REUNITING

4.6K 62 0
                                        

Sophie's POV

Napagpasyahan kong bisitahin ang mommy ko na si Hannah sa libingan niya para bigyan siya ng bulaklak. 

"Mommy... Hindi ko na alam ang gagawin ko... hindi ko alam kung anong paniniwalaan ko... Kung nandito ka lang, siguradong sasabihin mo sa akin ang totoo... Ikaw lang ang paniniwalaan ko..."

Pinunasan ko ang luha mula sa mga mata ko. "Kamusta ka na, mommy? Sana ayos ka lang diyan sa langit. I love you so much, mom..."

Nanatili ako roon sandali hanggang sa mapagpasyahan ko nang tumayo. "Babalik ako, mommy..."

Aalis na sana ako, pero bigla na lamang may dumating na babae at may hawak na isang bouquet. 

Si Miss Felestine.

"Sophie...."

"M..Miss Felestine..."

Ngumiti siya saka naglakad palapit sa akin. Inilapag niya libingan ni mommy ang bouquet na dala niya. "Gusto kitang pasalamatan, Hannah. Gusto kitang pasalamatan dahil inalagaan mo ang anak ko... Matagal akong nangulila sa kanya.... buong akala ko nga patay na siya... Kung hindi mo siya kinuha noong sinubukan siyang itapon ni Natalie, hindi ko alam kung anong posibleng nangyari sa kanya... Utang na loob ko ang lahat sa'yo, Hannah... Maraming salamat..." panay ang iyak ni Miss Felestine habang nakatitig sa libingan ni mommy. 

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na mapaiyak din. 

"Nahanap ko na siya, Hannah. Matapos ang maraming taon... Nahanap ko na rin siya..." bulong pa niya. 

Matapos niyon ay muli na siyang tumayo at tumingin sa akin. 

"Bakit hindi ka pa umalis sa bahay nila kahit na alam mong itatapon ako ng kapatid mo sa oras na malaman niyang may affair ka sa asawa niya? Bakit ka nagkaroon ng affair sa asawa ng kapatid mo?" sunud-sunod kong tanong sa kanya.

Pinunasan niya ang luha mula sa mga mata niya saka huminga nang malalim. "Hindi ko alam na gagawin niya iyon... Habang wala ako sa bahay, nakipag-usap ako sa architect na nag-design ng bahay natin. Plano ko na kasi talagang umalis sa mansiyon at lumipat. Pero nagkaroon ng aksidente. At ang nangyari sa pagitan namin ng daddy mo... nagmamahalan kami ni Albert noon. Ako ang una niyang nakilala, sobra kaming nagmamahalan noon pero ayaw ng mommy ko na pakasalan ko siya. Instead, she arranged Natalie and Albert's marriage. Sobra akong nalungkot nang malaman kong ikakasal na silang dalawa. Buong akala ko makakalimutan ko na siya, pero isang gabi naglasing ako at nakita ko siya ulit. Sinabi ko sa kanyang mahal ko pa rin siya at may nangyari sa aming dalawa..."

"At hindi mo naisip ang posibleng mangyari ng gabing 'yon? Hindi mo inisip ang pwedeng mangyari sa bata?"

Umiling-iling siya. "Sinabi ng doctor ko sa akin noon na imposibleng magkaanak ako. I had a problem with my ovary. Kaya buong akala ko hindi ako mabubuntis, pero dumating ka. Plano ko ngang tapusin na ang buhay ko noong ma-realized ko ang nagawa ko sa kapatid ko, but then nalaman kong ipinagbubuntis kita. You are the one who saved me, Sophie. Nang makita ko ang mukha mo, lahat ng kalungkutan ko ay nabura. You brought me hope, Sophie. You gave me real happiness... and contentment..."

"Kung ganoon, bakit hindi mo ako hinanap?  Bakit hindi ka nagpunta sa bahay nila?"

"Sinubukan ko, pero hindi ko na maalala kung saan iyon. Ang tanging naaalala ko lang ay ang mukha mo. Naalala ko lang lahat nang makita kong muli ang mukha ni Albert..."

"May idea ka man lang ba kung anong nangyari sa akin? Alam mo ba kung paano ako tinato ni Aunt Natalie habang nasa poder nila ako?!"

"Sophie..."

Nagsimula nang umagos ang luha mula sa mga mata ko. "Tinrato nila ako na parang maid... Si Aunt Natalie... parati niya akong sinasaktan kapag may nagagawa akong mali... kahit kailan hindi niya ako tinrato nang maganda! And guess what? Kinailangan ko pang magpakasal sa taong hindi ko mahal para lang maisalba ang pamilya nila!"

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. "A...Ano? I..Ikinasal ka? P..Pero bakit? Kanino?"

"Nagpakasal ako sa isang mafia boss... May utang sa kanya si Daddy at dahil sinabi niyang papatayin niya ang pamilya ko kapag hindi ako binigay ni daddy sa kanya, nag-volunteer na lamang ako at pinakasalan siya."

"Oh, Sophie.... I'm so sorry, Sophie... I'm sorry..."

"At ngayon, iyon ang dahilan kung bakit kailangan kong maranasan ang lahat ng ito..."

Hinila ako ni Miss Felestine palapit sa kanya saka ako niyakap nang mahigpit. "I'm so sorry, Sophie..."

Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon