"MAGHINTAY KA LAMANG...AKO'Y DARATING"
Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang Azul
IKAANIM NA KABANATA
BUWAYA SA DAGAT NG BUHAY
Ikaanim-na-po't walong Tagpo
Balitang-balita sa buong baranggay ng Virgen delos Flores at sa buong Pilipinas ang pagkawala ni Ernie at ng mga kapatid nitong sina Nena, Romy, Ellen, Susan, Ben, Elmer, Juancho at Sancho nang makapanayam ng mga kilalang broadcasting station sa telebisyon ang Chief of Police ng Baliuag, ang Chief of Police ng Nueva Ecija, ang Kuya Ruperto ng magkakapatid na di pa matagpuan hanggang sa matapos ang bilangan sa halalan.
Halos himatayin si Ine nang mabalitaan ang naganap na pagkawala ng kanyang asawa kabilang ang mga kapatid nito na patuloy pa ring pinaghahanap ng pulisya. Di na niya nakuhang magpa-interview sa mga reporter sa labis na pagdadalamhati.
Abot ang tahip ng dibdib ni Arianne 'pagkat nagkandaubos na ang load niya, walang Ernie na sumasagot man lang sa tawag niya.
Gayundin ang labis na pag-aalala nina Ruperto, Liling, Beet, Efren, Louie, Atong gayundin ang mga classmate ni Arianne na kahit anong tawag nila sa sinuman sa magkakapatid, walang isa mang sumasagot sa kanila.
Samantala, dinig na dinig naman sa mansion ni Kapitan Anchong ang putukan ng mga kwitis. Dinagsa ng mga supporter ni Kapitan Anchong ang kanyang mansion sa loob ng Alido Subdivision.
Gayon na lamang ang pagbubunyi ng mga ito sa kanyang pagkapanalong muli habang nagkakasayahan ang lahat. May tumutugtog na mga sikat na banda. Bumabaha ang mga pagkain at mga inuming nakalalasing.
Bakas sa mukha ni Kapitan Anchong ang di-maipaliwanag na kaligayahan sa kanyang pagkapanalong muli. Dumagsa ang kanyang mga kaalyado sa pulitika, mga kasosyo sa negosyo, may mga sikat na artista ring dumating.
Naruon rin si Ruperto Cruz Santos III, ang kapatid sa ama nina Ernie na abot rin ang ngiti at kaway sa mga supporter na akala mo siya ang nanalong Kapitan sa halalan.
Ang masaklap sa lahat, natalo na sa halalan si Kuya Ruperto, pinagbantaan pa siya ni Dong nang magkausap sila sa selfon "na kailangang ibalik niya ang milyong-milyong halaga na ginastos ng Big Boss nila kung ayaw niyang likadahin siya ng organisasyon kabilang ang kanyang buong pamilya!"
BINABASA MO ANG
"MAGHINTAY KA LAMANG..AKO'Y DARATING"Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang Azul
AdventureKATHAMBUHAY NA NOBELA NI ZAMPAGITANG AZUL ISANG KATHAMBUHAY NA NOBELA NA TUMATALAKAY SA KAHIRAPAN NG BUHAY, PAGDURUSA, PAGSUBOK AT MABIBIGAT NA HAMON NG BUHAY NA NALAMPASAN NI ERNIE NA ISANG HAMAK NA TRABAHADOR KASAMA NG MGA TRABAHADOR NA BIKOL SA P...