IKAWALONG KABANATA : SALAMISIM (TAGPO 90-C)

17 2 0
                                    


"MAGHINTAY KA LAMANG...AKO'Y DARATING"

Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang Azul

IKAWALONG KABANATA

SALAMISIM

Ikasiyam-na-pong Tagpo (C)

Labis na nasaktan si Ernie sa ginawa niyang pakikipag-usap kay Dr. Montelibano sa mga ibinahagi ni Ernie hinggil sa mga panaginip na nagpapahirap sa kanyang kalooban. Di niya matanggap sa sarili na tutuo ang lahat ng kanyang mga narinig sa bibig ng psychologist.

Di nga ba may mga sandali sa buhay niya na lihim siyang nagseselos kapag nababaling ang atensiyon ni Arianne kay Louie? Habang pilit niyang iwinawaksi sa isip niya si Arianne, lalo namang nagsusumiksik ito sa utak niya. Di niya maamin sa sarili, may lihim na siyang pagtatangi kay Arianne?

Natatakot siyang usigin at pagtawanan ng lipunan sapagkat kung kailan pa siya tumanda saka pa siya naulol. Isa pa, ayaw niya ng magulong buhay. Di rin niya kakayaning mahiwalay sa asawa sapagkat mahal na mahal rin niya ito.

Sa totoo lang, lihim siyang humahanga kay Dr. Montelibano, tunay na isang magaling at mahusay na psychologist ito. "Bull's Eye" siya, sapol siya sa puso. Tama si Dr. Montelibano! May nasaling sa 'ego' niya ang psychologist. Paminsan-minsan sumasagi rin sa isip niya na lumikha sila ni Arianne ng sariling mundo nila na tanging sila lamang ang nakaaalam ng 'password' nito para makapasok sa mundong ito na walang sinumang makakakita sa kanilang dalawa sa kanilang gagawing pagniniig at pagbuo ng kanilang mga pangarap.

Sa mga sandaling 'yun, sumagi rin sa isip niya ang mga nabasa niya sa aklat si Sigmund Freud tungkol sa 'manifest dream'. Na ang sinumang 'dreamer' na di magawa ang mga bagay na ninanais niyang gawin sa tutuong buhay, sa pananaginip niya nagagawa o nangyayari ang lahat ng ito nang di-kinukusa o sinasadya.

Marahil ang 'Palasyong Ginto' ni Arianne ay bunga ng kanyang 'manifest dream' nanangyayari lamang sa panaginip sapagkat iyon ang pinapangarap niyang mangyari sa totoong buhay na sa panaginip lamang maaaring magkaroon ng kaganapan.

Ngunit ginagapi siya nang mataas na pagpapahalaga niya sa moralidad. Kailanman di niya pinangarap na makabilang sa mga 'broken homes' lalo pa nga't nangangarap sila ni Ine na magkaanak nang marami kahit pa nga may PCOS ang asawa.

Nasa ganoon siyang pagdidili-dili nang makaramdam siya ng pagkapahiya sa kanyang inasal sa harap ni Dr. Montelibano lalo't siya pa nga ang lumapit rito para sumangguni. Nakokosensiya siyang bumalik sa espasyong pinag-iwanan niya sa psychologist upang humingi ng paumanhin ngunit wala na roon si Dr. Montelibano. Natanaw niya itong tumatakbo na. Hinabol niya ito.

"Dr. Montelibano!" sigaw nang humahabol na si Ernie.

Mapapahinto ang tinawag niya.

"Tama po kayo...labis lang po akong nasaktan..."

Ngingiti lang ang butihing doktor sa kanya.

"Alam kong mare-realize mo ang mga sinabi ko...marami na kong mga pasyenteng kagaya mo...gaya ng sinabi ko sa iyo...ikaw ang may kagagawan ng problema mo at ikaw rin ang makalulutas niyan...lagi mong tandaan ikaw ang may hawak ng sarili mong buhay...di dapat ang mga panaginip mo ang kumokontrol sa iyo...ikaw ang dapat kumontrol sa mga panaginip mo...isa pa ang maipapayo ko sa iyo at alam kong ito rin ang ipapayo sa iyo ni Padre Tinio...gawin mong si Hesus ang sentro sa buhay mo...kalimutan mo na 'yang pagbalanse sa mga chakra sa 'spine' mo batay sa nabasa mo para magkaroon ka ng peace of mind. Remember Jesus is enough to solve your problem..." ang sunod-sunod na pagpapayo ng doktor kay Ernie.

Matamang pinag-iisipan at ninanamnam na mabuti ni Ernie ang mga binitiwang salita ng doktor.

"Sundin mo muna ang mga payo ko at pag di pa rin bumuti ang iyong kalagayan dahil sa sobrang stress...dalawin mo ko sa aking clinic sa St. Barbara..." sabay-abot ng calling card ng doktor kay Ernie, "kung kinakailangang sumailalim ka pa sa isang psycho-analysis-psycho-therapy procedures...gagawin natin ito para malaman natin ang tunay na kundisyon ng iyong pag-iisip...".

Aabutan sila na nag-uusap nina Ine, Liling, Beet, Efren at Mang Damian na halatang mga pagod na sa kanilang paglalakad. Nang makita si Dr. Montelibano na kau-kausap ni Ernie, magsisipagmano ang mga ito sa inaakalang si Padre Tinio na nagpaubaya naman.

Kasunod na rin nila ang magkakapatid na Nena na di pa rin magkamayaw sa pagkukuwentuhan at nakisunod na rin sa pagmamano.

Matatawa naman si Ernie habang nagsisipagmano ang lahat sa napagkamalang pari.

Magkabuntot namang dumating sina Atong at Luisa na akala mo bubuyog at bulaklak na naghahabulan na bakas sa mga mukha ang labis na kasiyahan.Pagkakita kay Dr. Montelibano na napagkamalan ring si Padre Tinio, aabutin rin ng dalawa ang kamay nito para magmano.

"Napagkamalan na naman ako...di po ako si Pare Tinio...ako po ang kakambal ng kapatid ko..." ang pagtutuwid ni Dr. Montelibano.

"Naku, kaya po pala kamukhang-kamukha ninyo si Padre Tinio!" ang pakli ni Ineng matawa-tawa.

"Doc...sa bahay na po kayo mag-agahan... nang magkita po kayo ng kapatid ninyo...nangako po si Padre Tinio na darating siya sa aming paanyaya..." ang imbita naman ni Ernie sa psychologist.

"O, siya po...wala naman akong gagawin...saka para na rin magkita kami at magkausap ni Padre Tinio..." ang masayang pagtugon ni Dr. Montelibano sa paanyaya.

Bakas sa mukha ni Ernie ang labis na kasiyahan. Para siyang nakakita ng anghel sa katauhan ng butihing doktor na magsisilbing gabay niya upang makakita ng liwanag sa dilim.

All reactions:5Maria Digna Ramos, Charet B. Monsayac and 3 others1

3LikeCommentShare

Tama ang hinala ko cya din ang lumikha Ng kanyang panaginip dahil ito ang laman Ng kanyang utak. Un lang, hindi talaga hindi pwede, tama ang doktor, turn unto Jesus tell Him ur burdens, He will give u rest.

"MAGHINTAY KA LAMANG..AKO'Y DARATING"Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang AzulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon