THE ANNOUNCEMENT

4.1K 56 0
                                        

Sophie's POV

Patuloy sa panginginig ang mga kamay ko habang hinihintay kong tawagin ako mula sa dressing room. Nagsimula na ang event, at naghihintay na lamang akong sabihin sa akin na oras na para lumabas ako. 

Sakto ay bigla na lamang bumukas ang pinto. 

"Miss Sophie, pwede ka nang lumabas." tawag sa akin ni Sol.

"O...Okay, lalabas na ako." sabi ko saka tumayo.

Bakit ba ako kinakabahan?

At bakit feeling ko may mangyayari ngayong gabi?

Dinig ko ang boses ni Miss Felestine habang nakatayo ako backstage, hinihintay na tawagin niya ang pangalan ko.

"I have been looking for her for almost twenty years now. Long ago, I thought I would never find her again. But then God is too good because he let her live. And guess what? He even made way for me to get close to my daughter. I didn't even know that the person that I had been looking for was already right beside me. Ladies and gentlemen, I would like all of you to meet my one and only daughter and also the next president of Felestine company."

At nang marinig kong pumalakpak na ang lahat ay lumabas na ako mula sa backstage saka naglakad palapit kay Miss Felestine na nakangiti lamang sa akin. 

Niyakap niya ako nang mahigpit bago ako alalayan palapit sa may podium. 

"G..Good evening, everyone." pagbati ko.

Puno ang hotel ng mga taong suot ang mga formal dress and suit, hawak ang mga wine nila habang nakangiti sa akin. Napangiti ako nang makita ko si Lance na nakatayo malapit sa stage habang pumapalakpak para sa akin.

***

"Ang ganda ng speech mo, Sophie!" niyakap ako ni Sabrina pagkababa ko ng stage. 

"Thank you..."

"Ang galing mo sa speech mo, Miss Sophie." dagdag pa ni Venom. 

Niyakap ko siya habang nakangiti. "Thank you so much, Venom..."

Naupo kaming lahat habang nagpatuloy ang event. 

"Sabi ko sa'yo, walang dahilan para kabahan ka dahil lahat ay matutuwa kapag narinig ang announcement. May narinig pa nga akong nagsabing excited na sila para sa mga plano at projects mo para sa kompanya." sabi ni  Sabrina sa akin. 

"Hindi ako kinabahan dahil nasa tabi ko si Miss Felestine."

"Can I sit here with you guys?"

Lahat kami ay napaangat ng tingin at nakita namin si Lance. Kaagad akong ngumiti sa kanya. "Siyempre naman."

"Thanks," sagot niya saka naupo sa tabi ko.

"Hindi ko alam na a-attend ka." sabi ko sa kanya.

"You know I can't miss any important event, especially when it involves you."

Nag-kwentuhan lamang kami tungkol sa kung anu-anong mga bagay, lalo na tungkol sa speech ko kanina. Maya-maya ay bigla na lamang dumilim ang mga ilaw. Ibig sabihin lamang niyon ay mag-uumpisa na ang sayaw.

"Shall I dance with the new president of Felestine company?" biglang sabi sa akin ni Lance habang nakalahad ang kamay sa harapan ko.

"Sure."

Naglakad kami patungo sa maraming tao na busy rin sa pagsasayaw. Inilagay ko ang mga kamay ko sa balikat ni Lance, habang siya naman ay nakahawak sa bewang ko. 

"Matagal-tagal na rin magmula nang mag-sayaw tayong dalawa, hindi ba?" tanong sa akin ni Lance."

"Tama ka. Na-miss ko nga ang pag-sayaw mo." pagbibiro ko naman.

Tumawa siya. "Na-miss mo ang dancing skills ko? Well, na-miss ko rin ang iyo."

Abala lamang kami sa pag-uusap na dalawa nang bigla na lamang may nagsalita. 

 "Can I have a dance with my wife?"

Kaagad na nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang boses na iyon. Tumigil kaming dalawa ni Lance sa pagsasayaw atsaka kami tumingin sa nagsalita.

"V..Vincent."

Nakakalokong ngumiti sa akin si Vincent saka inagaw ang kamay ko mula kay Lance. 

"What are you doing, V?!" galit na tanong sa kaya ni Lance.

"If there's someone who has the right to dance with Sophie, that's me."

Sinubukan kong kumawala mula sa pagkakahawak niya, pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya roon. 

"Let go of her," sabi pa ni Lance.

"What's wrong? I want to dance with Sophie. Is there anything wrong with that?"

Masamang tumingin sa kanya si Lance. "Don't start a fight here, V."

"I'm not starting a fight here. But I can start one if you want me to."

Masama lamang silang nakatingin sa isa't isa na para bang handa na silang magkasakitan, pero bago pa man mangyari iyon ay pumagitna na ako sa kanilang dalawa. 

"Please, huwag kayong gumawa ng eksena rito. Masyadong maraming tao rito at ayaw kong masira ang gabing ito." sabi ko saka ako tumingin kay Lance. "Ako na ang bahala rito, Lance. Hintayin mo nalang ako sa table natin."

"Pero Sophie---

"She already told you to just wait for her. Are you deaf?" sabi ni Vincent sa kanya.

"Hindi mo na kailangan pang mag-alala sa akin. Kaya ko na 'to."

Masama pang tinignan ni Lance si Vincent bago naglakad paalis.

Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon