PLEADED

7.3K 144 1
                                    

Sophie's POV

"Hindi ako sasama sa'yo!" sigaw ko nang makita kong naglalakad palapit sa akin si Vincent.

Napataas siya ng kilay sa akin. "You have no choice, baby. Your idiotic father owed some money to me and offered you as the collateral."

Tumingin ako kay Dad. "D..Dad...please... Ayokong sumama sa lalaking 'yan!"

"Sophie.... Vincent, can we just talk about this again? Can we--

"Are you trying to fool me?! We already had an agreement and now you're saying that we should talk about it again?!" galit na galit na sigaw ni Vincent. Ang napakalakas niyang boses ay nadinig sa buong restaurant. 

"S..Sorry... I already changed my mind... I don't want to give my daughter..."

Lahat kami ay nagulat nang walang anu-ano ay bumunot si Vincent ng baril saka iyon itinutok kay Daddy. "You know I hate people breaks their promise. Now, just choose. Will you give me that woman or I'll blow your fucking brain out?"

"Dad!"

"Honey!"

"Hindi! Huwag, please!" sigaw ko. "Sasama na ako sa'yo! Sasama na ako, basta huwag mong babarilin ang Dad ko!"

Lumingon naman siya sa akin saka ngumisi. "Are you sure?"

"Sophie..." umiiyak na si Seb.

"S...Sasama na ako sa'yo, kaya ibaba mo na iyang baril mo!"

"Fine." ani Vincent saka muling itinago ang baril niya. 

Kaagad na tumakbo sina Aunt Natalie at ang mga kapatid ko palapit kay Daddy. 

"Let's go now." sabi ni Vincent saka ako hinawakan sa kamay. Hihilain niya na sana ako paalis doon pero pinigilan ko siya.

"P...Pwede bang kunin ko na muna ang mga gamit ko mula sa bahay namin? Pwede bang doon ako matulog at makasama ko sila kahit sa huling pagkakataon?" tanong ko na siyang nagpakunot ng noo niya.

"What?"

"Please.. Sasama na ako sa'yo bukas. Pangako..."

"And why should I believe you?" tanong niya.

"Dapat mo akong paniwalaan dahil nagsasabi ako ng totoo. Wala akong balak na tumakas. Gusto ko lang na makasama man lang sila kahit sa huling pagkakataon... please?" pagmamakaawa ko sa kanya habang patuloy sa pagtulo ang mga luha sa pisngi.

Sandali siyang tumitig sa akin bago tumalikod at nagsimulang maglakad paalis. "I'll pick you up tomorrow morning. Just make sure I'll see you there or I'll kill your father. Even if you try to escape, I have my people to find you." 

"P..Promise. Patayin mo ako kapag nagawa kong magsinungaling."

"Let's go." sabi na lamang niya sa mga tauhan niya. Nakahinga lamang ako nang maluwag nang makita kong tuluyan na silang nakalabas ng restaurant. 

****

"Sophie, sure ka na ba talaga? Sasama ka sa killer na 'yon?! tanong ni Seb sa akin habang nasa loob kami ng kwarto ko. Inihahanda ko na kasi ang mga damit na dadalhin ko sa pag-alis.

Malungkot akong tumingin sa kanya. "Wala naman akong choice, Seb. Halata namang kayang gawin ng lalaking iyon ang lahat ng sinabi niya. Isa siyang mafia boss, hindi natin siya kayang labanan."

"Kasalanan ni Daddy ang lahat ng ito. Kung hindi lamang siya pumayag sa sinabi ng lalaking iyon, hindi mangyayari ito sa'yo!"

"Seb, huwag mong sisihin si Daddy. Sigurado naman akong ginawa niya rin iyon para sa atin. Wala na rin kasi siyang choice."

"Talaga? Kaya ba nagawa ka niyang gawing colaterral sa mga utang niya? Sophie, hindi mo kilala ang lalaking iyon! Paano kung may gawin siyang masama sa'yo? Paano kung patayin ka niya?!"

Umiling-iling ako. "Hindi ko hahayaang mangyari iyon, Seb. Hindi niya ako magagawang patayin."

"Gaano ka nakakasigurado? Ni hindi mo nga kilala ang lalaking iyon."

"Basta. At kung susubukan niya mang gawan ako ng masama, sisiguraduhin kong matitikman niya ang super kick ko!" pagbibiro ko sa paga-akalang magpapagaan iyon sa loob ni Seb. Pero hindi nawala ang lungkot sa mukha niya. Lumapit ako sa kanya saka siya niyakap. "Magiging maayos din ang lahat, Seb. Huwag ka nang mag-alala sa akin, kaya ko naman ang sarili ko, e. Atsaka bukod pa ron, pwede mo naman akong bisitahin o kaya naman bibisitahin ko kayo rito paminsan-minsan. Tapos makikinig tayo sa mga bago mong kanta."

"I don't think papayagan ka pa niyang bumalik dito."

"Papayagan niya ako, Seb. Magtiwala ka sa akin."

Maya-maya ay bigla na lamang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. "Sophie anak, gising ka pa ba?"

"O..Opo, Dad. Kasama ko po si Seb."

Kaagad na tumayo si Seb at lumabas ng kwarto nang pumasok si Dad. 

"Dad, may gusto po ba kayong sabihin sa akin?"

"Sophie...I'm so sorry, anak.. Wala akong kwentang ama... Sana mapatawad mo pa ako... Hindi, hindi mo ako kailangangpatawarin... Kasalanan ko ang lahat ng ito. Hindi na dapat ako nakipagkasundo pa kay Vincent. Kasalan ko ang lahat ng ito.. patawarin mo ako, anak..."

Niyakap ko siya. "Hindi, Dad. Naiintindihan kita. Hindi mo naman po kasalanan ang lahat. Alam kong wala lang talaga kayong choice. Ayaw ko rin naman pong masaktan kayo..."

"Dapat hinayaan ko na lamang siyang patayin ako... Dapat ibinigay ko na lamang sa kanya ang lahat..." Humiwalay si Daddy sa akin saka hinwaakan ako sa magkabilang pisngi. "You really are the best daughter I could ever have... Gaya ng mama mo, napakabuti mo. Hindi ko alam kung ano pang mukha ang ihaharap ko sa'yo. I'm so sorry, Sophie..."

"Huwag kang mag-alala, Daddy. Hindi naman po ako galit sa inyo." nagsimulang mag-unahan ang luha sa pag-agos sa pisngi ko. "Gusto ko lang po malaman niyo na mahal na mahal ko kayo... Hindi na ako parating nasa tabi niyo kaya please, alagaan niyo po ang sarili ninyo, Daddy... Kailangan pa po kayo nina Samantha, Sera, at Seb... Lahat po sila ay umaasa sa inyo. Anak niyo pa rin naman po ako kahit hindi niyo na ako kasama, hindi ba?"

"Oo naman, anak... You will always be the best daughter I could ever wish for.."


Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon