"MAGHINTAY KA LAMANG...AKO'Y DARATING"
Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang Azul
IKASIYAM NA KABANATA
AGAW-LIWANAG-AT-DILIM
Ikaisandaa't Isang Tagpo
Saktong alas-diyes ng umaga nang dumating ang Toyota SUV na minamaneho ni Atong, sakay ang mag-asawang Ernie at Ine. Pagkahatid ni Atong kina Ernie at Ine sa Ninoy Aquino International Airport, iniwan na niya ang couple. Matapos dumaan sa proseso ng masusing inspection ang mag-asawa, magkahalong kaba at excitement ang naramdaman nila kasabay ang mga pasaherong iisa ang destinasyon na kanilang patutunguhan sa bansang Japan habang inaakyat nila ang hagdanang bakal papasok sa entrance ng Philippine International Airline.
Sa loob ng eroplano, agad hinanap nina Ernie at Ine ang assigned number seats nila at matapos matagpuan, iniayos na nila sa itaas ng compartment ang kanilang mga bitbit na suitcases na kinapapalooban ng kanilang mga damit at mahahalagang travel documents.
Ilang saglit pa, matapos na narinig nila ang mahahalagang paalala ng mga staff ng Philippine International Airline kung ano ang dapat nilang gawin at asalin sa loob ng eroplano para sa isang maayos, matiwasay at ligtas na paglalakbay, panatag na nakatulog na si Ine na naka-seat belt dahil na rin, marahil, sa sobrang pagod niya sa kanilang pa-despidida party sa kanilang pag-alis ni Ernie patungong Japan at pa-blessing na rin sa kanilang bagong kagagawang mansion.
Taliwas naman kay Ernie na ang seat number na na-assigned sa kanya'y malapit sa glass window ng eroplano, di man lang siya dinalaw ng antok sa kabila ng sobrang hirap at pagod niya sa kanilang ginawang paghahanda sa despedida party para sa kanilang mga kapatid, kamag-anak, mga kaibigan, mga kasosyo sa negosyo, mga kasapi ng Couples for Christ gayundin para sa mga nagboluntaryo sa isinagawa nilang prayer vigil noong silang magkakapatid na Santos ay malagay sa panganib nang dukutin sila ng mga sindikato ng droga na pinamumunuan ni Kapitan Anchong.
Naging abala siya sa pagkuha ng still pictures sa glass window, gamit ang kanyang I-phone mula palang sa pagtakbo sa runway ng eroplanong sinasakyan nila, pag-take off nito hanggang sa maabot nito ang katakdaang rurok ng paglipad nito.
Sa simula, natatanaw pa ni Ernie ang mga lupain, kabukiran, mga parang, kailugan, karagatan at mga kabundukan habang pataas nang pataas ang eroplano sa kanyang paglipad hanggang malaunan, wala na siyang natatanaw, maliban na lamang sa mga puting ulap sa himpapawirin.
Nang mapagod na at magsawa na si Ernie sa kanyang ginawang pagmamasid sa may glass window, naagaw naman ang atensiyon niya nang naghihilik na asawa na sa sobrang pagod ay mahimbing na nakatulog na. Nakaramdam siya ng awa kay Ine. Alam niya kung gaano kahirap ang ginawang pagpapagal ng kanyang asawa para maging maayos at matagumpay ang kanilang idinaos na despedida party.
Iginala naman niya ang kanyang paningin sa loob ng eroplano. May mga pasaherong naka-earphone at abala sa pakikinig sa music, may nagkukwentuhan at ang iba nama'y mga nakapikit ang mata na wari'y natutulog. Nasapol din niya ng paningin ang isang flight stewardess na nagtutulak ng stainless na pushcart na nagse-serve ng mga snacks sa mga pasahero.
Di sinasadyang napatingin siya sa kabilang hanay ng mga upuan na katapat ng kinapupuwestuhan nila ni Ine. Parang lumukso ang puso niya sa sobrang tuwa nang di-inaasahang masilayan ang artistang si Bea Alonso na labis niyang hinahangaan. Ewan niya kung bakit sa mga sandaling yaon, umiral ang pagiging fan boy niya.
Nakahihiya man aminin, sa tanda pa ba naman niya na 'yon, biglang nakaramdam pa ba naman siya ng kilig moments kay Bea lalo na nang ngitian siya nito at pasimpleng nag-wave hands pa sa kanya. Siyempre, di siya nagpahalatang kinikilig kay Bea, ngumiti rin siya ngunit di pa rin niya mapigil na mag-blush siya.
Sakto namang nagising si Ine at huling-huli si Ernie na may nginingitian habang pinamumulahan ng pisngi.
"Bakit ba abot ang smile mo d'yan ha Ernie? Sino bang nginingitian mo riyan?" usisang nakasibangot ni Ine.
Hindi nakakibo si Ernie. Halatang napahiya sa asawa nang ang mapalingon si Ine sa nginingitian ni Ernie.
"Musta po kayo?" ang nakangiting bati ni Bea habang pasimpleng nag-wave hands din sa napalingong si Ine.
Laking gulat ni Ine nang makita si Bea Alonso na avid fan rin pala si Ine.
"Diyos ko...Bea...Bea ikaw nga...OMG what a small world...I am your avid fan....yeheyyyy! Imagine sa eroplano pa tayo nagkita hahaha...wait...wait...selfie tayo!"
Ia-unlocked ni Ine ang seat belt. Walang pasintabing sasagasaan ni Ine ang katabi at mabilis na tutunguhin ang kinapupuwestuhan ni Bea, dala ang I-phone niya para makipag-selfie kay Bea. Walang nagawa si Ernie kundi sundan na lang ng tingin ang asawa.
Magpapaunlak naman si Bea Alonso. Tuwang-tuwa naman si Ineng animo isang celebrity rin na nakipag-selfie sa kanyang idolo na sa sobrang excitement, di--inaasahang madudupilas nang paupo sa sahig ng eroplano.
Laking gulat ni Bea sa biglang pagkawala ng balanse ni Ine. Humugong ang tawanan ng mga pasaherong nakasaksi sa loob ng eroplano. Mabilis namang aalalayan ng flight stewardess na nagse-serve ng snacks si Ine para makatayong muli.
Pagkabalik ni Ine sa kinauupuan, parang walang anumang nangyari sa kanya. Masayang-masaya pa ring titignan ang kuha nilang selfie ni Bea sa i-phone niya at muling lilinguning nakangiti si Bea.
"Thanks Bea! Muwahhh...muwahhh...mwahhh...ang ganda-ganda mo talaga...labyuuuuu!" ang na-e-excite pa rin na sabi ni Ine na kumikibot-kibot pa ang mga labi habang humahalik sa hangin.
"I love you rin Tita!" tugon naman ni Bea.
Tutulungan naman ni Ernie si Ine na ikabit muli ang seatbelt nito.
Bagama't nakaramdam ng pagkapahiya si Ernie sa inasal ng asawa lalo na nang magtawanan ang mga pasahero, di pa rin maiwasan ni Ernie ang panakaw na sulyap sa hinahangaan niyang artista na panatag na sa kanyang kinauupuan.
All reactions:
6Charet B. Monsayac, Grace Alon and 4 others2
2LikeCommentShareView more comments Cge na nga.
BINABASA MO ANG
"MAGHINTAY KA LAMANG..AKO'Y DARATING"Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang Azul
AventureKATHAMBUHAY NA NOBELA NI ZAMPAGITANG AZUL ISANG KATHAMBUHAY NA NOBELA NA TUMATALAKAY SA KAHIRAPAN NG BUHAY, PAGDURUSA, PAGSUBOK AT MABIBIGAT NA HAMON NG BUHAY NA NALAMPASAN NI ERNIE NA ISANG HAMAK NA TRABAHADOR KASAMA NG MGA TRABAHADOR NA BIKOL SA P...