Sophie's POV
Halos mapatalon ako mula sa kinatatayuan ko nang makita ko si Vincent pagkabukas na pagkabukas ko sa pinto ng kwarto ko.
"Where are you going?" tanong niya habang diretsong nakatingin sa akin.
Tumingin ako sa kanya. Suot pa niya ang pajamas niya kaya siguradong kagigising pa lamang niya. Paano niya nagagawang maging sobrang gwapo kahit na kagigising pa lamang niya?
Hindi, Sophie. Hindi mo dapat pagpantasyahan si Vincent nang ganito kaaga. Hindi pwede, dahil galit ka pa sa kanya.
Nag-iwas ako ng tingin. "Sa library?"
"What are you going to do there?"
"Ano ba sa tingin mo? Siyempe, mag-aaral."
Tumitig siya sa akin saka hinagod ang buhok niya. "It's been a week since the last time that I got to talk to you like this. I always wake up knowing that you already left for school and then I'll go home seeing you deeply asleep. Are you trying to avoid me, Sophie?"
Napalunok ako. "H..Hindi, ano. Bakit naman kita iiwasan? Wala naman akong dahilan para iwasan ka, hindi ba?"
Tumangu-tango siya, pero salubong pa rin ang mga kilay niya. "Yeah, I don't think you have any reasons to do that. From now on, I'll be the one to send you to the university. I will also pick you up and we'll go home with each other, do you understand that?"
Hindi. Hindi ko maintindihan kung bakit ka umaakto na may pakialam ka sa akin kahit na wala ka namang ibang inintindi kundi ang ex mo.
"O..Okay, sige." tipid kong sagot.
"Good."
"Pupunta na ako sa library."
Magsisimula na sana akong maglakad, pero bigla na lamang hinawakan ni Vincent ang kamay ko saka ako hinila palapit sa kanya. Inangat niya ang tingin ko sa kanya saka inangkin ang mga labi ko. Nagulat ako saka sinubukan siyang itulak palayo, pero hindi niya ako hinayaan. Nakahawak lamang ang isa niyang kamay sa pisngi ko habang ang isa ay naglalakbay sa katawan ko. Bigla ko na lamang naramdaman ang palad niya sa dibdib ko. Sinimulan niyang lamasin iyon habang busy ang bibig niya sa paghalik sa akin.
Napapikit ako.
At doon muling pumasok sa isip ko ang mukha ni Monica. Bigla ko na lamang naalala kung gaano kasaya si Vincent habang nakikipag-usap kay Monica, kaya naman inabot ko ang kamay niya para pigilan siya sa pag-unbutton ng blouse ko. Tumigil ako sa paghalik pabalik sa kanya kaya napatigil siya.
Tumingin siya sa akin nang nagtataka. "What's the matter?"
Inayos ko ang blouse na suot ko. "M..Masyado pang maaga. Marami pa akong kailangang gawin, saka oo nga pala, darating ang kuya mo para turuan ako."
"You mean, Lance? Lance is coming over?"
"O..Oo.."
"Can't he just go next week?"
"Huh? Bakit naman?"
Iniangat niyang muli ang kamay niya saka sinimulang suklayin ang buhok ko gamit ang mga daliri niya. "I want to stay alone with you all day. Inside my room."
Napalunok ako nang matindi dahil doon.
Kahit na nakaka-tukso ang idea na iyon, hindi dapat ako pumayag sa gusto niya.
Umiling-iling ako saka hinawi ang kamay niya. "Hindi. Next week na ang exam namin kaya kailangan kong mag-aral para makapasa."
"Then let me just teach you." pagpupumilit niya.
"Hindi. Mas gusto ko si Lance dahil magaling siyang magturo."
"Fine. Just make sure to end it early, okay?"
Kibit-balikat ang tumugon. "Depende. Anyway, pupunta na ako sa library. Kumain ka na ng breakfast."
***
"Good morrning, my brother!" bulalas ni Lance saka niiyakap si Vincent pagkapasok na pagkapasok pa lamang niya sa mansiyon.
"You're going to help my wife study?" tanong sa kanya ni Vincent.
Palihim na sumulyap muna sa akin si Lance. "Oo. Next week na ang exams nila kaya kailangan niyang mag-aral nang mabuti."
"Lance!" patakbo akong lumapit sa kanila saka niyakap nang mahigpit si Lance. Ramdam ko ang titig sa akin ni Vincent.
"Hey there, Sophie. You look wonderful today."
"T..Thank you... ang gwapo mo rin. I mean, parati ka namang gwapo."
Tumawa siya. "Oh, Sophie. Masyado mo akong pinupuri, baka maniwala ako sa'yo niyan."
"Totoo ang sinasabi ko!"
"Are you going to study or you're just planning to talk to each otherhere all day?" biglang sabi ni Vincent na siya namang nagpahinto sa usapan namin ni Lance.
"T..Tama ka."
"Dito na lang ba tayo sa living room o sa may library room nalang tayo para walang maka-distorbo sa atin?" tanong ni Lance.
"Tingin ko mas maganda kung sa may library room nalang tayo." sagot ko naman.
"Tama ka. Ano, tara na?"
"O..Okay."
Maglalakad na sana kami papunta sa library room nang bigla na lamang nagsalita si Vincent. "Can I go there too?"
Sumulyap muna ako kay Lance bago tumingin kay Vincent. "Huh? Ano namang gagawin mo ron?"
"I actually feel like reading a book today." kibit-balikat niyang tugon.
"Pero mag-aaral kasi kami ron. Hindi ba pwedeng sa kwarto mo nalang ikaw mag-basa?"
"I'll read quietly."
"Pero--
"Hayaan mo nalang siya, Sophie. Besides, sinabi naman niyang hindi siya mangi-istorbo." biglang singit ni Lance.
Palihim akong ngumiti. "Okay. Wala naman akong choice."
BINABASA MO ANG
Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]
Romance[ALREADY HAVE A PHYSICAL COPY ON IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE!!] "Everytime I win, I will conquer a part of you. I will keep on doing that, until I fully conquer all of you." Walang ibang gusto ang dalagang si Sophie kundi ang matupad ang mga...
![Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]](https://img.wattpad.com/cover/321458130-64-k622048.jpg)