Sophie's POV
"Ugh, namamaga ang mga mata ko! Makakapunta ba ako sa university nang ganito?!" bulong ko habang nakatingin sa repleksiyon ko sa salamin sa loob ng kwarto ko.
Ito ang nakuha ko sa kaiiyak kagabi dahil lang sa mga sinabi sa akin ni Vincent. Hindi ko nga alam kung kaya ko siyang tignan sa mga mata matapos niyon.
"Miss Sophie, nakaalis na si Boss." sabi sa akin ni Venom na kakapasok lamang sa kwarto ko.
Nakangiti akong tumango sa kanya. "Salamat. Pwede na tayong magpunta sa university."
"Oo."
Sinabi ko kay Venom na sabihin sa akin kapag nakaalis na si Vincent. Ayaw kong makita ang mukha niya dahil maalala ko lamang ang sinabi niya sa akin kagabi tapos iiyak na naman ako. Plano ko nga ring umuwi nang maaga mamaya para kapag dumating si Vincent ay tulog na rin ako.
"Napaka-playboy naman ng asawa mo. Nakipag-sex siya sa'yo noong isang linggo lang tapos ngayon sinabihan ka niyang layuan ang ex niya? So, anong ibig sabihin niyon? Na pwede niyang sabihin sa'yo ang lahat ng gusto niya, pero wala kang karapatan na magreklamo kahit nasasaktan ka na?"
"Hindi ko alam, hindi ko na nga rin siya maintindihan. May nangyari na samin, pero ngayon parang wala rin. Hindi ko alam, ayaw ko muna siyang makita matapos ang sinabi niya sa akin."
"Tama! Hayaan mo siyang pagsisihan ang ginawa niya sa'yo. Mas gusto niya ang hitad na iyon kaysa sa'yo? Edi patunayan mo sa kanya na kawalan niya iyon! 'Di hamak naman na mas maganda ka sa babaeng iyon!"
Huminga ako nang malalim. "Ano sa tingin mo ang dapat kong gawin?"
"Maghiganti ka!"
"M..Maghiganti?"
"Oo! Pagselosin mo rin ang asawa mo!"
Umiling-iling naman ako. "P..Paano ko naman gagawin 'yon?"
"Huwag mo siyang lalapitan, huwag ka ring makikipag-usap sa kanya. Subukan mo ring makipag-landian sa ibang lalaki sa harapan niya! Sigurado akong mamatay siya sa selos at mar-realize niyang mas mahal ka niya! Ipaalam mo sa kanya na 'di hamak na higit ka sa ex niya at kaya mong mabuhay nang wala siya!"
"Tingin mo magw-work 'yon?"
"Oo naman! Sigurado ako, Sophie. Babawiin ka ni Vincent at hindi ka na niya pakakawalan pa. At ang bitch na 'yon, itatapon lang siya ni Vincent!"
Sa totoo lang, iniisip ko pa lamang na magseselos si Vincent ay nae-excite na ako. Paano kaya siya magr-react kapag nakita niya akong may kasamang ibang lalaki. Tama si Sabrina, hindi tamang ako lang ang nagseselos. Hindi fair na pwede niya lang akong utus-utusan at diktahan kung ano ang dapat kong maramdaman. Ex niya lang si Monica, ako ang present at pinakasalan niya.
Tumingin akong muli kay Sabrina. "Payag na ako sa plano mo, Sabrina. Hindi ko papansinin si Vincent at ipapa-realize ko sa kanya ang halaga ko."
"Tama 'yan!" bulalas pa niya saka ako tinapik sa balikat.
"Pero teka lang,"
"Huh?"
Inilibot ko ang paningin ko sa buong cafeteria bago muli siyang tinignan. "Paano ko naman siya pagseselosin? Tingin mo magseselos siya sa'yo?"
"Ano?! Paano naman siya magseselos sa best friend mong babae?! Kailangan natin ng lalaki!"
"Paano kung magpanggap kang lalaki?"
Masama siyang tumingin sa akin. "Seryoso ka ba, Sophie? No way!"
"Edi sino naman ang tutulong sa atin?"
Nag-isip muna siya saglit. "Paano kung isa sa mga kaklase natin?"
"Sab, ni hindi nga ako nakikipag-usap sa kanila. Hindi ko kayang makisama sa isang tao na hindi ako komportable. Kung pagseselosin ko lang din si Vincent, tingin ko mas maigi nang gawin ko iyon kasama ang taong komportable ako. Kasi kung hindi, tingin ko hindi rin maniniwala si Vincent."
"Well, tama ka naman. Kailangan nating maghanap ng taong papayag na magpanggap kasama ka. Isang taong willing na tulungan ka at komportable kang kasama. Isang taong siguradong mapagseselos si Vincent." nanlaki ang mga mata niya bigla. "Alam ko na! Alam ko na kung sino ang makakatulong sa'tin!"
"S...Sino?"
"Sino pa? Edi ang kuya ni Vincent! Si Dr. Jacobs!"
BINABASA MO ANG
Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]
Romantik[ALREADY HAVE A PHYSICAL COPY ON IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE!!] "Everytime I win, I will conquer a part of you. I will keep on doing that, until I fully conquer all of you." Walang ibang gusto ang dalagang si Sophie kundi ang matupad ang mga...