Sophie's POV
"Venom, tingin mo ba tama ang desisyon ko?" tanong ko kay Venom habang umiinom kami ng wine at nanunuod ng movie.
"Miss Sophie?"
Tumingin ako sa kanya. "Sinabi ko kay Vincent na gusto ko nang makipag-divorce."
"Ginawa mo 'yon?"
"Oo. Sobra siyang nagalit at sinabi niya sa aking mahal niya ako. Mukhang hindi siya kailanman papayag na makipag-divorce sa akin."
"Mahal mo pa ba siya?" bigla niyang tanong.
Uminom ako ng wine. "Hindi naman nagbago ang feelings ko para sa kanya. Noong nakita ko nga siya, sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Gusto ko siyang yakapin, halikan, gusto kong tumakbo palapit sa kanya at sabihin kung gaano ko siya na-miss, pero hindi ko ginawa..."
"Naiintindihan kita, Miss Sophie. Kung ganoon naman pala, tingin ko kailangan mo munang mag-isip nang maigi. Huwag ka kaagad magf-file ng divorce dahil siguradong pagsisisihan mo rin iyon sa huli. Tingin ko kailangan mong bigyan si boss ng chance para patunayan sa'yo kung gaano ka niya kamahal. Kapag sinabi niyang mas mahal ka niya kaysa kay Miss Monica, tingin ko nagsasabi naman siya ng totoo. Masyadong diretso magsalita si boss. Kapag sinabi niyang gusto niya ang isang bagay o tao, gusto niya talaga iyon. Tingin ko mahal ka talaga niya, Miss Sophie."
Bumuntong-hininga ako. "Pero ayaw ko na siyang mahalin pa. Ayaw ko nang masaktan pa..."
"Miss Sophie, part naman ng pagmamahal sa isang tao ang masaktan. Wala namang perfect love. Kapag binigyan mo ng chance si boss, mapapatunayan niya sa'yo na nagsasabi siya ng totoo. Kung hindi niya mapatunayan, iyon na ang panahon para mag-decide ka kung tatanggapin mo pa siya ulit o hindi na."
"Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko, Venom. Mahal ko pa rin si Vincent, pero mayroon sa loob ko na ayaw na siyang tanggapin. Dahil pakiramdam ko masasaktan lang din ako sa huli."
Tinapik ni Venom ang balikat ko. "Kaya mo iyan, Miss Sophie. Ikaw ang pinakamalakas at matapang na taong nakilala ko."
"Hindi totoo iyan. Ako nga yata ang pinaka-iyakin na nakilala mo."
"Ang pag-iyak ay nangangahulugang matapang ka para aminin sa sarili mo na nasaktan ka talaga."
"Hay naku, Venom. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung wala ka. Salamat dahil nanatili ka sa tabi ko." sabi ko saka isinandal ang ulo ko sa balikat niya.
Hinimas niya naman ang buhok ko. "Magmula nang in-assign ako ni boss na maging bodyguard mo, ipinangako ko na sa sarili ko na mananatili ako sa tabi mo kahit na ano pa man ang mangyari."
"Maraming salamat, Venom."
***
"Want a ride?"
Kaagad akong napangiti nang makita ko si Lance.
"Sure, basta ba kasing gwapo mo ang driver ko."
Bumaba siya mula sa kotse niya saka binuksan ang pinto niyon para sa akin.
Parati akong inihahatid ni Lance sa kompanya namin at tingin ko nga mas nagiging close pa kami sa isa't isa.
"May gagawin ka ba next week?" bigla niyang tanong sa akin.
"Huh? Next week? Wekk, sa pagkakatanda ko may meeting ako sa CEO ng Georgina holdings. Pero pagkatapos naman noon wala na akong gagawin."
"That's good to hear. Then maybe we can go out and eat somewhere?"
Tumitig muna ako sa kanya bago nagsalita. "S..Sure."
Ngumiti lamang siya atsaka nagpatuloy sa pagd-drive. Bakit niya kaya ako biglang inayang lumabas? May sasabihin kaya siya sa akin?
"Nagpunta si V sa bahay ng parents namin kahapon."
"H..Huh?"
Tumingin siya sa akin. "Sinabihan niya akong ibalik ka sa kanya. Sobra siyang desperado, Sophie. Tingin ko hinding-hindi siya magf-file ng divorce."
"Alam ko. Hahayaan ko na lamang siyang gawin ang gusto niya sa ngayon. Tingin ko tatanungin ko na lang siya ulit kapag nagi-isip na siya nang tama. Wait, Lance. Sinaktan ka ba niya? Ano iyang sugat sa mukha mo?" tanong ko saka sinubukang hawakan ang sugat niya sa may labi pero nag-iba siya ng tingin.
"W..Wala 'to. H..Hindi na naman masakit--ouch!"
"Hindi na masakit, huh?" sarkastiko kong sabi sa kanya.
"H..Hindi, nagamot ko na 'to. Hindi mo na kailangan pang mag-alala sa akin, Sophie. Ayos lang ako."
"Lance, sorry talaga. Dahil sa akin nag-aaway na kayong dalawa. Kasalanan ko 'to. Nasasaktan ka nang dahil sa akin..."
Inihinto niya ang kotse saka tumingin sa akin. "Sophie. Ayos lang sa akin ang masaktan basta para sa'yo..."
BINABASA MO ANG
Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]
Romance[ALREADY HAVE A PHYSICAL COPY ON IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE!!] "Everytime I win, I will conquer a part of you. I will keep on doing that, until I fully conquer all of you." Walang ibang gusto ang dalagang si Sophie kundi ang matupad ang mga...
![Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]](https://img.wattpad.com/cover/321458130-64-k622048.jpg)