"MAGHINTAY KA LAMANG...AKO'Y DARATING"
Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang Azul
IKAPITONG KABANATA
ALIMAOM
Ikapitumpo't Siyam na Tagpo
Lumipas na ang mga araw. Tuluyan nang naghilom ang nasunog na kanang mukha at buong katawan ni Liling. Kasama ang mga anak na sina Efren at Beet, buong pagpapakumbabang nagpaampon na si Liling sa mapagkandiling palad ng mag-asawang Ernie at Ine.
Pinagpagawa ni Ernie ng may katamtamang sukat na bahay kubo na kumpleto sa lahat ng kagamitan sa loob ng maluwang na bakuran ng pagawaan ng balot ang mag-iina. Sinagot ni Ernie ang pagpapaaral sa kanyang mga pamangkin na sina Efren at Beet. Sa simula, hinahatiran ni Damian ng pagkain ang mag-anak sa utos na rin ni Ate Luisa. Madalas dinadalaw at nakikipaghuntahan sina Ernie, Ine at Luisa sa mag-iinang Liling sa bahay-kubo para malibang ang mga ito at makalimutan ang trahedyang sinapit nito sa kanilang buhay.
Sa tuwing magsosolo sa kanilang silid ang mag-asawang Ernie at Ine, laging laman ng kanilang usapan ang kalagayan ng mag-iina.
"Kawawa naman si Ate Liling...di pa rin siya ganap na nakare-recover...madalas pa rin siyang natutulala at nahuhuli kong umiiyak..." ang pakli ni Ine.
"Pasasaan ba't makapag-a-adjust na rin siya...kahit paano may nakikita na tayong pagbabago sa kanya..." ang sabi ni Ernie sa asawa,"...mabuti pa sina Efren at Beet, unti-unti nang natatanggap ang malungkot na nangyari sa kanilang buhay."
"Mabuti pa kaya, gawin kong kahera sa pagawaan ng balot si Ate Liling," susog ni Ine.
"Mabuti pa nang kahit paano'y malibang..." tugon ni Ernie.
"Paano na kaya yung lupa ninyo sa Virgen Delos Flores na nailit ng banco?" usisa ni Ine.
"Balak ko ngang kausapin ang mga kapatid ko na pagtulong-tulungan naming bilhin muli sa banco yung lupang minana pa namin sa aming mga magulang...may sentimental value kasi ang lupang iyon sa aming magkakapatid...sayang kung iba pa ang makabibili noon..." ang nasambit na lamang ni Ernie.
"Aba kumilos ka na...baka iba pa nga ang makabili nuon...samantalahin mo hangga't mapera pa ang mga kapatid mo..." ang pang-uurot ni Ine sa asawa.
Napaisip si Ernie. Tama si Ine. Kailangan na niyang kumilos.
"Superman..." Makahulugang tititigan ni Ine si Ernie.
"Bakit Wonderwoman? Waring binabasa ni Ernie ang nasa isip ng asawa.
"Gusto ko ng magkaroon ng super-boy o kaya'y super-girl..." Matatawa si Ernie sa tinuran ng asawa.
"Tama ka...sobra na tayong nalibang sa ating negosyo...let us make a baby now..."
Wala nang inaksayang sandali si Ine. Mabilis na gumapang ang isa niyang kamay sa loob ng brief ni Ernie habang magkahinang ang kanilang mga labi na ninamnam ang tamis ng kanilang pagmamahalan.
LikeCommentShare

BINABASA MO ANG
"MAGHINTAY KA LAMANG..AKO'Y DARATING"Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang Azul
AdventureKATHAMBUHAY NA NOBELA NI ZAMPAGITANG AZUL ISANG KATHAMBUHAY NA NOBELA NA TUMATALAKAY SA KAHIRAPAN NG BUHAY, PAGDURUSA, PAGSUBOK AT MABIBIGAT NA HAMON NG BUHAY NA NALAMPASAN NI ERNIE NA ISANG HAMAK NA TRABAHADOR KASAMA NG MGA TRABAHADOR NA BIKOL SA P...