Lance's POV
"Where did you go, Lance?"
Nagulat ako nang makita ko si mommy na nakaupo sa couch sa living room ng bahay ko.
"Mom, you're here. Nagpunta lang ako sa boutique."
"Boutique?"
"I went to a group fitting with Vincent's men." sabi ko habang nakangiti. Tanda ko pa rin ang nangyari kanina lang.
Tumayo si mommy saka nagtatakang tumingin sa akin. "Fitting for what?"
"Vincent and Sophie are getting married next month."
"What?"
"Hindi niyo pa alam?"
Umiling siya. "No. But why are they getting married?"
"Mom, siyempre dahil mahal nila ang isa't isa."
"Ano na naman kaya ang ginamit ng kapatid mong iyon para pilitin ang utu-utong babaeng iyon. Siguaro may ginawa na naman siya, o 'di naman kaya ay pinagbantaan niya ang pamilya nila--
"Mom!"
Tumingin siya sa akin. "What?"
"Naririnig niyo ba ang sinasabi ninyo? Si Vincent ang pinag-uusapan natin dito, ang kapatid ko at anak ninyo."
"That kid never considered me as his mom, anyway. Look at him, forcing any woman to marry him because he's so desperate to have someone—
"Tama na, mom! Hindi gaya ng iniisip ninyo si Sophie! Mahal niya si Vincent! Oh, well. Ano nga bang pakialam ninyo sa mga taong nagmamahal kay Vincent? Ni hindi niyo nga siya itinuring na sarili ninyong anak!"
"Lance! Why are you talking like that to me?! You know exactly why I hate your brother! He's a son of a devil!"
"Mom, anak niyo pa rin siya! At hindi niya kasalanan kung ipinanganak siya nang ganoon ang ama niya! Paano kayo nakakapagsalita nang ganyan sa anak ninyo?"
"I don't have a son like that! A serial killer!"
"Hindi niyo ba naisip na baka kasalanan niyo rin? Dahil hindi niyo siya binigyan kahit ng kaunting atensiyon, dahil hindi ninyo ina-appreciate ang mga ginagawa niya para lang maging proud kayo sa kanya! Wala kayong ibang ginawa kundi ang sisihin siya sa mga bagay na hindi naman niya kasalanan! Vincent decided to leave our house because he felt so lonely! Because every single day of his life, all you did was to tell him howmuch you hate him for being born! At ngayong handa na siyang magbago at masaya na siya, ganyan pa ring reaksiyon ninyo? Kung wala kayong pakialam sa kanya, puwes ako meron. So please, leave him alone. Leave my brother and his wife alone." sabi ko bago ako pumanhik paitaas diretso sa kwarto ko.
Hindi ko pa rin talaga maintindihan kung bakit ayaw ni Mommy kay Vincent. Hindi naman niya kasalanan na ipinanganak siya.
********FLASHBACK*******
"Happy 8th birthday, Dylan!"
Nagulat si Vincent nang binuksan ako ang ilaw sa loob ng kwarto niya. Eleven na ng gabi at may dala akong cupcake na may nakalagay na maliit na kandila sa may ibabaw.
"L..Lance..."
"Come on, stand up there and blow your candle." sabi ko sa kanya, na kaagad naman niyang sinunod.
Naupo kami sa kama niya. Ipinikit niya ang mga mata niya bago hinipan ang kandila.
"What's your wish?" tanong ko nang idinilat na niya ang mga mata niya.
"Why would I tell you my wish?"
"Of course, because I'm your big brother. Come on, just whisper it in my ear."
Inilapit naman niya ang mukha niya sa may tainga ko saka bumulong. "My wish is for mom and dad to finally remember my birthday next year."
Hindi ako kaagad na nakapagsalita.
Lumayo ako sa kanya saka ko hinati ang cupcake sa gitna atsaka ko ibinigay sa kanya ang kalahati.
"Here. Eat it."
"Thank you, Lance."
Tumango ako saka namin sinimulang kainin ang cupcake. Maya-maya ay tumingin ako sa kanya. "Dylan."
"Huh?"
"We're going to celebrate your birthday every year. Even if mom and dad don't remember it, I will always remember it and we will always celebrate it together."
Isang ngiti ang gumuhit sa mga labi niya.
*******END OF FLASHBACK******
And ever since that day, I promised to myself that I will always take care of my brother. They may not appreciate him as a person, but I know Vincent more than they do. And I will never ever let anyone, even our mom to ruin his happiness. Not anymore.
BINABASA MO ANG
Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]
Romance[ALREADY HAVE A PHYSICAL COPY ON IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE!!] "Everytime I win, I will conquer a part of you. I will keep on doing that, until I fully conquer all of you." Walang ibang gusto ang dalagang si Sophie kundi ang matupad ang mga...
![Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]](https://img.wattpad.com/cover/321458130-64-k622048.jpg)