IKALIMANG KABANATA : IGINUHIT NA PANGARAP (Tagpo 46)

55 2 0
                                    


"MAGHINTAY KA LAMANG...AKO'Y DARATING"


Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang Azul


IKALIMANG KABANATA


IGINUHIT NG KAPALARAN


Ikaapat na po't anim na Tagpo


Matapos maipa-blotter sa pinakamalapit na Himpilan ng Pulisya sa Jaen, Nueva Ecija ng mag-asawang Ernie at Ine tungkol sa ginawang panghoholdap sa kanila ng mga armandong kalalakihan na nagpanggap na mamimili ng balot. Natuon na ang pansin ni Ernie kay Jershey na iniwan ni Althea para paalagaan sa kanila habang nasa medical-dental mission sa Batanes ang mag-asawang Adonis at Althea.


Napagpasiyahan ng mag-asawang Ernie at Ine, na ipasyal ni Ernie sa Baguio ang anak at si Ine na lang ang maiwan sa Jaen, Nueva Ecija para asikasusin ang kanilang negosyo. At dahil sa naganap na panghoholdap sa kanila, nagdesisyon ang mag-asawa na mag-hire ng isang security guard na mamahala sa seguridad ng pagawaan ng balot. Nagprisinta naman si Louie at Arianne na samahan sina Ernie at Jershey sa pamamasyal sa Baguio. Pumayag naman si Ine na malaki ang tiwala sa asawa.


Ilang araw pa ang nakalipas nasa Baguio na sina Ernie at Jershey kasama sina Louie at Arianne. Sa pusong ama ni Ernie, wala siyang pagsidlan sa kaligayahan habang pasan-pasan niya sa balikat si Jershey na tuwang-tuwang namamasyal sa Burnham Park. Panay naman ang pangungulit ni Louie na halatang dumidiskarte kay Arianne. Pasulyap-sulyap naman si Arianne at buong paghangang pinagmamasdan sina Ernie at Jershey na kapwa palagay na palagay na ang loob sa isa't isa.


"Arianne, sino ba yung 'secret love mo' na pinaghandugan mo ng awit na kinompos mo na "Maghintay Ka Lamang...Ako'y Darating!"? ang pag-uusisa ni Louie.


"Secret nga eh hahaha", tatawa nang malakas si Arianne habang nagniningning pa rin ang mga matang nakatingin pa rin kay Ernie.


"Ninong Ernie...sakay tayo sa horse..."ungot ni Jershey sa di pa nakikilalang ama.Magre-rent si Ernie ng kabayo at aalalayan silang mag-ama ng may-ari ng kabayo na makasakay na dalawa. Lalapit si Arianne at kukunan ng still shots ang mag-amang Ernie at Jershey na parehong nakangiti na nakatingin sa kumukuhang si Arianne. Kasunod si Louie, gamit ang cp niya, kukuhanan din niya ng larawan ang mag-ama. Pagkatapos, sasama na rin sina Arianne at Louie, po-pose sa tabi ng kabayong sakay sina Ernie at Jershey at makikiusap sa may-ari ng kabayo na kuhanan silang apat.


Ilang sandali pa, sumakay naman sila sa bancang apat. Umupa na lang sila ng mamang tagasagwan. Magkatabi sina Ernie at Jershey na masayang ginagalugad ng paningin ang katubigan samantalang nasa bandang likuran ng mag-ama sina Louie at Arianne na masayang nagbibiruan. Maraming tao rin sa paligid na nakasakay sa kani-kanilang mga nirentang banca na abala sa kani-kanilang pamamangka. Walang pagsidlan sa kaligayahan si Jershey.


Sa maghapong pamamasyal napagod nang husto si Jershey hanggang sa makatulog na lamang ito sa balikat ni Ernie na walang nagawa kundi buhatin na lamang ito. Sa may loob sa may bandang likuran ng kotse, pumuwesto ang mag-ama. Si Louie na ang nag-drive, katabi si Arianne sa harapan ng kotse na pasulyap-sulyap kay Ernie sa rear mirror.


"Kamukhang-kamukha talaga ni Ernie si Jershey, ano?" tanong ni Arianne kay Louie na naghihintay ng kumpirmasyon o pagsang-ayon.


Mangingiti lang si Louie. Papansinin ito ni Arianne.


"Nahihiwagaan ako sa ngiti mo na 'yan Louie...parang may something hehehe", biro ni Arianne na kinakapa ang nasa kalooban ni Louie.


"Si Tito Ernie na lang ang tanungin mo hahaha", ang pag-iwas sa tila natutumbok ni Arianne na lihim ni Ernie.


Pamumulahan ng pisngi si Ernie na nakikinig sa usapan nina Louie at Arianne.


"Bakit sa akin...nabaling ang inyong usapan? Musta naman Arianne ang panliligaw sa iyo ni Louie?" ang tanong ni Ernie para mailipat niya ang atensiyon sa dalawa.


"Di kami talo Ernie...ewan ko ba? Gwapo naman si Louie...kaya lang di ko talaga siya type! Saka di ko alam kung kailan nagsasabi ng totoo yan o hindi...dinadaan sa biro ang lahat..."ang paliwanag ni Arianne.


"Kung magseryoso ba ko Arianne, sasagutin mo na ko....kahit mamatay man ang lahat ng ipis sa mundo...peksman...i love you forever and ever and everrrr!" sabat ni Louie."Hahaha magtigil ka nga! Kung yung ibang girls, nakukuha mo agad sa pabiro-biro mo...di uubra sa akin 'yan...panis sa akin 'yang style mo..." ganting pabiro naman ni Arianne.

"Magseryoso ka nga Louie....ganda pa naman ni Arianne...sayang pag sa iba pa napunta 'yan," ang payo ni Ernie kay Louie.

Halatang kinilig si Arianne pagkarinig sa papuri sa kanya ni Ernie.

"Seryoso ko Tito Ernie. Sabi ko nga kay Arianne....sagutin lang niya ko....handa ko siyang pakasalan sa lahat ng simbahan...." ang pagtatanggol ni Louie sa sarili.

"Ganito lang talaga kong palabiro...pero ang tutuo, seryoso ko talaga kay Arianne..." dugtong pa ni Louie na halatang nagseseryoso na.

Saglit na mawawalan ng kibo si Arianne. Matamang pinag-isipan ang huling tinuran ni Louie.

Di-malaman ni Ernie kung ano ang nararamdaman niya sa mga sandaling yaon ngayong tila nagtatagumpay na siya na maituon ni Arianne ang kanyang atensiyon kay Louie. At kung magseseryoso si Louie kay Arianne, nakikinita niya ang pag-asang baka sa bandang huli sila na ang magkatuluyan. Alam niya at ramdam niya ang hayagang pagpaparamdam ni Arianne sa kanya na siya ang itinitibok ng puso nito na sa tingin niya ay isang malaking kabalintunaan. Unang-una, may asawa na siya at ikalawa ang laki ng agwat ng kanilang edad para mahumaling sa kanya ang isang batambata at magandang dilag na kagaya ni Arianne.

Mga ilang sandali pa at huminto ang kotseng minamaneho ni Louie sa isang hotel na kanilang nai-book para duon tumuloy habang nagbabakasyon pa sa Baguio. Pagkababa sa kotse, tumuloy na si Arianne sa room number na naka-assign sa kanya. Magkasama naman sa kwarto sina Ernie, Jershey at Louie. Pagkapasok sa silid, masuyong inihiga ni Ernie ang anak na si Jershey, hinalikan sa noo at kinumutan ito.

Pagkatapos, uminom sina Ernie at Louie ng brandy. Sa kanilang pag-uusap, napag-alaman niya kay Louie na seryoso siya kay Arianne. Noon pa raw niya lihim na minamahal ito. Dinadaan lang daw niya sa biro ang lahat sa takot na mabasted siya. Habang nalalasing na si Louie, nuon lang niya naramdaman kung gaano talaga ka-seryoso ito kay Arianne na handa niya talagang pakasalan ito. Si Arianne talaga ang babaing pinapangarap niyang iharap sa altar.

Paano kung basterin ni Arianne si Louie? Ano ang kanyang gagawin? Paano kung ipakipaglaban ni Arianne ang nararamdaman nitong pag-ibig sa kanya? Paano niya iiwasan si Arianne para manatili pa rin ang katapatan niya kay Ine?

All reactions:17Grace Alon, Herman Manalo Bognot and 15 others

"MAGHINTAY KA LAMANG..AKO'Y DARATING"Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang AzulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon