UNANG KABANATA: AANDAP-ANDAP NA ILAWAN (Tagpo 10)

127 5 0
                                    

"MAGHINTAY KA LAMANG AKO'Y DARATING"


Kathang Nobela ni Zampagitang Azul


UNANG KABANATA


AANDAP-ANDAP NA ILAWAN


Ikasampong Tagpo


Habang tumatakbo ang dyiping sarao ni Ernie, di na napigilan ang sariling ipagtapat kay Louie na kailangan niyang puntahan sa ospital sa Dr. Gloria D. Lacson General Hospital sa San Leonardo, Nueva Ecija si Ine na kasalukuyang agaw-buhay. Di na nagtaka si Louie nang idiretso ni Ernie ang sasakyan sa nabanggit na ospital. Nang nasa ospital na sila, inutusan ni Ernie ang pamangkin niyang si Louie na ang magmaneho ng sarao at mag-deliver sa suki nila ng mga kahong-kahong balot. Sumunod naman agad si Louie.


Sagsag agad na tinungo ni Ernie ang infornation counter ng ospital at tinanong kung anong bilang ng silid naroon si Lanie Gonzales ang buong pangalan ni Ine na nasa calling card. Sinabi nuong nars na nasa Intensive Care Unit si Ine.


"Sino po kayo?" ang tanong ng nars sa kanya.


"Ako po si Ernie...Ernie Santos...family friend po ng pamilya ni Ine," ang natatarantang paliwanag ni Ernie.


"A kayo po ang ibinilin ng Ate ng pasyente na si Aling Luisa na kapag kayo'y dumating, itawag ko lang sa cp niya," ang sabi ng nars.


Sa darating sa information counter si Luisa na humahangos na pugtong-pugto ang mga mata.


"O, hayan na po pala si Aling Luisa..." sabi ng nars na nakatingin sa paparating na kapatid ni Ine.


Sabay lingon ni Ernie sa dumarating.


"Ernie...ikaw ba yan?" ang panininuguro ni Luisa.


"Opo...ako nga po ito. Musta na po si Ine?"


"Nasa ICU...kailangang masalinan ng dugo...naaksidente siya...tumilapon siya nang mabangga ng isang SUV habang nagmamaneho ng jeep namin," ang sunod-sunod na pagpapaliwanag ni Luisa sabay hatak kay Ernie sa isang tabi, malayo sa information counter na parang may lihim na isisiwalat kay Ernie.


"Ano po nangyari at bakit siya naaksidente?" ang pag-uusisa ni Ernie na di mapakali."Nagalit ako sa kanya ng dahil sa iyo...nahalata ko kasi na nagkakagusto sa iyo...takot kasi kong mawala siya sa akin...takot kasi kong pag nag-asawa na siya...iiwan na niya ko!" ang humahagulgol na tinig ni Luisa.


"Matanda na ko...ayaw kong mag-isa...dadalawa na lang kaming magkapatid. Ulila na kaming lubos...kaya lang..."ang tuloy-tuloy na litanya ni Luisa.Napatango na lamang si Ernie.


"Ngayon lang po lumilinaw na sa akin ang lahat. Kayo po ang nag-text sa akin na layuan si Ine," ang paglilinaw ni Ernie.


"Oo...ako nga..." gumagaralgal ang tinig ni Luisa."Ngayon ako nagsisisi kasi nuong mag-away kami tungkol sa iyo...tinangay niya yung jeep namin sa bahay at mabilis na pinatakbo hanggang maaksidente...ako may kasalanan.."ang paninisi ni Luisa sa sarili.


"Sabi ng doktor kailangang masalinan siya ng dugo...sa dami ng dugong nawala sa katawan niya..." ang tuloy-tuloy na pagkukuwento ni Luisa.


"Anong type ba ng dugo ni Ine? Willing po akong mag-donate kung magka-match kami," ang pagmamagandang-loob ni Ernie.


"Nagpa-blood test na ko...match kami kaya lang ang dami kong kumplikasyon kaya di rin raw ako pupuwede," ang paliwanag ni Luisa.


"Type O ang blood niya..." ang agad isinunod na paliwanag ng Ate ni Ine.


"Type O...ang blood ko...willing po akong magpa-blood test!" ang pagkukusang nanggaling sa bibig ni Ernie.


"Naku maraming salamat Ernie...sana maka-survive pa ang kapatid ko at ipinapangako kong hindi ko na siya paghihigpitan."


Walang ano-ano'y nag-ring ang selpon. Tumatawag si Louie.


"Tapos na kong mag-deliver...susunduin na ba kita ryan sa ospital?" "Huwag na...maiiwan ako sa ospital, magdo-donate ako ng dugo kay Ine. Ipaliwanag mo na lang kay Kuya Pert kung bakit hindi ako nauwi...alam ko, mauunawaan niya ko!" ang mabilis na tugon ni Ernie sa pamangkin si Louie.

All reactions:3Rachelle Bautista Mijares, Desserie Mae Garan and 1 other


"MAGHINTAY KA LAMANG..AKO'Y DARATING"Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang AzulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon