IKAPITONG KABANATA : ALIMAOM (TAGPO 78)

34 2 1
                                    


"MAGHINTAY KA LAMANG...AKO'Y DARATING"

Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang Azul

IKAPITONG KABANATA

ALIMAOM

Ikapitumpu't Walong Tagpo

Sa Castro Hospital na nagkamalay si Liling na himalang nakaligtas pa rin sa sunog. Nagkaroon siya ng 'third degree burned'. Halos di na makilala ang kalahati ng kanyang kanang mukha dahil sa malubhan pinsalang inabot gayundin ang kanyang katawan at mga braso na balot ng maraming benda.

"Diyos ko...ano na nangyari? Nasa impiyerno na ba ako?"

Inilinga ni Liling ang kanyang paningin sa paligid. Sa una, wala siyang maaninag. Nanlalabo pa ang kanyang paningin. Sa simula, tanging tatlong hugis-tao lamang ang kanyang naaaninaw.

"Ligtas ka na Ate Liling!"

"Ernie, ikaw ba 'yan?"

Pilit inaaninag ni Liling ang nagsalita.

"Ako nga ito, Ate Liling...magdadalawang linggo na tayo rito sa ospital..."

"Diyos ko...buhay pa pala ko...akala ko patay na ko huhuhu".

Di-mapigilan ni Liling na mapahikbi nang malamang buhay pa pala siya. Mapapahinto na lamang siya sa kanyang pag-iyak nang maalala ang kanyang mga anak.

"Ang mga anak ko...sina Efren at Beet...nasaan sila?"

"Narito po kami Mama ni Kuya Efren..."

Unti-unti nang lumilinaw ang paningin ni Liling habang pinagmamasdan niya ang kanyang mga anak.

"Diyos ko...salamat at buhay pa kayo mga anak...kasalanan ko ang lahat ng ito...kundi dahil sa akin...di-masusunog ang bahay natin...sinadya ko talagang sunugin ang bahay natin...gusto ko na kasing mamatay...sobrang naging makasarili ako...di ko na naisip na pati kayo mga anak ay madadamay sa ginawa ko...patawarin ninyo ko mga anak..."

Muling mapapahagulgol si Liling sa matinding pagsisising nararamdaman. Pagkatapos, ibabaling niya ang kanyang paningin kay Ernie.

"Ernie...patawarin mo ko sa mga naging pagkakasala ko sa iyo...kung kailangang lumuhod ako sa iyo gagawin ko huwag mo lang kaming pababayaan ng mga anak ko...wala na kaming bahay at lupang uuwian...iniilit na ng mga bancong aming pinagkakautangan ang aming mga ari-arian..."

Abot-abot ang pag-uunahan ng mga luha sa mata ni Liling sa labis na pagdadalamhati at pagsisisi.

"Di muna kailangan pang lumuhod Ate Liling. Nuon pa ma'y napatawad na kita...'wag kang mag-aalala...di ko kayo pababayaan ng mga anak mo..."

Lalong nadurog ang puso ni Liling sa mga narinig mula sa mga bibig ni Ernie na sa kabila ng ginawa niyang pang-aalipusta at di-makataong pagtrato kay Ernie mula palang sa pagkabata hanggang sa magbinata at magkaasawa ay pawang kabutihang-loob pa rin ang iginaganti sa kanya. Luhaan namang mapapayakap sina Efren at Beet sa kanilang Tito Ernie na buong pusong nagpaubaya.

All reactions:1Carolina Javier1LikeCommentShareForgiveness is next to godliness.

"MAGHINTAY KA LAMANG..AKO'Y DARATING"Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang AzulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon