihan ko po kayo, Miss Sophie. Pero napagdesisyunan na ni Boss na umalis sa pamilya nila. Tingin ko, kailangan niyo po siyang kilalanin pa para malaman niyo kung anong pinangagalingan ng galit niya."

"Paano ko naman magagawa iyon kung kada tatanungin ko siya about sa pamilya niya, iniiba niya ang usapan o kaya naman ay sinisigawan ako.."

"Kailangan niyo po munang kunin ang tiwala niya, Miss Sophie."

***

"I..Ibig mong sabihin, may kuya si Vincent?!"

"Ssssh Sab, huwag ka masyadong maingay!" bulong ko.

"Sorry na. Hindi lang kasi ako makapaniwala na ang mafia boss na iyon ay may kuya. Nai-imagine mo na ba kung gaano ka-hot ang kuya niya?! Oh my God! Ngayon palang naglalaway na ako!"

Umiling-iling ako. "Sab, kahit kailan hindi iyon sumagi sa isip ko. Sigurado naman akong gaya lang din niya ang kuya niya, masungit."

"Iyon nga ang dahilan kaya siya hot!"

"Nagpunta ang mga magulang niya kahapon para sabihin sa kanyang mag-trabaho na lamang para sa kompanya nila." pag-iiba ko ng usapan.

"Kompanya ng papa niya? Pero hindi ba't may sarili na rin naman siyang kompanya?"

Tumango ako. "Tama ka. Pero siguro ang ibig sabihin ng mga magulang niya ay mag-quit na siya sa pagiging mafia boss niya."

"Bakit naman?"

"Hindi ko rin alam. Siguro dahil gusto nilang gumanda ang future niya?"

"O baka naman kasi nakita nila kung gaano kagaling si Vincent sa pagpapatakbo ng kompanya kaya gusto nilang mag-trabaho siya para sa kanila! Para sa sarili nilang kasiyahan iyon, Sophie."

Hindi ako kaagad na nakapagsalita dahil sa sinabi ni Sabrina. May point nga naman siya.

"Alam mo, Sophie. Pareho kayong dalawa ni Vincent. Pareho kayong galing sa masamang pamilya. Isang pamilyang walang pakialam sa inyo at sa mga gusto niyo."

Bumuntong-hininga ako. "Oo nga pala, kailangan kong bumisita kina Dad at Seb bukas. Matagal-tagal na rin kasi mula ng huli kaming mag-kita. Nam-miss ko na talaga sila."

"Tingin mo ba na-miss ka rin nila?"

"Sab!"

"Joke lang. Sigurado naman akong na-miss ka rin nila. Na-miss nila iyong taga-linis, laba, luto, at taga-gawa ng mga gawaing-bahay. Sure akong na-miss ka nila."

Napailing-iling na lamang ako dahil sa sinabi ni Sab. "Oo nga pala, tingin ko kailangan kong magpunta sa infirmary. Ang sakit kasi ng ulo ko magmula pa kaninang umaga."

"Oh my God, Sophie! Ano pang nararamdaman mo? Nahihilo? Nasusuka?"

"Sab, walang nangyari sa amin ni Vincent. Wala kailanman."

Nanunukso siyang tumingin sa akin. "Talaga ba? Hindi pa huli para bawiin mo iyan..."

"At bakit ko naman babawiin?"

"Baka pagsisihan mo sa huli, alam mo na."

Tumayo ako. "Hinding-hindi ko pagsisisihan iyon. Ibibigay ko lang ang virginity ko sa taong mahal ko."

"Talaga? Ibig mong sabihin, doon sa lalaking dahilan kung bakit ka pupunta sa infirmary ngayon?"

Kaagad na namula ang buong mukha ko. "Kung anu-ano ang pinaagsasasabi mo, Sab. Sige na, hintayin mo na lang ako sa classroom natin."

"Okay. Bye, ganda!"

Gustung-gusto talaga akong inaasar ni Sabrina kahit na kailan. Minsan hindi ko rin maisip kung paano namin napapakisamahan ang isa't isa. Kungsabagay, hindi naman kami magiging mag-best friend kung hindi siya ganoon. 

"Hi there, Sophie." kaagad kong nakita si Lance na nakangiti sa akin pagkapasok ko pa lamang ng infirmary. Pakiramdam ko tuloy hindi ko na kailangan pa ng gamot. Kaya talagang makapagpagaling ng ngiti niya. 

"D..Dr. Jacobsm pwede po ba akong humingi ng gamot? Tingin ko kasi lalagnatin ako."

Kaagad siyang tumayo saka naglakad palapit sa akin. "Talaga? Tignan ko nga."

Nagulat ako nang bigla niyang pinakiramdaman ang noo ko gamit ang palad niya. Napakalambot ng palad niya at sobrang lapit niya sa akin na sa tingin ko ay matutunaw na ako. Nakahinga lamang ako nang maayos nang lumayo na siya sa akin. 

"May sinat ka. Kailangan mong magpahinga at uminom ng maraming tubig, Sophie. Meron din akong gamot na pwede mong inumin. Kailangan mong mag-stay dito sandali."

"P..Pero may klase pa kami.."

"Ayos lang. Ako nalang ang magsasabi sa mga lecturer ninyo."

Wala na rin naman akong nagawa kundi ang pumayag dahil hindi rin talaga maganda ang pakiramdam ko. "Okay."

Tinulungan niya akong inumin ang gamot atsaka mahiga sa  kama sa infirmary  habang nakaupo siya sa harap ng desk niya. Nagpalinga-linga lamang ako sa loob ng infirmary para aliwin ang sarili ko. Gusto kong matulog, pero hindi ko maiwasang mapatitig kay Dr. Jacobs.

Napaka-gwapo niya talaga lalo na kapag seryoso siya sa ginagawa niya. Napaka-swerte ng babaeng nagugustuhan niya. 

"Sophie?"

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla na lamang siyang lumingon sa akin.


Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon