FAMILY REUNION

5.5K 96 1
                                        

Sophie's POV

"Thank you so much to all of you here, guys. Your presence means so much to me especially in this night when I am finally turning eighteen. Just like what my best friend Sabrina has said, I can finally do anything that I want. I can finally get my driver's license although I'm not really interested in driving my own car, I can finally go to parties, and I can finally go to places that I want without asking for someone's permission." Ngumiti ako habang hinahanap sina Lance at Sabrina mula sa audience. "And last but definitely not the least, I thank God for letting me reach this age. And I know I still have so many things and struggles to face in the future but I will remain grateful because I know that I have people beside me who's always been there to support me and make me happy when I feel sad. So guys, let's celebrate this very special night of mine by doing all the things that we want! Let's get drunk and dance the night away!"

Pagkatapos na pagkatapos ng speech ko ay kaagad na along bumaba mula sa stage at tumakbo kina Sabrina at  Lance na kaagad naman along sinalubong ng yakap. "You really did well there, huh?" sabi sa akin ni Lance. 

"You nailed it, babe!" dagdag naman ni Sabrina. 

"Well, tingin niyo rin ba papasa na ako bilang presidente ng U.S?"

"Ay naku, huwag please."

Nagtawanan lamang kaming tatlo saka naupo. At least nandito silang dalawa para makausap ko. 

"Wait, Sophie. Actually may surprise kami para sa'yo." biglang sabi ni Sabrina sa gitna ng usapan namin. 

"Huh? Ano 'yon?"

Sumulyap pa si Sabrina kay Lance saka ngumiti na parang pareho nilang alam ang sinasabi niya. Nagtataka akong tumingin sa kanila. "Bakit ganyan kayo makatingin sa akin? Kinakabahan tuloy ako..."

"May surprise kami para sa'yo, pero ipikit mo muna ang mga mata mo." sabi naman ni Lance.

"I...Ipikit ang mga mata ko? Bakit?"

"Come on, Sophie. Ipipikit mo ang mga mata mo o aagawin ko si Vincent mula sa'yo?" biro pa ni Sabrina.

Masama akong tumingin sa kanya. "Sige lang, kunin mo na siya. Wala akong pakialam."

"Sige na, panalo ka na. Pero ipikit mo na ang mga mata mo kahit twenty seconds lang."

"Fine." 

Hindi ko rin alam kung bakit pero bigla na lamang akong kinabahan sa surprise na sinasabi nila. Hilig kasi ni Sabrina na surpresahin ako, pero puros negative naman ang outcome. Pero mahal ko pa rin naman siya, hindi naman siya si Sabrina kung hindi siya ganoon at kaya ko nga siya nagustuhan dahil doon.

Ang tanging naririnig ko lamang ay ang usapan ng mga tao sa paligid ko at ang tunog ng mga nagbabanggaang baso nila habang sumisigaw sila ng 'cheers'. Pilit kong hinahanap ang boses nina Sabrina at Lance, pero hindi ko sila marinig. "Sabi ko na nga ba, pinagt-tripan niyo lang ako. Wala talaga kayong--

"SURPRISE!!"

Kaagad na nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang mga bisita na nakapalibot sa akin habang nakangiti. Lahat sila ay nakatingin sa iisang direksiyon. Nilingon ko naman ang entrance ng hotel at doon ko nakita sina Sabrina at Lance na tila ba may sinasabihang pumasok. 

Bigla-bigla ay dalawang tao ang pumasok. Pareho silang nakasuot ng tuxedo habang nakangiti sa akin. Ang isa ay lalaking nasa fourties niya na at ang isa naman ay mukhang kasing edad ko lamang. Tinitigan ko lamang silang dalawa habang naglalakad palapit sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realized ko kung sino sila. 

Namuo ang luha mula sa mga mata ko habang nakatingin sa kanila. Matagal-tagal na rin magmula nang huli kaming magkita kaya miss na miss ko na talaga sila. 

"Happy eighteent birthda, my daughter." 

Sina papa at Seb.

Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon