Sophie's POV
"Ano?! Nakatira ka ngayon sa bahay ni Dr. Jacobs?!"
Luminga-linga ako sa paligid namin saka sinabihan si Sabrina na huwag maging masyadong maingay. "Huwag kang maingay, Sab. Baka mamaya may makarinig sa'yo!"
"Hehehe... Ikaw naman kasi, masyado mo akong ginugulat. Sabihin mo ba naman sa aking nakatira ka ngayon sa mansiyon ng pinaka-yummy nating doctor!"
"Hindi naman ako mags-stay doon nang matagal. Maghahanap ako ng trabaho at magr-rent ng sarili kong pad. May alam ka bang trabaho na pwede kong pasukin?"
Umiling-iling siya. "Wala akong alam na trabaho, e. Pero baka pwede kang mag-apply bilang waitress or saleslady?"
"Kasya na kaya 'yon para makapag-rent?"
"Well, tingin ko hindi. Siguro studio type na bahay tapos iba pa iyong mga bills at iba mong babayaran."
Bumuntong-hininga ako. "Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Wala na akong ibang mapupuntahan."
"Pwede ka namang mag-stay sa bahay namin."
"Talaga? Pwede?"
"Sophie, best friend mo ako. Alam mo namang nandito lang ako parati para sa'yo. Pwede ka naman talagang mag-stay sa bahay namin kahit na kailan mo gusto."
"Salamat talaga, Sab."
"Anytime. Oo nga pala, lahat ito ay dahil sa malanding Monica na 'yon. Sinadya niyang gawin iyon dahil gusto niyang mapasakanya ang Hasting Brothers! Napaka-harot!"
"Pero mahal din siya ni Vincent. Naghahalikan sila sa may garden. Hindi naman nila gagawin iyon kung hindi in-insist ni Vincent."
Nagkibit-balikat siya saka ngumuso. "Anong balak mong gawin ngayon? Ayaw mo bang ayusin nalang? I mean, makipag-bati ka sa asawa mo? Ayaw mo bang makipag-usap muna sa kanya?"
"Wala na kaming dapat pang pag-usapan. Alam ko na ang lahat. Mahal ni Vincent si Monica at never niya akong minahal. Alam na alam ko iyon at nararamdaman ko rin. Pinakasalan niya lang ako dahil bored siya at masyado akong tanga para umasa na kaya niya rin akong mahalin."
Tinapik-tapik ni Sabrina ang balikat ko. "Sophie, malalagpasan mo rin iyan. Pagsisisihan ng Monica na iyon ang ginawa niya. Hindi na dapat kita ipinagkatiwala pa sa Vincent na iyon."
***
"Tara na?" sabi sa akin ni Lance bago kami sumakay sa kotse niya.
Kumaway lamang ako kay Sabrina bago kami tuluyang umalis.
"Gusto mo bang sa labas nalang tayo kumain?"
"Huh? S..Sure."
Ngumiti siya sa akin. "How's school?"
"A..Ayos lang. May mga bagong lesson."
"Sophie, nagpunta si Vincent kanina sa bahay ko. Hinahanap ka niya." tanong sa akin ni Lance nang makarating na kami sa restaurant na kakainan namin.
Nilingon ko si Lance. "Anong sinabi mo sa kanya?"
"Sinabi kong kailangan ka niyang bigyan ng time. Kailangan ka niyang bigyan ng time para makapag-isip bago ka niya kausapin."
"Thank you, Lance."
"Hindi mo ako kailangang pasalamatan. Sinabi ko lang naman sa kanya ang dapat niyang gawin. Hindi ka niya pwedeng basta na lamang kausapin kahit na pareho kayong hindi pa ready. Kailangan niya munang isipin ang lahat ng ginawa niya. Kailangan niyang ma-realize ang mga mali niyang nagawa. Hindi ko siya it-tolerate."
Tumango ako sa kanya saka ngumiti. "Malaking tulong iyon. Gusto ko lang din muna makapag-isip."
"Kaya mo iyan, Sophie."
"Dahil parati kang nariyan para sa akin. Oo nga pala, punta na muna ako sa restroom."
"Sure."
Tumayo ako saka kinuha ang purse ko bago naglakad papunta sa restroom. Pumasok ako sa isa sa mga cubicle roon saka umiyak.
Nakakainis talaga. Bakit ba hindi ko makalimutan ang nangyari noong gabi na 'yon? Kasalanan lahat 'to ni Vincent. Wala na siyang mabuting ginawa sa akin. Parati niya na lamang akong sinasaktan. Nakakainis talaga siya...
Nang mahimasmasan na ako ay kaagad kong pinunasan ang luha mula sa mga mata ko saka lumabas mula sa cubicle para hugasan ang kamay ko sa may lababo.
Halatang kaiiyak ko pa lamang dahil namamaga ang mga mata ko.
"If you don't want to lose something, you have to fight for it. Even if it hurts, it will be worth it."
Halos mapatalon ako mula sa kinatatayuan ko nang biglang magsalita ang babae sa tabi ko. Halatang mas matanda siya sa akin, pero napakaganda pa rin niya sa suot niyang pink chiffon dress.
"E..Excuse me?"
"Dahil halatang kaiiyak mo lang. For sure dahil iyan sa taong mahal mo."
"Sa taong hindi ako mahal. Taong hinding-hindi ako magagawang mahalin."
Napakunot ang noo niya dahil sa sinabi kong iyon. "Kung ganoon, huwag mo nang sayangin pa ang luha mo sa kanya. Kung wala siyang ibang ginawa kundi ang paiyakin at saktan ka, then hindi ka niya deserve. You deserve someone who will love you and would make you feel loved. You deserve someone who makes you feel that you are enough."
Ngumiti lamang siya sa akin bago tuluyang lumas ng restroom.
Sino siya?
Tatawagin ko sana siya, pero tuluyan na siyang nakaalis.
Mukha siyang mayaman at respetadong babae. Mukha rin siyang mabait.
BINABASA MO ANG
Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]
Romance[ALREADY HAVE A PHYSICAL COPY ON IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE!!] "Everytime I win, I will conquer a part of you. I will keep on doing that, until I fully conquer all of you." Walang ibang gusto ang dalagang si Sophie kundi ang matupad ang mga...
![Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]](https://img.wattpad.com/cover/321458130-64-k622048.jpg)