LAST ASSESSMENT

3.6K 66 1
                                    

Sophie's POV

"Kita nalang tayo mamaya, okay?" sabi sa akin ni Lance nang makarating na kami sa company kung saan ako nagt-training bilang isang model.

Ngayon na ang huling araw ng assessment at ngayon na rin pipili ang Felestine ng kukunin nilang mga models at mga model na id-deploy nila sa ibang agency. 

Isang buwan na rin ang nakalipas mula nang magsimula ako rito. Isang buwan mula nang huli kong makita si Vincent. 

"Okay."

"Sophie."

"Hmm?"

"I'm so sorry if I won't make it today. I'm sorry kung hindi kita mapapanuod. I swear, I will make it up to you next time."

Umiling-iling naman ako. "Masyado ka nang maraming nagawa, Lance. Ikaw ang dahilan kung bakit nandito ako ngayon. Wala ka nang dapat pang gawin dahil sapat na ang mga nagawa mo para sa akin."

Bigla na lamang niya akong pinitik sa noo. "Sabi ko naman sa'yo hindi mo na ako kailangang pasalamatan."

"Hehe... Hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko.."

"Sophie, ikaw ang may gawa ng lahat ng ito. Deserve mong mapunta rito dahil meron kang skills and ability."

"Gagawin ko ang makakaya ko, Lance. Gagawin ko ang makakaya ko para makabawi sa'yo."

"I will watch you rise."

Nagpaalam lamang kami sa isa't isa bago ko kinuha ang bag ko at lumabas ng kotse niya."Take care, Lance."

"You too. Goodluck, Sophie!"

Hinintay ko siyang tuluyang makaalis bago ako pumasok sa company building. Ramdam ko ang mabilis na pag-tibok ng puso ko. 

Kaya mo 'yan, Sophie.

Sa may venue, napakaraming tao na nakaupo sa may bandang stage para panuorin kaming mag-model suot ang dress na ibibigay nila sa amin. Ilan din sa mga sikat na fashion designer ay narito para panuorin kami. 

Nabigla ako nang makita ko si Miss Felestine na nakaupo rin doon. Ngumiti lamang siya sa akin nang makita ako. Si Miss Felestine ang nag-silbing mentor ko mula pa noong naguumpisa ako. Parati ko siyang nakikita sa loob ng kompanya although never niyang sinabi sa akin ang trabaho niya. 

"Stacey."

"Yes, Sophie?"

"Kilala mo ba iyong babaeng nakaupo banda roon? Iyong nakasuot ng purple dress?" tanong ko sa kanya habang nakaturo kay Miss Felestine.

Nanlaki naman ang mga mata niya. "Niloloko mo ba ako, Sophie? Hindi mo kilala si Miss Felestine?"

"A..Alam kong Felestine ang pangalan niya, pero hindi ko alam ang trabaho niya rito. Model din ba siya?"

"Model siya dati, pero ngayon, siya na ang CEO ng kompanyang ito. Siya ang may-ari nito, Sophie. At siya rin ang magsisilbing final judge na magsasabi kung pasok tayo o hindi."

"A...Ano?! CEO?! Siya ang CEO ng kompanyang ito?!"

"Hindi mo ba napansin? Ang pangalan niya at ang pangalan ng kompanya ay iisa. Felestine Enterprises."

Tumangu-tago ako. "Bakit ba hindi ko napansin 'yon?"

Never ko talagang inakala na si Miss Felestine ang may-ari ng kompanya. 

Nakakahiya!

Ang dami ko pa namang sinabi sa kanyang mga reklamo tapos parati niya pa akong nakikitang umiiyak. 

"Girls, the show is about to start! Get ready now!" sigaw ni Miss Denee sa aming lahat kaya kaagad na kaming nagpuntahan sa may backstage.

Ngayon, iniisip ko kung ano kaya ang tingin sa akin ni Miss Felestine.

Sigurado iniisip niyang incompetent ako at walang skills.

 Suot namin ang mga dress na ibinigay sa amin. Sa totoo lang , medyo nalulungkot ako dahil wala sina Sabrina at Lance rito para panuorin ako. 

Nagsimula na ang show. Nanginginig ang mga kamay ko habang naghihintay sa turn ko. 

"We can do it, Sophie.  We will be part of Felestine team and be together forever!" sabi sa akin nina Stacey at Eris.

"Oo, sabay-sabay tayong babangon."

Tapos ay tinawag na ang pangalan ko. Kaagad akong lumabas mula sa backstage at naglakad sa harapan ng audience. Laking-gulat ko nang makita ko sina Lance at Sabrina na may hawak na malaking banner kung saan may nakasulat na, "KAYA MO 'YAN, SOPHIE!'. Pareho silang sumisigaw  nang lumabas na ako kaya naman hindi ko napigilan ang mapangiti. 

Pareho nilang sinabi sa akin na hindi sila makakapunta.

Sila ang dahilan kung bakit nandito ako ngayon. Sila ang tumulong sa akin na bumangon ulit at never nila akong iniwan. Kailangan kong gawin ang best ko, kailangan kong patunayan sa kanila na deserve ko kung nasaan man ako ngayon. 

Umikot ako saka ginawa ang last pose ko at maya-maya, narinig ko ang pagpalakpak ng audience habang nakatayo. May iba pa sa kanilang sumisigaw.

You did it, Sophie.

***

"And the best model for tonight who has been assessed by our very own CEO, Miss Felestine Hemmings, is none other than the model who nailed every dress that she wore, the one who proved that she can wear any dress and still look like a real Felestine Model. It's none other than... Sophie Laurens!!!!"

Nakatayo lamang ako roon na tila estatwa. Iniisip ko kung tama ba ang pagkakarinig ko. 

"Sophie! ikaw ang best model! Pumunta ka na roon at tanggapin ang award mo!" biglang sabi sa akin ni Stacey. 

"A..Ano?"

Lumapit din sa akin si Eris. "Nanalo ka, Sophie! Nanalo ka!"

"N..Nanalo ako? Ako ang napili?"

"Oo! Pumunta ka na sa stage! Naghihintay sa'yo si Miss Felestine!"

Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon