"MAGHINTAY KA LAMANG...AKO'Y DARATING"
IKASIYAM NA KABANATA
AGAW-LIWANAG-AT-DILIM
Ikaisandaa't Dalawang Tagpo
Halos inabot ng apat na oras at dalawampu't walong minuto ang kinalululanang eroplano nina Ernie at Ine nang lumapag sa 'runway' ng Narita International Airport sa bansang Japan. Habang tumatakbo sa kahabaan ng 'runway', di-makapaniwala ang mag-asawa na, nasa sa bansang Hapon na pala sila.
Pagkababa sa eroplano, di pa rin nakalimutan ni Ine na makipagbeso-beso pa si Ine kay Bea Alonso.
"Ang ganda-ganda mo talaga Bea!" ang di-matapos-tapos na papuri ni Ine kay Bea Alonso.Tahimik namang humahanga si Ernie na di mabitaw-bitawan ang kamay ni Bea habang nakikipagkamay siya.
"Fan mo din ako Bea!" ang ngiting lalong nagpalalim sa biloy sa pisngi ni Ernie, "...sana, magkita pa tayong muli..."
"Oo nga...sama ka na lang kaya sa amin Bea hahaha," ang nakangiting paanyaya naman ni Ine.
"Salamat na lang po...mga Tito at Tita hahaha...kaya lang po...hindi po ako si Bea Alonso...ka-look-a-like lang po niya ko...Bea Jessa naman po ang tawag sa akin sa gabi ng mga friends ko ring transgender...at Jess po...Jess Papi po ang tutuo kong pangalan sa araw..."ang paliwanag ng transgender na si Bea Jessa.
Nanlaki ang mata ni Ine na di-makapaniwala.
"Weh...di nga??? Naku, napaniwala mo ko talagang ikaw si Bea Alonso..." Di rin halos makapaniwala si Ernie.
"Sinong mag-aakalang di ikaw si Bea Alonso...ang seksi at ang ganda mo talaga, di ba Ine?"
Kasabay ang iba pang mga pasahero, nagmamadaling tinungo nina Erni, Ine at Bea Jessa ang Baggage Center. Pagkakuha nila, mabilis na nagtungo na sila sa espasyong kinaruruonan ng mga shuttle bus na maghahatid sa mga pasahero sa Terminal 1 ng Narita International Airport.
Pagdating nila sa shuttle bus station, nagmamadaling nagsisakay na sina Ernie, Ine at ang transgender na si Bea Jessa kasabayan ang iba pang pasahero.
Pagsapit nila sa Terminal 1, nag-aapurang nagpaalam ang transgender na si Bea sa mag-asawang Ernie at Ine.
"Sige po mga Tito at Tita...I have to hurry...my French Bf is waiting for me..."Walang lingon-likod na iniwan na sila ni Bea sa paglalakad.
Agad namang inasikaso nina Ernie at Ine ang pagbu-book at pagpapa-reserve sa Kessie Sky liner, ang bullet train na maghahatid sa kanila kinabukasan sa Tokyo City. Then, nagpahatid na sila sa shuttle bus sa Narita Airport Rest House, ang nag-iisang hotel sa nabanggit na airport para duon na magpalipas ng buong magdamag.
Pagkapasok palang nila sa Front Entrance ng Narita Airport Rest House, mangha-mangha na sila sa kagandahan ng lugar. Sa malaking espasyo ng lobby ng hotel, iba't ibang lahi na yata sa buong mundo ang nakasalamuha nila: Australian, American, British, Indian, Filipino, Chinese, Japanese, Malaysian at iba pa.
Matapos na makapag-check in na sila sa may information desk ng hotel, ibinigay na sa kanila ng receptionist ang 'assigned room number' at ang keyless room opener sa napili nilang double room with only one bed. Pagkabukas ng pinto, inilagay na nina Ernie at Ine ang kanilang mga bagahe sa loob ng kwarto.
"Wow...ganda naman nitong napili nating kwarto..." sabi ni Ernie na na sa pakiwari niya'y natanggal ang lahat ng pagod niya sabay bagsak sa katawan sa malambot na matrimonial bed na sadyang magjging saksi sa kanilang magiging pulot-gata ni Ine.
Sabik din na ibinagsak ni Ine ang katawan sa malambot na kutson.
"Makatagal ka kaya sa akin Superman hahaha" ang pagbibiro ni Ine.
"Aba teka...ako pa ba ang hinamon mo hahaha...ayan na ko Wonderwoman hahaha," walang puknat na sisibasibin ng halik ni Ernie si Ine na kiliting-kiliti sa ginagawa ng asawa sa kanya.
"Teka...teka Ernie hahahaha di ako makahinga hahahaha...'wag diyan...may kiliti ako diyan hahaha...ano ba? Sabi nang tigilan mo na ko..." ang halos-himatayin na sa katatawa si Ine.
Tuloy pa rin ang paninibasib ni Ernie. Nang makuha ni Ine ang unan, paghahampasin niya nang paghahampasin si Ernie. Mga ilang sandali pa, matitigil na sa paghaharutan ang mag-asawa na kapwa humihingal sa sobrang katuwaan.
Mga ilang sandali pa. Kapwa, matatahimik na ang dalawa.
"Paano tayo makabubuo nang baby n'yan eh kapwa nating ginagawang katuwaan ang paggawa ng baby...sumeryoso ka naman?" ang biglang pagseseryoso ni Ine.
"Eto seryoso na ko..." ang sabi ni Ernie nang biglang may naalala'y inihit na naman nang katatawa, "hahaha akalain mo hahaha".
"Akala ko ba seryoso ka na...bakit natatawa ka na naman?" ang tila naiinis nang pambabara ni Ine.
"Imagine hahaha si Bea hahaha" ang patuloy na pagtawa ni Ernie. Nang makuha ang ibig sabihin ng asawa, mapapalakas na rin ang pagtawa ni Ine.
"Imagine hahaha napeke tayo hahaha 'yun pala transgender hahaha...pa-selfie-selfie pa ko sa buong pag-aakala ko na si Bea Alonso siya hahahaha!" ang dugtong ni Ine na di-maubos-ubos ang pagtawa, "...in fairness naman...kamukhang-kamukha talaga siya ni Bea Alonso!"
Makikisabay naman ng pagtawa si Ernie na napaniwala talagang si Bea Alonso talaga ang naka-meet niya sa loob ng eroplano.
All reactions:4Charet B. Monsayac, Grace Alon and 2 others1
2LikeCommentShareSaya naman nila, sweet.
BINABASA MO ANG
"MAGHINTAY KA LAMANG..AKO'Y DARATING"Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang Azul
AventuraKATHAMBUHAY NA NOBELA NI ZAMPAGITANG AZUL ISANG KATHAMBUHAY NA NOBELA NA TUMATALAKAY SA KAHIRAPAN NG BUHAY, PAGDURUSA, PAGSUBOK AT MABIBIGAT NA HAMON NG BUHAY NA NALAMPASAN NI ERNIE NA ISANG HAMAK NA TRABAHADOR KASAMA NG MGA TRABAHADOR NA BIKOL SA P...