IKAPITONG KABANATA : ALIMAOM (TAGPO 76)

26 2 0
                                    


"MAGHINTAY KA LAMANG...AKO'Y DARATING"

Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang Azul

IKAPITONG KABANATA

ALIMAOM

Ikapitumpo't anim na Tagpo

Nagising na lamang si Ernie sa sunod-sunod na pag-ring ng kanyang selfon. Wala na sa kanyang tabi ang asawang si Ine. Naisip ni Ernie na nasa pagawaan na ng balot si Ine. Tanghali na pala ang nasabi ni Ernie sa sarili nang masulyapan ang malaking relo na nakasabit sa dingding ng silid. Nag-appear sa screen niya ang pangalan ng tumatawag. Napabangon na si Ernie at sinagot ang tawag ni Efren.

"Bakit napatawag ka Efren?"

"Si Mommy...di na nagkakain at di-mapagkatulog...iyak nang iyak...baka pwedeng kausapin mo siya Tito Ernie..."

"Sige-sige...gagayak lang ako!"Tinungo agad ni Ernie ang kusina. Nagtimpla ng kape. Pagkainom, tinungo na ang banyo. Naligo. Ilang saglit pa, nakabihis na ito. Sa sala, magkakasalubong sila ni Ine na papasok sa loob ng bahay.

"Saan ang lakad at bihis na bihis ka?" usisa ni Ine.

"Nakikiusap si Efren na kausapin ko si Ate Liling...di na raw halos kumakain...di rin makatulog...sa tingin ko, sobrang na-depressed sa pagkamatay ni Kuya..." ang paliwanag ni Ernie.

"Sige...mabuti ngang dalawin mo at baka kung mapaano..." ang sabi ni Ine kay Ernie. Bakas sa mukha ni Ine ang labis na pag-aalala sa kalagayan ni Liling.

Sakay ng kanyang Toyota SUV, tinahak na ni Ernie ang landas patungong Baliuag. Nang nasa Baliuag Town Proper na siya, nakatanggap naman siya ng tawag kay Arianne. Nang malaman ni Arianne sa kanilang usapan na pauwi si Ernie sa kanilang lumang bahay para dalawin si Liling, nakiusap si Arianne na sumaglit ito sa Chocolate Hotel para magkausap man lang silang dalawa tungkol kay Louie bago sila makabalik sa Baguio ng kanyang mga kaklase sa SLU. 

Naisip ni Ernie na pagbigyan na rin niya ang munting kahilingan ni Arianne at may kung anong pananabik siyang naramdaman ng banggitin nito si Louie sa kanilang usapan. 

Ano kaya ang pag-uusapan nila tungkol kay Louie? May lihim ba siyang di-alam tungkol sa dalawa? Na-develop na ba sa isa't isa sina Arianne at Louie? Baka kaya kukunin siyang ninong sa kasal ng mga ito?

Ilang saglit pa, nasa lobby na ng Chocolate Hotel si Ernie. Nang matanawan agad ni Ernie na nagkakape sa may lobby ng hotel si Arianne, agad na nilapitan niya ito. Naupo si Ernie malapit sa mesang kinaruruonan ni Arianne.

"Do you like coffee?" alok ni Arianne sa kanya.

"No, thanks...musta na kayo ni Louie? Kayo na ba?" ang pananabik na tanong ni Ernie.

Matatawa si Arianne.

"Walang kami! Tinapat ko na si Louie na wala siyang maaasahan sa akin...sabi ko...sabi ko, humanap na lang siya ng iba..." ang diretsang sagot ni Arianne kay Ernie.

Napipilan si Ernie sa kanyang narinig.

"Bakit? Gwapo naman si Louie...bagay kayo..."ang pangungumbinsi ni Ernie.

"Iba ang tinitibok ng puso ko...di ako halos nakatulog ng buong magdamag Ernie...buo na ang desisyon ko..." "Anong desisyon mo?""Ikaw ang itinitibok ng puso ko..."

Shocked si Ernie sa mga narinig sa bibig ni Arianne.

"Nababaliw ka na ba? Tatay mo na lang ako..."

Hinawakan ni Arianne sa mga palad si Ernie na parang walang naririnig sa sinasabi ni Ernie sa kanya.

"Handa akong magpakabaliw alang-alang sa iyo..."

"Mahal ko ang aking asawa. Dalaga ka pa...marami pang gwapong magkakagusto sa iyo..."

"Handa akong ilihim ang magiging relasyon natin...pumayag ka lang...."

"Hindi maaari! Mali itong iniisip mo Arianne...please ayoko ng magulong buhay..."

Nakaramdam ng matinding rejection si Arianne. Lumuluha itong tumayo. Walang lingon itong tumakbo palabas ng Chocolate Hotel. Nabigla sa pangyayari si Ernie. Lito at di-malaman ang gagawin.

"Arianne!" ang namutawi na lang sa labi ni Ernie habang hinahabol ng tanaw ang papalayong si Arianne.

Sa labas ng hotel, masasalubong ni Arianne si Louie.

"Ang sakit....ang sakit-sakitttt!" Hilam na sa luha si Arianne.

"Anong masakit sa iyo?" ang nagtatakang pag-uusisa ni Louie.

Sa sakit na nararamdaman ni Arianne sa kanyang puso, malakas na sasampalin niya si Louie na nabigla sa bilis ng mga pangyayari.

"Bakit mo ko sinampal?"

"Ang sakitttt-sakit kasi...napakasakit!"

"Ano nga ang masakit?

Muling sasampalin ni Arianne sa kabilang pisngi si Louie.

"Aray! Sumusobra ka na Arianne!"

Hahalikan sa labi ni Louie ang nagwawalang si Arianne. Unti-unting huhupa ang nararamdamang galit ni Arianne. Gaganti si Arianne ng halik kay Louie. Labi sa labi. Nang matauhan si Arianne, itutulak niya nang malakas si Louie habang tumatakbo nang palayo.

"Arianne! Arianne!"

Mapapakamot na lang ng ulo si Louie.

"Luka-luka ata itong babaing ito..."

Sa may di-kalayuan, balisang-balisa si Ernie habang pinapanood sina Arianne at Louie.

All reactions:4Edru Mano, Charet B. Monsayac and 2 others

1LikeCommentShareBaka matauhan naman c Ariane sa makamandag na halik ni LouieLoveReply


Write a comment...

"MAGHINTAY KA LAMANG..AKO'Y DARATING"Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang AzulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon