AFTER THE WEDDING

7K 134 0
                                    

Sophie's POV

"This will be our house from now on." sabi ni Vincent nang buksan niya ang pinto ng mansiyon kung saan niya ako dinala matapos ang kasal namin. Ito ay isang mansiyon na mas malapit sa university kung saan ako nag-aaral at pati na rin sa school kung saan ako nagt-trabaho.

Wala itong ipinagkaiba sa mansiyon kung saan ginanap ang kasal namin. High-ceiling, chandeliers at salamin na mga dingding. Puno rin ng guards ang buong mansiyon. Maraming mga katulong, tingin ko higit pa sila sa singkwenta atsaka mayroon ding mga personal chef. 

"Bakit nga pala tayo lumipat dito?" tanong ko kay Vincent habang naghahapunan. 

"Because it's closer to your university. Don't you want that since you told me that you still want to work and study?"

"O...Oo. Salamat."

"Tomorrow, Venom will go with you to your university. She will stay by your side throughout the day until you go home." dagdag pa niya.

Tumangu-tango ako. "Naiintindihan ko."

"You need to be here as soon as you're done with your work."

"Okay..."

Matapos niyon ay bigla na lamang nag-ring ang phone niya. Kinuha niya iyon saka sinagot ang tawag. "Hastings."

Tumayo na rin ako matapos kong kumain at sinamahan ako ni Venom paakyat sa kwarto ko. Binuksan niya ang malaking double door saka sinenyasan ako na pumasok sa loob niyon. "Ito na ang magiging kwarto mo mula ngayon, Miss Sophie. Ang walk-in closet ay katabi lamang ng bathroom. Kapag may kailangan ka, huwag kang maga-atubiling tawagin ako."

"Salamat, Venom."

Nang makaalis na si Venom ay naupo ako sa may kama. At least makakapasok pa rin ako sa trabaho bukas. 

Tinignan ko ang phone ko upang malaman kung may text ba si Daddy, pero wala akong nakita. Bumuntong-hininga na lamang ako at napagdesisyunang maligo na muna bago matulog. Pumasok ako sa napakaling banyo na gawa pa sa Cassiopeia marble ang tiles habang ang dingding isang bahagi ng dingding ay gawa rin sa salamin kaya naman tanaw na tanaw ko ang view ng mga bundok sa labas. Mabuti na lamang at medyo blurred iyon kung titingin ka mula sa labas kaya hindi naman ako masisilipan. 

Hinubad ko ang suot kong damit saka inilublob ang katawan ko sa bath tub na mayroong maligamgam na tubig. Malamang inihanda na ito ni Venom bago pa man niya ako samahan paakyat. 

Ni hindi man lang ako tinawagan ni Daddy, o ni Seb. Iniisip ko tuloy kung may pakialam pa ba sila sa akin. Miss na miss ko na sila kahit pa kakaalis ko pa lamang sa bahay namin. Nagsimulang pumatak muli ang luha mula sa mga mata ko. 

Napakalungkot dito. Pakiramdam ko mag-isa lang ako. Siguro...siguro kung buhay pa si mama may makakasama pa ako...

***

Pagkatapos kong maligo ay kaagad kong binalutan ang katawan ko ng itim na tuwalya saka naglakad palabas ng bathroom. Maglalakad na sana ako papasok ng walk-in closet nang bigla ko na lamang naramdaman na parang may nakatingin mula sa likuran ko. 

Laking gulat ko nang makita ko si Vincent na nakaupo sa may kama habang magka-krus ang mga braso at diretsong nakatingin sa akin. 

"A..Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya habang pilit na tinatakpan ang sarili ng mga kamay ko.

"You're asking me why I'm here? This is our room, why shouldn't I be here?"

"K..Kwarto natin?! Pero ang akala ko--

Bigla na lamang siyang tumayo. "We're already married. I guess there's no wrong in sharing the same room and sleeping on the same bed."

"H..Hindi. Hindi ako payag doon. Hindi ba pwedeng sa ibang kwarto ka na lamang matulog? Alam kong kasal na tayong dalawa, pero hindi pa ako sanay. Hindi ako sanay na may ibang tao sa kwarto ko."

"Then be used to it." tugon niya saka nagsimulang maglakad palapit sa akin.

Humakbang ako paatras habang pilit na inihaharang ang mga kamay sa sarili ko. "A..Anong ginagawa mo?! H..Huwag kang lalapit sa akin!"

"I didn't know you have such a great body. May I see it?" nanunukso niyang sabi pero walang kung ano mang emosyon sa mukha niya.

"H..Hindi! Huwag kang lalapit sa akin, please!"

Diretso siyang tumingin sa mga mata ko. "This is our first night together. Don't you think we should be doing what newly-weds usually do?"

"H..Hindi! Please, huwag mong gawin ito sa akin! H..Hindi...hindi pa ako ready..." halos pabulong kong sabi.

"And do you think I care?"

"A..Ano?"

Nagpatuloy lamang ako sa pag-atras hanggang sa mapasandal na ako sa dingding. Napangisi siya nang ma-realize niya na wala na akong ibang mapupuntahan. "Looks like you can't secape from me now?"

"H..Hindi...please...Vincent..."

"Don't you know that I haven't had sex for a month now? I'm already craving it. And the reason I married you is also because I want to have someone to satisfy me every night." itinungkod niya ang mga siko niya sa magkabilang gilid ko upang ma-corner ako. "You are mine now, Sophie."

Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon