"MAGHINTAY KA LAMANG...AKO'Y DARATING"
Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang Azul
IKASIYAM NA KABANATA
AGAW-LIWANAG-AT-DILIM
Ikaisandaa't Siyam na Tagpo
Matapos ang masayang panonood ng parada, sumakay naman sa iba't ibang ride sina Ernie at Ine, Louie at Jessa, Bea Jessa at John na sa sandaling pagkikita sa Tokyo Disneyland ay naging palagay na ang loob sa isa't isa. With the same vibration, walang kontrahan sa bawat trip na gusto nilang gawin sa loob ng Disneyland, sinasakyan na lang ng isa't isa ang kagustuhan ng bawat isa. Kung sino ang unang nag-aya sa kanila, siyang lider ng grupo.
Una silang sumakay sa Space Mountain, abot ang hiyawan at tawanan ng mga visitor-passenger sa bawat spaceship na kanilang kinalululanan na pawang naka-seatbelt, sa papataas nang papataas na paglipad ng kani-kanilang mga spaceship sa napakadilim na kapaligiran na kanilang namamasid hanggang bigla na lamang bumulusok nang napakabilis ang mga space-ship nang pababa nang pababa sa isang pagkalalim-lalim na bangin.
Hindi humihinga ang lahat, ang iba'y di-kumikibo, nakikiramdam sa mga susunod pang mangyayari. Halatang nangangalisag ang buhok sa sobrang pagkalula. Parang hinahalukay ang mga bituka. May mga tila masusuka. May mga sumisigaw para labanan ang takot na nararamdaman.
Di-namamalayan, nakikisigaw na rin sina Ernie, Ine, Louie, Jessa, Bea Jessa at John para labanan ang takot sa sobrang excitement.
"Ayoko na Ernieeeeee....ibaba mo na ko....ayaw ko pang mamatay...ibaba mo na koooooo!" sigaw ni Ine na matindi ang kapit sa spaceship na kanilang sinasakyan.
"Chill lang Ine...hehehe....just enjoy the ride hahaha," tugon ni Ernie na ayaw ipahalata sa asawa ang matinding kaba na nagagawa pa man din na ipadyak nang padiin nang padiin ang mga paa sa lapag ng spaceship na sinasabayan ang bawat pagbaba at pagtaas ng spaceship hanggang sa malauna'y nararamdaman na niya ang tila pamimitig ng kanyang mga paa.
Di naman mapigilan ang tawanan nina Bea Jessa at John gayundin nina Louie at Jessa na tila sanay na sanay na sa pagsakay sa mga hardcore na rides.
"Ok lang 'yan Tita Ine....basta isigaw mo lang nang mawala ang kaba mo hahaha!" panunukso ni Louie.
"Buwisit ka Louie...bakit nag-aya-aya ka rito...halos bumaligtad na nga ang matris ko hahahaha Diyos ko....ayoko na po talaga...ibaba na po Ninyo ko rito...."
Muli na namang tutulin nang tutulin, nang pataas nang pataas ang mga spaceship, naroong tumigilid, tumuwid at halos bumaligtad na at nagpapagewang-gewang sa sobrang tulin habang di man lang nila nakikita ang direksyon na kanilang pinatutunguhan at dahil dito, di na naman magkamayaw sa hiyawan ang mga visitor-passenger sa sobrang excitement.
Hanggang sa makakita sila sa kalawakan ng mga naglalakihang bulalakaw na tinutudla sila na di naman sila tinatamaan at pawang nahahagingan, na lalo pang nagpalala at nagpaigting sa pagkakagulo at excitement ng mga visitor-passenger sa kani-kanilang spaceship.
Unti-unti nang napanatag ang loob ni Ine at naibsan na ang takot na kanyang nararamdaman nang bumagal na ang spaceship nila ni Ernie kaalinsabay ng iba pang spaceship lalo na nang tumambad sa kaniyang paningin ang isang tila walang katapusang milky-way na kanilang dinaraanan.
"Nasa langit na ba tayo Ernie?" ang nauusal na tanong ni Ine.
"Wow napakaganda...mag-wish tayo Ine..." ang sabi ni Ernie na natutulala sa angking kagandahan ng kalawakan.
"Anong iwi-wish natin?" ungkat ni Ine.
"Na sana magka-galaxy baby na tayo hahaha!" mabilis na tugon ni Ernie.
"Ayoko nga! Baka maging alien 'yan hahaha!" pagbibiro ni Ine.
"Basta mag-wish na magkaanak na tayo!" pangungulit ni Ernie.
"Sige...sige! Dear God, I wish for a healthy baby!" ang pagwi-wish ni Ine.
"Yes! Yes Lord, magkaka-baby na kami! In Jesus' name, I claim it! I claim it!" ang malakas na sigaw ni Ernie.
Tila nag-bounce back sa buong kalawakan ang pagwi-wish ni Ernie at Ine.. Nagpalakpakan sa buong kasiyahan ang mga visitor-passenger sa bawat spaceship.
Maya-maya pa'y natahimik na ang lahat habang pinagmamasdan ang angking kariktan ng mga bituin gayundin ng iba't ibang planeta na umiikot sa kabuuan ng solar system.
Halos lahat, nagpapalakpakan na sa sobrang kasiyahan sa mga kamangha-manghang bagay gaya ng mga di-mabilang na mga bituin na may iba-ibang sukat at hugis na nagsasabog ng kaningningan gayundin ang iba't ibang uri ng galaksi sa milky-way na kinaruruonan din ng araw, buwan at planetang Earth na nabibilang sa iba bang planetang umiinog sa palibot ng solar system.
Sa gitna naman ng masigabong palakpakan ng mga biyaherong pangkalawakan sa kanilang mga spaceship, tila assuming naman ang mag-asawang Ernie at Ine na sila ang pinapalakpakan ng mga ito bilang pagbubunyi sa nalalapit na pagdatal ng kanilang munting anghel sa sinapupunan ni Ine.
All reactions:5Maria Digna Ramos, Grace Alon and 3 others
12LikeCommentShare
Kagaling ng writer neto buhay na buhay ang kwento ng karanasan at excitement ng kwento. Love it.
BINABASA MO ANG
"MAGHINTAY KA LAMANG..AKO'Y DARATING"Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang Azul
AvventuraKATHAMBUHAY NA NOBELA NI ZAMPAGITANG AZUL ISANG KATHAMBUHAY NA NOBELA NA TUMATALAKAY SA KAHIRAPAN NG BUHAY, PAGDURUSA, PAGSUBOK AT MABIBIGAT NA HAMON NG BUHAY NA NALAMPASAN NI ERNIE NA ISANG HAMAK NA TRABAHADOR KASAMA NG MGA TRABAHADOR NA BIKOL SA P...