Sophie's POV
Sa huli, napagdesisyunan na lamang din namin ni Dr. Jacobs na magpunta sa isang coffee shop.
"Ang ganda naman sa coffee shop na 'to!" bulalas ko pagkalapag na pagkalapag ng waiter ng order namin sa table. Isa iyong heart-shaped latte art na gawa sa steamed milk.
"Oo, may mga creative silang barista. Balita ko nga, isa sa kanila sumali pa sa isang international competition last year." sabi naman ni Lance.
"Talaga? Totoo ba? Ang galing naman!"
Tumango siya. "Masarap din ang croissant nila. Madalas akong magpunta rito kapag stress sa trabaho."
"Ibig bang sabihin niyan, stress ka ngayon?" tanong ko.
"Hindi na, dahil nandito ka."
Kaagad na nag-init ang magkabilang pisngi ko dahil sa sinabi niyang iyon. Humigop na lamang ako sa kape ko saka nag-iwas ng tingin mula sa kanya.
Actually, iyon ang similarity nila ni Vincent. Masyado silang diretso kung magsalita. Well, maliban nga lang kay Vincent na mahilig magsabi ng mga bastos.
"Sophie."
"Ha?" inilapag kong muli sa table ang tasa ko saka tumingin sa kanya.
Nagulat ako nang bigla na lamang niyang inilapit ang mukha niya sa akin habang diretsong nakatingin sa mga labi ko. Ramdam ko ang napakalakas na tibok ng puso ko at tila ba na-estatwa ako sa kinauupuan ko habang nakatitig sa kanya. Maya-maya ay bigla na lamang siyang may kinuhang panyo saka pinunasan ang gilid ng labi ko. "You got some milk on your lips."
"E..Eh? A..Ako na..." sabi ko saka kukunin na sana ang panyo mula sa kamay niya, pero umiling lamang siya saka nagpatuloy sa pagpunas sa gilid ng labi ko.
"Okay lang, ako na."
Napakalapit niya sa akin to the point na nakikita ko na ang nunal niya sa mukha. Naaamoy ko rin ang manly niyang pabango na siyang naging dahilan upang mas lalo pa akong kabahan.
Bakit niya ba ginagawa ito sa akin?
May girlfriend na siya, pero bakit patuloy pa rin siya sa paggawa ng mga bagay na mas lalong magpapahulog sa akin sa kanya?
Lumayo ako sa kanya na siya namang ikinagulat ni Lance. "I..I'm sorry, ako na lang ang gagawa."
"O..Okay.." sabi niya saka iniabot sa akin ang panyo niya.
"Thank you.."
Sophie, ang tanga mo talaga. Mas lalo lang kayong magiging awkward sa isa't isa! Iisipin niyang hindi ka komportable sa kanya!
Panandalian muna kaming nabalot ng katahimikan bago muling nagsalita si Lance. "Kapag may nakakita sa atin dito, paniguradong pagagalitan nila ako dahil nagpunta ako rito kasama ang isang estudyante."
"H..Ha?"
"I'm sorry for bringing you here, Sophie. Siguradong magagalit ang boyfriend mo."
Umiling-iling ako. "H..Hindi, ako nga ang nag-aaalala dahil baka magalit ang girlfriend mo sa'yo."
Hinintay kong magsalita siya.
Hinintay kong sabihin niyang single siya at walang girlfriend, pero hindi niya ginawa. Wala siyang sinabi.
So, ang babaeng iyon ay girlfriend niya ngang talaga.
"T..Tingin ko kailangan ko nang umuwi." sabi ko saka tumayo.
Tumingala sa akin si Lance nang nagtataka. " Huh? Pero maaga pa. Sure kang gusto mo nang umuwi?"
"O..Oo... Sorry talaga, pero gusto ko nang umuwi."
Bumuntong-hininga muna siya bago tumayo. "I understand. Pero hayaan mo akong ihatid ka pauwi."
"H..Hindi na kailangan. Nilibre mo na ako ng luncj kaya---
"I wil really bad if you go home by yourself."
"O..Okay."
***
Tahimik lamang kami habang nasa loob ng kotse niya. Nag-guilty tuloy ako dahil sa ginawa ko.
Tingin ko napaka-childish ng ginawa ko. Hindi niya naman alam na gusto ko siya kaya panigurado akong nagtataka siya kung bakit bigla-bigla na lamang akong nag-ayang umuwi na.
"L..Lance..."
"Hmm?"
"S...Sorry..."
Sandali siyang sumulyap sa akin bago muling tumingin sa daan. "Bakit ka nags-sorry sa akin?"
"Dahil masyado akong killjoy. Alam kong gusto mo lang magpakasaya kasama ako tapos inilibre mo pa ako ng lunch at nanuod tayo ng sine. Gusto ko lang malaman mo na napakasaya ko dahil nakasama kita ngayong araw. Ang tagal na rin mula noong huli tayong nag-hang out at masasabi ko talagang napakasaya ko kapag kasama kita. Salamat sa pagiging sobrang bait mo sa akin, Lance.Naa-appreciate ko ang kabaitan mo."
"Hindi ko alam na mabait ang tingin mo sa akin dahil hindi naman iyon ang totoo. Hindi ako gaya ng lalaking iniisip mo, Sophie. Pero thank you dahil naa-appreciate mo ako." sabi niya nang inihinto niya na ang kotse.
Ngumiti lamang ako sa kanya. "Mabait ka talaga, kaya nga gusto kita..."
"Huh?"
"H..Ha? W..Wala. Wala akong sinabi. Oh, nandito na pala tayo sa tapat ng bahay. Hehe... Salamat sa oras, Lance..."
Hahawakan ko na sana ang handle para buksan ang pinto ng kotse niya pero bigla na lamang niyang hinawakan ang kamay ko. "Sandali lang, Sophie."
"Huh?"
Nahihiya siyang tumingin sa akin. "I..I actually have something to give you."
"May ibibigay ka sa akin? Ano 'yon?"
Bigla na lamang siyang may kinuhang maliit na box mula sa bulsa niya saka iyon iniabot sa akin. "Open it."
Kinuha ko ang box na iyon mula sa kanya saka binuksan. "Hairpin?"
"Oo. Binili ko iyan sa isang store dahil bigla kitang naalala nang makita ko iyan."
Hindi ko naiwasan ang mapangiti. "A..Ang cute nito.... Salamat, Lance..."
Isa iyong hairpin na may smiley na design na gawa sa maliliit na white pearls.
"Do you like it?" tanong niya.
"Oo, gustung-gusto!"
Tumawa siya. "Let me put it on you."
"O...Okay..."
Inilagay niya naman ang hairpin sa buhok ko. "Sabi ko na nga ba at bagay sa'yo."
"Salamat..."
"You are the jolliest girl I have ever met, Sophie. Kaya nga naalala kita sa hairpin na iyan. I hope you'll take care of it."
"Oo naman. Salamat talaga. At sorry kung wala man lang akong regalo sa'yo.."
"Ayos lang. Oo nga pala, tingin ko may naghihintay sa'yo." sabi niya habang nakatingin sa may gate ng mansiyon.
Kaagad na nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Vincent na nakatayo roon habang may kausap sa phone niya. Palinga-linga siya at kaagad na nagsalubong ang kilay niya nang mapadpad ang paningin niya sa kotse ni Lance.
"Kailangan ko nang pumasok sa loob, salamat talaga rito, Lance."
"Yes, sure. See you at school, Sophie."
"S...See you!"
BINABASA MO ANG
Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]
Romance[ALREADY HAVE A PHYSICAL COPY ON IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE!!] "Everytime I win, I will conquer a part of you. I will keep on doing that, until I fully conquer all of you." Walang ibang gusto ang dalagang si Sophie kundi ang matupad ang mga...
![Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]](https://img.wattpad.com/cover/321458130-64-k622048.jpg)