NEW FRIEND

6.9K 115 1
                                        

Sophie's POV

"Nakaalis na ba si Vincent?" tanong ko kay Venom nang makarating ako sa dining room para mag-almusal. Wala kaming klase ngayong araw kaya naman mananatili lang ako sa mansiyon ni Vincent.

"Maaga po siyang umalis, Miss Sophie. Ang bilin niya sa akin ay samahan kayo sa mall."

Umupo ako sa isa sa mga upuan saka tumingin sa kanya. "Marami na akong damit sa closet kaya hindi ko na kailangan pang mag-punta sa mall. Alam ko na! Tatawagan ko na lamang si Sabrina at papapuntahin dito."

Tumangu-tango naman si Venom. "Naiintindihan ko, Miss Sophie."

"By the way, pwede ka na munang mag-day off. Wala rin naman akong ibang pupuntahan, e."

"Wala rin naman po akong ibang gagawin kaya mananatili na lamang ako rito kasama ninyo." mabilis naman niyang tugon.

"Ah, ganoon ba? Okay. Oo nga pala, nag-almusal ka na ba? Sumabay ka na sa aking mag-almusal."

Bakas sa mukha niya ang pagkagulat dahil sa sinabi ko. "Huh?"

"Sabay na tayong mag-almusal. Masyadong marami ang pagkaing nakahain dito, hindi ko kayang ubusin."

"Pero--

"Sige na, Venom." sabi ko saka pilit siyang pinaupo sa tabi ko. "At pwede mo akong tawaging Sophie. Sigurado naman akong magkasing-edad lang tayong dalawa kaya hindi mo na kailangang maging formal sa akin."

"Sinabi sa akin ni Boss na tratuhin kita kung paano ko siya tratuhin kaya---

Inabot ko ang kamay niya. "Okay lang. Gusto kong maging magkaibigan tayong dalawa, Venom. Pwede ba akong maging kaibigan mo?"

"M...Miss Sophie."

"Ibig sabihin ba niyan ay ayaw mo?" naka-pout ko pang tanong sa kanya.

"H..Hindi po, Miss Sophie. G-Gusto kitang maging kaibigan, pero tingin ko hindi dapat kayo nakikipagkaibigan sa mga kagaya ko."

"At bakit naman hindi?"

Nag-iwas siya ng tingin. "Dahil hindi ninyo ako kagaya, Miss Sophie. Isa lang nanan ako sa mga tauhan ni Boss Vincent."

"Wala naman akong pakialam doon, Vincent. Gusto kitang maging kaibigan at gusto ko ring mas makilala ka pa. Tutal, wala rin naman akong nakakausap dito, kaya kapag naging magkaibigan na tayo, hindi na ako gaano mabuburyong."

"Pwede mo akong kausapin kahit na kailan mo gusto, Miss Sophie."

Ngumiti naman ako sa kanya. "Salamat. Ibig sabihin ba nito magkaibigan na tayong dalawa?"

Nagdalawang-isip pa siya noong una, pero maya-maya ay nahihiya rin siyang tumango sa akin. "K-Kung iyon ang gusto mo, Miss Sophie."

Isang malapad na ngiti ang gumuhit sa mga labi ko. Nagulat pa siya nang bigla ko na lamang siyang yakapin nang mahigpit. "Natutuwa akong maging kaibigan ka, Venom!"

***

"Napakasarap po nito, Miss Sophie." komento ni Venom matapos niyang tikman ang apple pie na ginawa ko. Wala akong ibang magawa, bukod pa roon ay may lakad din daw si Sabrina kaya hindi siya nakapunta.

Nakahinga ako nang maluwag. "Mabuti naman kung ganoon. Buong akala ko pangit ang lasa."

"Masarap ito, Miss Sophie. Sigurado akong pati si Boss ay magugustuhan ito."

"Talaga?"

"Oo naman."

Ngumiti ako saka sumandal sa may lababo habang nakatingin sa kanya. "Alam mo, Venom. Nagb-bake ako kapag malungkot ako. Kapag nagawa ko na iyon at nakita ko ang ngiti mula sa mga labi ng mga taong tumikim niyon, nagiging masaya na ako."

"Ibig sabihin po ba niyon ay malungkot kayo ngayon?"

"Parati naman akong malungkot. Kahit noong nasa bahay pa ako ng Daddy ko. Hindi ko rin alam, pero pakiramdam ko parati na lamang akong mag-isa. Magmula nang mamatay ang mama ko, pakiramdam ko parati nalang may kulang sa akin."

"Tingin ko ay naiintindihan ko ang nararamdaman mo, Miss Sophie."

Tumingin ako sa kanya nang nagtataka. "Ha?"

"Namatay ang papa ko noong sampung taong gulang pa lamang ako. Dahil doon, nagpakasal ang mama ko sa isang clerk. Ayos naman kami noong una, buong akala ko nga ay magkakaroon na ulit ako ng ama, pero iyon pala ay matagal na akong pinagmamasdan ng stepfather ko. Pinagtangkaan niya akong gahasain isang gabi nang umalis ang mama ko. Mabuti na lamang at isa akong blackbelter sa taekwondo."

Kita ko ang lungkot sa mga mata niya habang nagkukwento. "Sinubukan ko iyong sabihin kay mama, pero hindi siya naniwala sa akin. Inisip niya pang baka gumagawa lamang ako ng kuwento. Dahil doon ay napagpasyahan ko na lamang na maglayas at maghanap ng trabaho sa napakamurang edad."

"Kawawang Venom..." bulong ko.

"Hanggang sa makilala ko ang mga magulang ni Boss noong fifteen years old pa lamang ako. Kinupkop nila ako at ginawang isa sa mga katulong nila. Nang malaman ni Boss na magaling ako sa pakikipaglaban, kinuha niya ako bilang tauhan niya. Walang paga-atubili akong sumali sa grupo niya."

Napakurap-kurap ako.

"Ang mga magulang ni Vincent...Mabait ba sila? I mean, anong klaseng mga tao ba sila?"

"Mababait sila, Miss Sophie. Pero hindi sila ganoon kalapit kay Boss. Tinrato nila ako bilang isa sa pamila nila. Sigurado akong magugustuhan ka rin nila. Kaya lang may problema..."

"Ano?"

Sandali siyang napahinto. "Hindi sila sang-ayon sa pagiging mafia boss ni Boss Vincent."

"Well, kung ako rin naman ang mga magulang niya ay hindi rin ako makakapayag na ang bunso kong anak ay isang mafia boss." komento ko.

Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon