VINCENT'S BROTHER

4.4K 86 1
                                    

Sophie's POV

"I want you to file a divorce."

Muntikan na akong mabulunan sa iniinom kong kape nang bigla na lamang sinabi iyon ng mommy ni Vincent. Nagtataka akong tumingin sa kanya. "P..Po?"

"Do you love him?" bigla niyang tanong."

Napalunok ako saka nag-iwas ng tingin sa kanya. "A..Asawa ko siya, kayanaman--

"You don't. You are probably not in love with that jerk."

"Bakit gusto niyo po akong mag-file ng divorce?" tanong ko.

"Gusto kong ma-realize ni Vincent na walang magmamahal sa kanya."

"A..Ano?"

Tumayo siya. "Walang magmamahal sa kanya dahil isa siyang demonyo, at walang utang na loob. I want him to live miserably. I want him to realize how much he needs us in his life. I want him to regret leaving us behind."

"P..Pasensiya na po, pero hindi ko kayo maintindihan."

"Mas pinili niyang magtayo ng sarili niyang kompanya kaysa tulungang palaguin ang kompanya ng Daddy niya. What an ungrateful son he is, right? Huminto siya sa pag-aaral at lumayas nang hindi man lang inisip kung gaano kami naghirap sa pagpapalaki sa kanya!" tumingin siya sa akin. "Kaya ngayon, gustong makipag-divorce ka sa kanya para mag-isa na lamang siyang muli."

"Naririnig niyo po ba ang mga pinagsasabi ninyo sa sarili ninyong anak? Alam ko pong wala akong karapatan na pagsabihan kayo tungkol sa pagpapatakbo ninyo sa pamilya ninyo, pero anak niyo pa rin naman po si Vincent, hindi ba? Hindi niyo man lang siya gustong makitang masaya?"

"Masaya? Hindi deserve ng lalaking iyon na maging masaya, Sophie! Teka nga, mahal mo ba talaga ang anak ko? Bakit ganito ang inaakto mo ngayon? Why are you defending him?"

"Dahil asawa niya po ako. Hindi na mahalaga kung mahal ko siya o hindi. Ma'am, pasensiya na po pero tingin ko ay hindi ko magagawa ang gusto ninyo. Ang divorce ay hindi isang bagay na pwede niyong gawin dahil lang gusto niyo. Seryosong usapin po iyon." Tumayo ako hawak ang bag ko. "Salamat po sa kape, ma'am. It was nice to meet you."

Narinig ko pa siyang tinawag ako, pero nagpatuloy lamang ako sa paglalakad. Isang butler ang nagbukas ng pinto para sa akin. 

Ano bang klaseng nanay siya? May pakialam man lang ba siya kay Vincent? Tingin ko ni hindi nga niya gustong maging successful ang sarili niyang anak.

"Tara na, Venom."

"Opo, Miss Sophie."

Hindi ko alam pero parang bigla na lamang akong nainis matapos kong makipag-usap sa kanya. Never pa akong nakakita ng nanay na kasing lupit niya. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ganoon na lamang ang galit ni Vincent sa kanila. Sinabi ni Vincent na hindi nila siya tinrato bilang parte ng pamilya nila, so paano nila naatim na utusan siyang sundin ang mga gusto nila?

"Venom."

"Miss Sophie?"

"Kilala mo ba ang mga magulang ni Vincent?"

Binagalan ni Venom ang paglalakad saka tumingin sa akin. "Opo. Nasabi ko na na kinupkop nila ako noong bata pa ako, hindi ba? Mabait sina Mr. and Mrs. Hastings sa akin noon."

"Kung mabait sila, bakit ganoon nila tratuhin ang sarili nilang anak? Bakit kung tratuhin nila si Vincent ay parang hindi nila siya anak?"

"Tingin ko, hindi po ako ang tamang tao para sagutin ang tanong ninyo."

Bumuntong-hininga ako. "Alam mo ba, sinabihan niya akong makipag-divorce kay Vincent. At alam mo kung ano ag dahilan niya? Dahil sinuway daw sila ni Vincent nang sinabihan nila siya na iwanan ang business niya at magtrabaho para sa kanila. I mean, hindi ba dapat maging masaya na lamang sila para kay Vincent?"

"Kaya po kailangan din nating intindihin si Boss."

"Parang napaka-komplikado ng pamilya nila. Tingin ko, napakarami nilang issue."

Aalis na sana kami ng mansiyon nila nang bigla na lamang may tumawag ng pangalan ko.

"Sophie?"

Marinig ko pa lamang ang pamilyar na boses na iyon ay kaagad na bumilis ang tibok ng puso ko. Lumingon ako roon at kaagad na nanlaki ang mga mata ko nang ma-realized kong tama nga ako. "L..Lance?"

Isang ngiti ang awtomatikong gumuhit sa mga labi niya habang naglalakad siya palapit sa akin. "Sabi ko na nga ba at ikaw iyan. Anong ginagawa mo rito, Sophie?"

"Ikaw dapat ang tinatanong ko niyana. Anong ginagawa mo rito?"

"Bahay ito ng mga magulang ko."

Para bang panandaliang huminto ang oras dahil sa sinabi niya. Tumitig ako sa kanya. "A...Ano?!"

"This is my parents' house. I came here to visit them today." sabi niya nang hindi nawawala ang ngiti sa mga labi.

Bahay ng mga magulang niya?

Ibig sabihin....

Si Lance ang kuya ni Vincent?!

Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon