"MAGHINTAY KA LAMANG...AKO'Y DARATING"
Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang Azul
IKASIYAM NA KABANATA
AGAW-LIWANAG-AT-DILIM
Ikasiyam-na-po't Apat na Tagpo
Makaraan ang ilang araw na ginawang panunuyo ni Ernie sa anak at sa matiyaga ring pagsubaybay ni Althea kay Jershey at sa patuloy na pagpapayo at pagdarasal ni Ine, unti-unti nang nakalimutan ni Jershey ang kanyang mga tampururot sa buhay. Nakukuha na niyang ngumiti at paminsan-minsa'y nakikipagbiruan at nakikipaglaro na rin sa amang si Ernie bagamat may mga sandaling natatahimik kapag naaalala si Aniway, ang nakabubunso niyang kapatid na babae.
"Musta na kaya si Aniway Papa Ernie? Sana, mabawi pa natin siya kay Papa Adonis...I miss her so much..." ang pag-asam at pagsusumamo sa tinig ni Jershey.
"Pray to Jesus anak...make a wish na sana magkasundo na muli ang Mama Althea mo at ang Papa Adonis mo...para magkita na kayong muli ni Aniway..." ang payo ni Ernie sa anak.
"Alright Papa Ernie, I'll follow your advice..." ang tugon ni Jershey kay Ernie na natanggap na ang pagka-ama nito sa kanya.
Sa isang sulok ng bahay, lihim na nangingiti si Althea habang pinagmamasdan ang pag-uusap ng mag-ama sa may sala ng bahay ngunit saglit lamang 'yun, sa pagsagi sa isipan niya kina Adonis at Aniway, nakararamdam na naman siya ng labis na kalungkutan.
Ilang araw na rin niyang tinatawagan ang cp ni Adonis, palaging 'cannot be reached', kaya parang tuluyan na siyang nawawalan ng pag-asang magkakabalikan pa silang mag-asawa.
Ang labis na inaalala ni Althea ngayon ay si Aniway kung nakakain ba ito nang maayos, kung nakatutulog ba pa ito nang mahimbing at kung sa sobrang kaabalahan sa ospital ni Adonis, nakukuha pa ba nitong maihatid si Aniway sa private school na pinapasukan nito sa kindergarten gayundin si Jershey, ilang araw na rin itong hindi pumapasok sa iskul, kailangan na ring mag-report nito.
Nasa ganoon siyang pagdidili nang tumunog ang selfon ni Althea, sakto namang tumatawag si Adonis na agad naman niyang sinagot.
"Adonis, kumusta na kayo ni Aniway?" buong pananabik na pagtatanong ni Althea.
"May sakit si Aniway. Hinahanap si Jershey...sa ngayon, kalimutan na muna natin yung di natin pagkakasundo...dito kami sa Castro Hospital sa Baliuag...naka-confine si Aniway...hihintayin ko kayo rito ni Jershey!" ang nag-aalalang tinig ni Dr. Adonis sa kabilang linya.
Sa lalabas sa silid si Ine, rinig na rinig niya ang usapan ng mag-asawang Adonis at Althea. Matamang nakikinig naman sina Ernie at Jershey.
"Oh my God, Aniway is sick...let's go now Mama..." mabilis na tatakbuhin ni Jershey si Althea at hahatakin na ang kamay ni Althea.
"Sige na Althea...puntahan na ninyo si Aniway sa ospital at kami nama'y susunod na lang din ni Ernie..." ang pagtataboy ni Ine sa mag-inang Althea at Jershey.Lilingunin naman ni Jershey si Ernie at magbibilin.
"Papa Ernie...just follow us...sabi mo nga we are one family...dalawa ang Tatay ko...ikaw at si Papa Adonis..." ang bibong pangangatwiran ng anak na si Jershey na parang natanggap na ang lahat ng pangyayari sa buhay niya.
"Yes anak...we are one family...sige susunod na rin kami ni Mama Ine mo..." ang magkahalong galak at pangambang naging tugon na lamang ni Ernie sa ipinakitang 'maturity' ng anak na si Jershey sa kabila ng pagiging batang-isip nito.
Nandun pa rin ang pangamba ni Ernie sa pagkikita nila ni Adonis sa ospital. Di nga ba't pinagseselosan pala siya ni Dr. Adonis nang di niya namamalayan at ngayon sa pagkikita nilang muli, nakararamdam siya ng pagkaasiwa ngunit wala siyang magawa kundi pagbigyan ang kahilingan ng anak na si Jershey.
All reactions:3Charet B. Monsayac, Dalia Delrosario and 1 other2LikeCommentShareWrite a comment...
BINABASA MO ANG
"MAGHINTAY KA LAMANG..AKO'Y DARATING"Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang Azul
AvventuraKATHAMBUHAY NA NOBELA NI ZAMPAGITANG AZUL ISANG KATHAMBUHAY NA NOBELA NA TUMATALAKAY SA KAHIRAPAN NG BUHAY, PAGDURUSA, PAGSUBOK AT MABIBIGAT NA HAMON NG BUHAY NA NALAMPASAN NI ERNIE NA ISANG HAMAK NA TRABAHADOR KASAMA NG MGA TRABAHADOR NA BIKOL SA P...