Sophie's POV
Panay ang buntong-hininga ko habang naglalakad papunta sa infirmary. Bakit kasi kailangang ako pa? Hindi ko pa gustong makita si Lance. Ayaw ko pang makita ang mukha niya dahil maaalala ko lang ang nakita ko noong nakaraan. At paano kung kasama rin niya ang babaeng iyon ngayon?
Huminga ako nang malalim nang marating ko na ang infirmary. Naglakad ako palapit sa pinto at nangingig ang mga kamay kong hinawakan ang doorknob.
Kailangan ko ba talagang ibigay ang mga papel na ito sa kanya?
Pero hindi ko kaya.
Paano kaya kung iwanan ko na lamang ang mga ito rito sa sahig? Sigurado naman akong makikita ito ni Lance sa oras na lumabas siya. O sabihin ko nalang sa lecturer namin na wala si Dr. Jacobs.
Tama. Sasabihin ko nalang na---
"Sophie."
Nanlaki ang mga mata ko nang bigla na lamang nagbukas ang pinto ng infirmary at lumabas doon si Lance habang diretsong nakatingin sa akin. Kaagad naman akong nag-iwas ng tingin sa kanya. "D..Dr. Jacobs."
"Mabuti naman at nakita na ulit kita, Sophie. Hinahanap kita kahapon, pero ang sabi ng nurse sa akin umuwi ka na raw. Saan ka nagpunta, huh? Oo nga pala, sa loob tayo mag-usap." sabi niya saka papasok na sana sa loob ng infirmary pero kaagad akong umiling.
"H..Hindi na, Dr. Jacobs. May klase pa kasi kami, kaya kailangan ko ring bumalik kaagad sa klase."
"Pwede naman akong gumawa ng dahilan para sa iyo." nakangiti niyang sabi sa akin.
Naku, Lance. Huwag kang makangiti-ngiti sa akin nang ganyan matapos mong halikan ang babaeng iyon kahapon.
"Marami na rin kasi akong na-miss na klase. Isa pa, nagpunta lang naman ako rito para ibigay ang mga papel na ito sa'yo."
Halata sa mukha niyang nagulat siya sa inasta ko.
Iniabot ko sa kanya ang mga papel at kaagad niya naman iyong kinuha mula sa akin saka tumangu-tango. "Naiintindihan ko. Next time nalang siguro tayo mag-usap. Basta magpunta kalang dito kapag gusto mo akong makita o hindi maganda ang pakiramdam mo."
"Aalis na ako." cold kong sabi sa kanya saka nagsimulang maglakad paalis.
Ramdam ko ang pangingilid ng luha sa mga mata ko. Siya ang pinakahuling tao na gusto kong tratuhin nang ganito. Pero hindi ko alam, hindi ko talaga maiwasan.
***
"You look so gloomy today." komento ni Vincent habang naglalaro kami ng chess sa kwarto niya.
Walang gana akong tumingin sa kanya. "Huh?"
"Did something happen? Are you sick?"
"Hindi lang talaga maganda ang pakiramdam ko." tugon ko.
Panandalian muna siyang tumitig sa akin bago muling nagsalita. "Then we shouldn't continue this game for now. Let's just do it some other time."
Kaagad akong napatingin sa kanya. "Seryoso ka?"
Sumandal siya sa couch. "I don't want to force you when you're not in the mood. That would be unfair for both of us."
"Isang chess champion na nakikipaglaro ng chess sa isang amateur, hindi ba unfair 'yon?"
"No, it's not. Can you remember what happened last night when I brought you to your room?"
"Sinabi ko na sa'yo, Wala akong naaalala na kahit na ano."
Nagkibit-balikat siya. "You mean, even when you kissed me?"
Nanlalaki ang mga mata akong tumingin sa kanya. "A...Anong sinabi mo?! Anong ginawa ko?!"
"You kissed me, I mean, you pleaded with me to kiss you."
"A..At bakit ko naman gagawin iyon? Sigurado naman akong ikaw ang humalik sa akin at nanamantala sa sitwasyon!"
"Sophie, how many times do I have to tell you that I don't want forced sex? I wasn't the one who initiated the kiss, it was you. You even asked me to kiss you again when I stopped doing it."
Ramdam ko ang pagliyab ng magkabila kong pisngi sa sobrang hiya. "I..Imposible iyan. Hinding-hindi ko gagawin iyon."
"But you already did, baby."
Tumayo ako saka tumingin sa kanya. "Edi sana itinulak mo ako palayo at iniwang mag-isa kaysa halikan ako pabalik!"
"And why would I do that?"
"Kung gentleman ka, iyon ang gagawin mo!"
Tumayo si Vincent saka nagsimulang maglakad palapit sa akin. "Well, I'm sorry. Because I'm definitely not a gentleman."
"A..Anong ginagawa mo?" tanong ko habang patuloy sa pag-atras hanggang sa maramdaman ko na lamang ang malamig na pader sa likuran ko. Na-corner ako ni Vincent sa pamamagitan ng pagtukod sa dalawa niyang braso sa gilid ko.
"And if you ever try to get drunk again and kiss me, I assure you that it will never end with just a stupid kiss." bulong niya saka hinalikan ang tainga ko.
Kaagad ko naman siyang itinulak palayo. "M..Manyak!"
Tumawa lamang siya habang pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa. "Looks like you already gained your strength, shall we continue our game of chess?"
"Chess your ass!" sigaw ko saka naglakad palabas ng kwarto niya.
Hindi na talaga siya nagbago. Siya ang pinakamanyak na lalaking nakilala ko sa buong buhay ko! Isinusumpa ko, hinding-hindi na talaga ako magpapakalasing!
BINABASA MO ANG
Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]
Romance[ALREADY HAVE A PHYSICAL COPY ON IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE!!] "Everytime I win, I will conquer a part of you. I will keep on doing that, until I fully conquer all of you." Walang ibang gusto ang dalagang si Sophie kundi ang matupad ang mga...
![Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]](https://img.wattpad.com/cover/321458130-64-k622048.jpg)