IKAANIM NA KABANATA : BUWAYA SA DAGAT NG BUHAY (TAGPO 71)

23 2 0
                                    

"MAGHINTAY KA LAMANG...AKO'Y DARATING"

Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang Azul

IKAANIM NA KABANATA

BUWAYA SA DAGAT NG BUHAY

Ikapitumpo't isang Tagpo

Lumipas pa ang mga araw, dumami nang dumami ang sumamang mga kapitbahay nina Ine sa Jaen, Nueva Ecija gayundin ang mga supporter ng Kuya Ruperto niya sa 'prayer vigil' na simulan nina Ine kaya't napilitan ang mga itong ilipat ang 'prayer vigil' sa maluwang na bakuran ng kanilang pagawaan ng balot.

Samantala dinagsa naman ang mga raling pinangunahan ng mga kabataang makabayan sa Virgen Delos Flores upang iprotesta ang malawakang bilihan ng boto at dayaan sa naganap na halalan.

Sinamantala naman ni Kuya Ruperto ang malawakang raling isinakatuparan ng mga kabataang aktibista. Ginugol niya ang nalalabi niyang inutang na salapi para mag-organisa pa at lalo pang palawakin ang malalaking demonstrasyon bilang panawagan sa pagbaba sa puwesto ni Kapitan Anchong dahil sa malawakang dayaan at pagdukot sa kanyang mga kapatid na kanyang ibinintang lahat kay Kapitan Anchong at sa lahat ng mga kaalyado nito sa pulitika.

Naghain na rin siya ng "complaint" sa Commision on Election sa kanyang pagbabaka-sakaling manalo pa sa eleksyon at makaiwas sa gagawing pang-uusig sa kanya ng organisasyong kinabibilangan ni Dong.

Makaligtas pa kaya si Kuya Ruperto sa planong pagkitil sa buhay niya at ng kanyang pamilya ng organisasyon kapag hindi niya naisauli ang lahat ng ginastos nito sa panahon ng kanyang pangangampanya sa halalan?

All reactions:1Charet B. Monsayac1

Like

Comment

Share

"MAGHINTAY KA LAMANG..AKO'Y DARATING"Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang AzulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon