Sophie's POV
Nagising ako nang wala na si Vincent sa tabi ko. Inilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto, pero hindi ko siya mahanap.
"Vincent?"
Bumangon ako mula sa kama saka pinulot ang mga damit ko mula sa sahig saka muli iyong isinuot.
Saan siya nagpunta?
Bigla ko tuloy naalala iyong unang bese na may mangyari sa aming dalawa. Iniwan niya rin ako mag-isa sa loob ng kwarto ko.
Ginawa niya na naman ba?
Iniwan niya na naman ba ako?
Bubuksan ko na sana ang pinto para lumabas, pero may nauna na sa aking magbukas niyon.
"V..Vincent!"
"Where are you going?" tanong niya sa akin nang makapasok na siya sa loob ng kwarto dala ang isang tray ng pagkain.
Tumingin ako sa kanya. "A...Akala ko iniwan mo ako..."
"And why would I leave you here?"
"A...Akala ko kasi---
Naglakad siya palapit sa may roun table saka inilapag doon ang mga pagkaing dala niya. Naupo siya sa upuan saka tumingin sa akin. "Sit on my lap. I'll feed you."
"Huh?"
"Sit here." aniya habang tinatapik ang kandungan niya.
Kaagad akong napangiti habang naglalakad palapit sa kanya. Naupo ako sa kandungan niya.
"Ikaw ang nagluto niyan?" tanong ko.
"Well, no. I just asked if from the people downstairs then brought it here."
Tumawa ako. "Still, ang sweet pa rin. Salamat sa pagdala ng breakfast."
Inilapit ko ang mukha ko sa kanya saka binigyan siya ng mabilis na halik sa mga labi. "Thank you for my breakfast. Now, you have to eat."
"How about you?"
"I'll feed my breakfast first."
Nakunot ako ng noo. "Huh?"
"You are my breakfast, Sophie. That's why you need to eat to have some energy."
Kaagad kong naramdaman ang pag-init ng magkabila kong pisngi. "Vincent, hindi ka pa ba pagod?"
"Nope, never."
***
"Anong tingin mo sa dress na 'to?" tanong ko kay Vincent nang nasa labas na kami ng villa. Suot ko ang isang yellow sundress.
Inaya ko siyang maglakad-lakad sandali dahil ayaw ko namang ayain niya na naman akong gawin ang gusto niya. Napagod talaga ako sa nangyari kagabi. Matapos niya akong sabihang sakyan siya kagabi, humingi pa siya nang humingi ng kung anu-anong pabor hanggang sa wakas ay mapagod na rin siya.
Sandali siyang tumitig sa akin. "Wanna go back to our room? I think it's getting hot in here again."
"Vincent!"
"Just kidding. You look dashing, babe. Just make sure you won't let other morons stare at you or I'll surely punch them in the face."
Tumawa ako. "Syempre hind mo pwedeng gawin iyon."
"I can. If it has something to do with you."
Naglakad lamang kami sa may tabing-dagat nang magkahawak ang kamay.
"Vincent."
"Huh?"
"Anong gagawin natin kapag nakauwi na tayo?"
"We'll tell them we're getting married again." kaswal niyang tugon.
Napatingin naman ako sa kanya. "Pero paano kung hindi sila payag?"
"I don't care. We're going to get married no matter what happens and we won't listen to any of their fucking opinions."
"Natatakot ako..."
"Scared about what?"
"Sa lahat. Sa lahat ng posibleng mangyari pagbalik natin."
Hinila ako ni Vincent palapit sa kanya. "You don't have to be afraid. I will never leave your side so there's no need for you to worry. I love you, Sophie. I love you so much."
"I love you, too..."
At dahil sa mga salitang sinabi ni Vincent ay na-kalma ako. Posessive pa rin siya gaya ng Vincent na nakilala ko, pero tingin ko mas expressive na siya ngayon. Parati niya na sinasabi sa akin kung gaano niya ako kamahal.
Kung pwede nga lang na manatili kami sa islang ito habangbuhay.
BINABASA MO ANG
Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]
Romansa[ALREADY HAVE A PHYSICAL COPY ON IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE!!] "Everytime I win, I will conquer a part of you. I will keep on doing that, until I fully conquer all of you." Walang ibang gusto ang dalagang si Sophie kundi ang matupad ang mga...
![Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]](https://img.wattpad.com/cover/321458130-64-k622048.jpg)