Sophie's POV
Nang hahalikan na sana ako ni Vincent ay bigla na lamang nag-ring ang phone niya.
"Fuck." mura niya saka naglakad palayo sa akin at kinuha ang phone mula sa bulsa niya upang sagutin ang tawag.
Kaagad naman akong tumakbo at pumasok sa loob ng walk-in closet. Sumandal ako sa may pinto sa sandaling mai-lock ko na ito. Habol-hininga ako habang ang mga luha ay nagpapaunahan sa pagpatak mula sa mga mata ko. Muntik na... muntik na akong pagsamantalahan ng demonyong iyon...
Anong gagawin ko? Magmula ngayon ay titira na ako sa bahay na ito kasama siya. Alam ko namang hindi ako makakatakbo mula sa kanya habangbuhay. Kapag nanatili pa ako, hindi ko alam kung makaka-survive ako. Demonyo ang lalaking iyon.
***
"Why did you sleep inside the walk-in closet?" tanong sa akin ni Vincent habang kumakain kami ng almusal.
Nag-iwas ako ng tingin mula sa kanya. "N...Nakatulog lang ako roon nang hindi ko namamalayan..."
"You fell asleep, or you were hiding from me?"
"Vincent."
"What?"
Inilapag ko sa gilid ng plato ang mga kubyertos bago ako huminga nang malalim at diretsong tumingin sa kanya. "Gusto kong magkaroon tayo ng agreement."
"Agreement? What agreement?" tanong niya habang patuloy pa rin sa pagkain.
Sandali muna akong tumingin sa paligid para makasiguradong walang mga katulong na makaririnig sa sasabihin ko. "Y..You see. Nag-aaral pa ako... A..At seventeen palang ako..."
"And so?"
"A...Ayokong.... Ayokong gawin iyon..."
Huminto sa pagkain si Vincent saka pinunasan ang bibig niya gamit ang napkin bago tumingin sa akin. Lalo akong kinabahan sa walang emosyon niyang ekspresiyon. "What is it that you don't want to do?"
"I..Iyong gusto mong gawin n..natin kagabi..."
"You mean, sex?"
Kaagad na namula ang buong mukha ko. "B..Bata pa ako. I mean, pareho tayong bata pa..."
"But we're already married." kunot-noo niyang tugon.
"A...Alam ko, pero hindi pa talaga ako handa sa ganoong bagay. Bukod pa ron, hindi pa kita lubos na kilala. Wala pa akong gaanoong nalalaman tungkol sa'yo. Ni hindi ko nga alam kung saan ka galing o kung ano ang trabaho mo. A..Ayokong gawin iyon kasama ang lalaking hindi ko pa lubos na kilala."
"Alright. So, what do you want me to do?"
Nanginginig ang mga kamay na sumagot ako. "G..Gusto kong magkaroon tayo ng magkaibang kwarto K..Kahit hanggang mag-eighteen lang ako."
"You mean, you want me to wait for you to turn eighteen before we can have sex?"
"O..Oo."
Sarkastiko siyang tumawa. "I can't believe you, woman. Do you even know many women are fighting just to get my attention? Do you know how many of them are dying so that they could have a one-night stand with me? And now you're here, asking me to wait for you to turn eighteen before I could even fuck you?"
Napakagat ako ng ibabang labi. "P..Please. Iyon lang ang hihilingin ko mula sa'yo. Gagawin ko ang lahat ng gusto mong ipagawa sa akin basta...please, pumayag ka."
"Fine. If that's what you want. You'll surely regret that, anyway. Just tell me once you change your mind." aniya saka tumayo. "Don't forget to go home early tonight."
"O..Oo"
***
"Ano?! Kasal ka na?! Pinagloloko mo ba ako, Sophie?!" gulat na tanong ng best friend kong si Sabrina habang kumakain kami ng lunch sa school cafeteria. "Seventeen ka palang! Kanino ka naman nagpakasal?"
Best friend ko na si Sabrina noon pa man. Nabubuhay na lamang siya kasama ng mama niya dahil namatay ang papa niya sampung taong gulang pa lamang siya.
"Sssh..Sab.. baka mamaya may makarinig sa'yo.."
Tumingin muna siya sa paligid namin bago muling tumingin sa akin. "Ginulat mo naman kasi ako! Bigla-bigla mo nalang sasabihin sa akin na kasal ka na gayong last time I checked virgin ka pa!"
"Sab, virgin pa ako ano!"
"Talaga ba? So, kanino ka nga ikinasal?"
"K...Kay Vincent... Hastings.."
Kaagad na nanlaki ang mga mata niya nang banggitin ko ang pangalan ni Vincent. "V..Vincent Hastings? Y..You mean, iyong napakagwapong multimillionaire at mafia boss?!"
Kagat-labi akong tumango sa kanya. "O..Oo."
"OMG Sophie! Naka-jackpot ka! Napakayaman at napakagwapo kaya ng lalaking 'yon! Alam mo bang matagal ko nang pinagnanasaan ang lalaking 'yon?!" kinikilig niya pang bulong sa akin.
"Ni hindi ko nga siya kilala..."
"Teka lang, paano nga pala kayong dalawa nagkatuluyan? I mean, never mo namang sinabi sa akin na may boyfriend ka pala tapos malalaman ko na lang na kasal ka na? Pinagloloko mo ba ako, Sophie?"
"Sab, hindi mo alam kung gaano ko hinihiling na sana nga binibiro lang kita. Pero totoo ang sinabi ko sa'yo. May malaking utang si Daddy sa kanya."
"Kaya ibinigay ka niya kay Vincent bilang collateral?"
Napayuko na lamang ako. "Wala siyang ibang choice. Atsaka, hindi ko naman kayang makita silang nasasaktan, e. Pinagbantaan ako ni Vincent na papatayin niya si Daddy at ang mga kapatid ko kapag hindi ako sumama sa kanya."
"Kaya ngayon ikaw ang nags-suffer dahil sa kasalanan ng pamilya mo, na naman? Alam mo, Sophie? Kung ako ikaw baka hinayaan ko nalang na mapatay ang mga taong iyon. Never naman silang naging concern sa nararamdaman mo. Tintrato ka pa nga nilang utusan."
"Sab, huwag ka namang magsalita nang ganyan sa kanila. Pamilya ko pa rin naman sila. Tinanggap nila ako at pinatuloy sa mansiyon kasama nila. Utang ko pa rin sa kanila ang lahat ng meron ako ngayon."
Naka-pout siyang tumingin sa akin. "Napaka-inosente at bait mo talaga kahit na kailan, Sophie. Oo nga pala, kasal kana ngayon. Ibig sabihin ba niyan handa ka na ring kalimutan si Mr. Jacobs?"
Mabilis na tumibok ang puso ko nang marinig ko ang pangalang iyon. "Siya pa rin naman ang mahal ko, Sab. Hinding-hindi magbabago iyon."
"Oh, well. At least nagawa mong magpakasal sa isang gwapo at mayamang lalaki. Come on, lahat kaya ng babae rito gustong mai-kama ang hot na mafia boss na iyon!"
Umiling-iling lamang ako saka pilit na ngumiti. Si Mr. Jacobs. Isipin ko palang na wala na akong pag-asa sa kanya naiiyak na ako.
BINABASA MO ANG
Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]
Romance[ALREADY HAVE A PHYSICAL COPY ON IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE!!] "Everytime I win, I will conquer a part of you. I will keep on doing that, until I fully conquer all of you." Walang ibang gusto ang dalagang si Sophie kundi ang matupad ang mga...