A DATE?

6.1K 74 1
                                        

Sophie's POV

"Sophie!"

Kaagad akong napalingon nang marinig ko ang boses ni Lance. 

Sobrang lakas na kaagad ng tibok ng puso ko makita ko pa lamang ang mukha niya. Suot niya ang isang black turtle neck at black na pantalon, pati na rin ang round glasses niya. 

Ngayon na nakatingin ako sa kanya, napagtanto kong kamukha niya nga si Vincent. 

Teka nga, paano naman napasok ang lalaking iyon dito?

Halos hawakan niya na ang pinakaiingatan ko kagabi. Mabuti na lamang at naipaalala ko sa kanyang hita ko ang pagmamay-ari niya at hindi ang kaluluwa ko.  Kailangan ko siguraduhing hindi na siya mananalo sa susunod na laro namin.

"Nasaan si Sabrina?" bumalik lamang ako sa ulirat nang tanungin ako ni Lance. 

"H..Hindi ko alam. Hindi niya rin kasi sinasagot ang mga tawag ko. Siguro papunta na rin siya rito."

Tumango naman siya. "Kung ganoon, hintayin na lamang muna natin siya."

"Uhm."

Naupo siya sa upuan katapat ko. 

"Ito ang unang beses na nakita kitang hindi nakasuot ng uniform." bigla niyang komento.

"Huh?"

"I think your dress suits you." dagdag pa niya habang nakangiti sa akin. 

Tumingin ako sa kanya. "S..Salamat.."

"You know what, Sophie."

"A..Ano 'yon?"

"I think you look even mature now."

"H..Ha?"

Bigla siyang nag-hikab habang nakatingin sa relo niya. "Darating pa kaya si Sabrina?"

"Susubukan ko ulit siyang tawagan." sabi ko naman saka ko kinuha ang phone mula sa bag ko. 

Idinial kong muli ang number ni Sabrina saka ko siya sinubukang tawagan, pero hindi niya iyon sinagot. Tatawagan ko na sana siya ulit, pero bigla na lamang akong may natanggap na text message mula sa kanya. 

From Sabrina:

Alam kong matagal mo nang hinihintay ang araw na ito, Sophie. Kaya naman sige na at i-enjoy mo na ang una mong date kasama si Dr. Jacobs! Tandaan mo, kailangan mong i-kwento ang lahat ng mangyayari sa akin! Huwag mo rin kalimutang halikan siya bago kayo umuwi!

Kaagad na namula ang magkabilang pisngi ko nang mabasa ko ang message na iyon mula kay Sabrina. 

Ang babaeng iyon talaga kahit na kailan...

"Malapit na raw ba siya?" bigla namang tanong ni Lance.

Ibinalik ko ang phone ko sa loob ng bag bago tumingin sa kanya. "M..Masama raw ang pakiramdam niya kaya hindi siya makakasama sa atin.."

"Ganoon ba? Sinabihan mo ba siyang magpahinga at uminom ng gamot?"

"O..Oo."

Bumuntong-hininga naman siya. "Malamang nagkasakit siya dahil masyadong malakas ang ulan kahapon."

"Tingin ko rin.."

"So, mukhang wala na tayong ibang choice kundi ang ituloy ang plano natin ngayong araw. Pwede naman natin siyang bilhan ng kung ano bago tayo umuwi."

Ngumiti ako. "Okay."

***

"Anong movie ang gusto mong panuorin?" tanong sa akin ni Lance nang makarating na kami sa cinema.

Tumingin naman ako sa listahan ng mga movie na pwede naming panuorin. "Tingin ko, maganda ang isang iyon."

"So, hilig mo palang manuod ng romcom movies?"

"Oo." nahihiya akong ngumiti sa kanya.

Pumasok na kami sa loob ng sinehan matapos naming bumili ng popcorn at inumin. Ito ang unang beses na manunuod ako ng sine kasama si Lance.

"Matagal-tagal na rin mula nang makanuod ako ng movie sa sinehan." sabi ni Lance nang makaupo na kami.

"Ha? Bakit naman?"

"Wala kasi akong ganoong oras para magpunta sa mall, wala nga rin akong time para mag-grocery para sa sarili ko." natatawa niyang sabi saka inayos ang suot niyang salamin. "Mabuti na lamang at may gumagawa niyon para sa akin kaya hindi ko na kailangan pang mag-alala."

Bigla na lamang akong nakaramdam ng lungkot. 

Nag-iwas ako ng tingin mula sa kanya. 

Siyempre, ang girlfriend niya ang gumagawa niyon para sa kanya. 

"Hayan, magsisimula na ang palabas!" tila bata niyang sabi habang nakaturo sa malaking screen. 

"O..Oo."

Wala kaming ibang ginawa kundi ang tumawa nang magsimula na ang movie. Panay ang sulyap ko kay Lance at hindi ko mapigilang mapangiti, knowing na sobra siyang nage-enjoy. Masyado siyang focused sa movie, habang ako naman ay focused sa kanya.

"Ang ganda ng movie, 'no?" tanong ni Lance sa akin habang naglalakad kami sa loob ng mall para maghanap ng restaurant na pwede naming kainan.

"Oo, nakakatawa." tugon ko habang nakangiti.

Palinga-linga lamang ako sa paligid nang bigla na lamang akong may nakitang isang malaking teddy bear statue na nakaupo sa may bandang gitna ng daan. Parehong bear din iyon sa mall na pinuntahan namin ni Vincent noon.

"Gusto mo bang magpa-picture katabi ng bear na iyon?" biglang tanong sa akin ni Lance.

"Ha?"

"Tara, mag-picture tayo katabi niyon." sabi niyang muli saka hinawakan ang kamay ko at hinila ako palapit sa teddy bear na iyon. 

Tumayo siya sa tabi ko saka niya nilabas ang phone mula sa bulsa niya. "Hindi ka makita sa camera, Sophie. Lumapit ka pa nang kaunti sa akin."

"O..Okay..." lumapit naman ako nang kaunti sa kanya.

"Hindi pa rin." 

Nagulat na lamang ako nang bigla niya akong inakbayan saka inilapit pa sa kanya. "Smile!"

Tila lalabas na sa dibdib ko ang puso ko sa sobrang lakas ng tibok niyon. Naaamoy ko ang pabango ni Lance at nararamdam ko rin ang init ng balat dahil sa braso  niya sa balikat ko sa sobrang lapit niya sa akin. 

"Tignan mo." ipinakita niya sa akin ang mga litrato namin.

"Mukha akong personal maid mo." natatawa ko pang sabi habang nakatingin sa mga iyon.

Umiling naman siya. "Hindi totoo iyan. Mas mukha nga akong bodyguard mo."

"Paano naman ako magkakaroon ng napakagwapong bodyguard?"

"You're complimenting me too much." nahihiya niyang sabi.

Magpapatuloy na sana ulit kami sa paghahanap ng kakainang restaurant nang bigla na lamang may lumapit sa aming dalawang teenager na nakasuot pa ng uniform habang may hawak na camera sa kamay nila. 

"Excuse me? Couple po ba kayo? Pwede po ba namin kayong kuhanan ng litrato?" tanong ng babaeng may maiksi at kulot na buhok. 

Sumulyap muna ako kay Lance bago muling tumingin sa kanila. "I..I'm sorry, pero hindi kasi kami---

"It's alright. Go ahead." pagpuputol sa akin ni Lance habang nakangiti sa kanila.

Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon