MISS FELESTINE'S STORY

4.4K 63 2
                                        

Sophie's POV

Tumayo si Miss Felestine at ang ngiti sa mga labi niya ay hindi nawala. "Sophie!"

"G..Good morning, Miss Felestine."

"Please have seat, sweetheart."

"Thank you." naupo ako sa couch habang siya naman ay umupo sa tabi ko. 

"Ang sabi mo ni Miss Thea gusto ninyo akong makita?" tanong ko.

Bakit ba kinakabahan ako ngayong nasa harapan ko siya?

"Yes, I told her that. By the way Sophie, I'm sorry if I didn't tell you in the first place that I am the CEO of this company. I just didn't want you to feel awkward toward me."

Umiling naman ako. "Hindi niyo po kailangang mag-sorry, ma'am. Naiintindihan ko po kayo at kasalanan ko nga po iyon dahil hindi ko kaagad kayo nakilala."

"Actually, I'm glad na hindi mo ako nakilala. I felt comfortable with you noong una palang tayong nagkita at hindi ko nga rin alam kung bakit. By the way, congratulations. You truly deserve to win the competition."

"Thank you so much, ma'am." sabi ko habang nakangiti.

Sumandal siya sa couch saka tumitig sa akin. "You know what? You actually remind me of someone."

"Ma'am?"

"My daughter. Magkamukha kayo, actually. Bata pa kasi siya noong huli ko siyang makita. Pero kung nandito pa siya, sigurado akong kasingganda mo rin siya."

"N..Nasaan na po siya ngayon?"

Malungkot siyang ngumiti sa akin. "Hindi ko nga rin alam. Naaksidente kasi ako noon at nawalan ng alaala. Ang tanging naaalala ko lang ay ang mukha ng anak ko pero hindi ko rin naaalala ang pangalan niya. Sinabi na lamang ng best friend ko na dinala na siya ng tatay niya papunta sa europe. Sinubukan kong ipahanap siya, pero wala ring nangyari. May nagsabi pa na namatay na raw siya sa isang plane crash kasama ang tatay niya."

"I'm so sorry to here that, Miss Felestine."

"But I don't believe that. Naniniwala akong buhay pa ang anak ko at hinihintay niya pa rin akong bumalik at kunin siya. Hinding-hindi ako susuko sa paghahanap sa kanya."

Kitang-kita ko ang determinasyon sa mga mata niya. Mahal na mahal niya talaga ang anak niya. 

Bigla siyang tumingin sa akin. "How about you, Sophie. Nasaan ang parents mo?"

"Actually, hindi ko na po kasama ang mommy ko. Namatay po siya noong bata pa lamang ako. Nakatira ako noon kasama ang daddy ko at ang asawa niya. Ang legal niyang asawa."

"Huh? What do you mean legal wife? Is your mom, a mistress?"

Napatungo ako. "Nagt-trabaho lang ang mommy ko bilang maid sa bahay nila noon, na-inlove siya kay daddy na nag-iisang anak ng pamilya kung saan siya nagt-trabaho. Kasal na si daddy sa asawa niya noon, pero na-inlove rin siya kay mommy at ako nga ang naging bunga niyon."

"Alam mo ba kung paano namatay ang mommy mo?"

"Sinabi sa akin ng daddy ko na namatay daw siya dahil sa heart attack."

Tumango si Miss Felestine. "Mukhang pareho tayong nawalan ng pinakamamahal natin sa buhay."

"Tama po kayo."

"Then we can just hang out more together. Pwede mo rin akong i-consider bilang second mom mo dahil ikaw na ang ambassador ng kompanya."

"T..Talaga po?"

"Of course. You can ask anything from me and I am more than willing to help you. Also, madalas din naman akong mananatili sa tabi mo dahil ie-endorse natin ang kompanya natin sa mas malalaki pang iba. Ready ka na ba ron, Sophie?"

Tumangu-tango ako habang nakangiti. "Opo, Miss Felestine. Sobrang excited na po akong makasama kayo."

Nagulat ako nang bigla niya na lamang akong yakapin nang mahigpit. "Oh, Sophie. Never pa akong naging ganito ka-komportable sa kahit na sino."

"Ako rin po. Komportable po ako kapag kasama ko kayo." sabi ko naman saka ko siya niyakap pabalik.

Hindi ko nga rin alam, pero feeling ko safe ako habang yakap niya ako. 


Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon