IKALAWANG KABANATA: KAPALARANG NAGHIHINTAY (Tagpo 18)

114 5 0
                                    


"MAGHINTAY KA LAMANG... AKO'Y DARATING"

Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang Azul

IKALAWANG KABANATA

KAPALARANG NAGHIHINTAY

Ikalabingwalong Tagpo

Lulubog-lilitaw si Ernie sa tubig-baha na hinahabol ang hininga tuwing iibabaw sa tubig na hanggang dibdib na ang lalim habang patuloy ang pananalasa ng malakas na ulan. Nagkakagulo na sa paligid.

"Diyos ko, tulungan ninyo 'yung mama, nalulunod!" ang sigaw ng isang bading na pasahero habang itinuturo si Ernie na lulubog-lilitaw sa tubig.

Lumalakas pa ang hangin. Nagkakalampagan na ang mga iyero sa mga bubong ng bahay na kanilang dinaraanan. Lumulutang sa hangin ang tinig ng mga di-magkamayaw na pasaherong nakalusong sa tubig-baha na di malaman ang gagawin. Bawat isa'y balot ng matinding pangamba.

"Diyos ko po...iligtas mo po kami!"

Ang ilang pasahero ay nagkapit-kamay para di-maitumba ng hangin. Ang iba nama'y umuusal ng panalangin.

"Aba Ginoong Maria...napupuno ka ng grasya...ang Diyos ay sumasaiyo...iligtas mo po kami...parang awa mo na..."

Lumalakas na ang alon. Ang ilang pasaherong nawalan na rin ng balanse ay napilitang magsipaglangoy na. May ilang pasaherong sumisigaw na.

"Tulungang po ninyo kami! Tulong!"

Di na nagdalawang isip ang isang babaeng naka-short ng puti at t-shirt na black na kasunod ni Ernie at sa paglutang muli ni Ernie ay binitbit na niya ito sa kuwelyo ng t-shirt nang patihaya habang lumalangoy na hila-hila si Ernie.

Halatang bihasa ang babae sa paglangoy. Sa bawat galaw at hakbang, alam at tiyak ng babae kung ano ang kanyang gagawin. Maya-maya pa'y humupa ang hangin at bahagyang humina ang ulan.

Pagsapit ng babae sa tapat ng bahay niya, walang anumang binuhat ng babae ang walang malay na si Ernie paakyat sa hagdanan ng isang matandang bahay na bato. Inilapag ng babae si Ernie sa sahig na tabla na namumutla na at halos wala ng buhay.

Paglapag sa sahig, di na nag-atubiling i-mouth to mouth resuscitation ng babae si Ernie hanggang sa madighay na si Ernie at magsusuka, maraming tubig ang lumabas sa kanyang katawan.

Nang mahimasmasan si Ernie, titig na titig si Ernie sa babaing nagligtas sa kanyang buhay na may mahabang buhok, may matangos ang ilong, manipis na labi, magandang mata at namumulang pisngi.

"Sino ka? Paano kong napunta rito?" ang takang-takang nawika ni Ernie na pilit na binabalikan sa isip ang mga naganap na pangyayari.

Muling nagbalik sa alaala ni Ernie nang mawalan siya ng balanse habang naglalakad sa tubig-baha na hanggang dibdib ang lalim at pagkatapos noon ay wala na siyang maalala.

"Naalala ko na...tumatawid ako sa tubig-baha hanggang sa mawalan ako ng balanse dahil sa kalasingan," ang pagsasalaysay ni Ernie na nanginginig pa at di magkandatuto

"Opo...kasunod po ninyo ko...kaya nang makita kong nalulunod na kayo...di na ako nagdalawang isip na sagipin kayo!" ang sabi ng babae.

"Maraming salamat po. Iniligtas ninyo ang buhay ko. Tatanawin ko po itong isang malaking utang na loob habambuhay!" sapat na iyon para may mabugnos sa tinitimping damdamin ni Ernie hanggang tuluyan na siyang mapaiyak.

"Tagasaan po ba kayo?" ang ungkat ng babae.

"Ernie ang pangalan ko, taga-Baliuag. Kayo po, ano pangalan n'yo?" usisa ni Ernie.

"Althea, isa po akong Nars...nuong nag-aaral pa po ako sa kolehiyo. Isa po akong athlete sa swimming." ang pagpapakilala ni Althea.

Inilinga ni Ernie ang mata sa paligid ng kabahayan.

"Nag-iisa lang po kayo rito?" sabi ni Ernie.

"Sa ngayon po nag-iisa lang ako. Nagbakasyon po kasi sa Davao ang parents ko kasama ang kambal kong mga kapatid na babae sa mga relatives namin doon. Ako na lang ang nagpaiwan para may magbantay sa bahay at saka isa pa di ako puwedeng umalis...wala pa kasi akong makakapalit sa ospital na pinagtatrabahuhan ko," ang pagkukuwento ni Althea.

"Puwede bang dumito muna ko habang malakas pa ang ulan? Pagtumila-tila na ang ulan at bumaba na ang tubig-baha, aalis na agad ako," ang pagsusumamo ni Ernie.

"No problem. Diyan na po kayo matulog sa sala Ka Ernie! Teka ikukuha ko lang kayo ng damit, panjama para kayo makapagpalit ng damit saka unan at kumot para di kayo ginawin sa pagtulog," ang pagmamagandang loob ni Althea.

"Baka pwede Altheang Ernie na lang...parang di naman nagkakahuli ang ating edad!" ang nakangiting nasabi ni Ernie.

Di-alam ni Ernie sa sarili kung ano ang nararamdaman niya ng mga sandaling yaon. Bakit ang gaan ng loob niya kay Althea?

"Sige...sa tingin ko nga magkasing edad lang tayo! Sandali lang ikukuha na kita ng unan at kumot!" ang nakangiting tugon ni Althea.

Pagbabalik ni Althea, dala na nito ang pampalit na damit at panjama, unan at kumot. Inabot kay Ernie. Nagpalit muna ng nabasang damit at pantalon si Ernie sa itinurong cr ni Althea sa kanya. Pagkapalit ng damit, naiiling-iling si Ernie sa nabasang selfon niya. Sinubukan niyang i-open ito. Ayaw nang mag-function. Sakto namang papasok na sa sala si Althea na ipinagtimpla ng mainit na kape si Ernie.

"Naku...sobra-sobrang tulong na ito Althea! Bahala na ang Diyos na gumanti sa kagandahang loob mo," ang nasisiyahang nasabi na lamang ni Ernie sabay higop ng mainit na kape.

"Naku paano 'yan? Nasira na pala cp mo? bati ni Althea.

"Oo nga...problemang malaki..." naiiling-iling na lang na nasabi ni Ernie.

Nagtama na ang kanilang mga paningin ni Althea, ang babaing sumagip sa buhay niya, ang kanyang tagapagligtas. Isang babaing di pangkaraniwan. Maganda, mahina kung titignan ngunit kuwidaw ka, may itinatago palang lakas at tapang. May kung anong hiwagang kumiliti sa puso ni Ernie na di niya maunawaan sa kabila ng mabigat na problemang kanyang dinadala.

All reactions:3Rachelle Bautista Mijares, Charet B. Monsayac and 1 other

"MAGHINTAY KA LAMANG..AKO'Y DARATING"Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang AzulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon