IKALIMANG KABANATA : BUWAYA SA DAGAT NG BUHAY (TAGPO 72-B)

21 2 0
                                    


"MAGHINTAY KA LAMANG...AKO'Y DARATING"

Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang Asul

IKAANIM NA KABANATA

BUWAYA SA DAGAT NG BUHAY

Ikapitompu't dalawang Tagpo (B)

Mula sa bulubundukin ng Montalban Rizal na pinagtaguan sa magkakapatid na Ernie, Romy, Ben, Elmer, Sancho, Juanco, Nena, Ellen at Susan, awtomatikong bubukas ang malaking tarangkahan ng Pagawaan ng Droga, papasok ang mga SUV na lulan ng mga armadong naka-polo barong na puti. Pagkababa ng mga sakay, tutunguhin ng mga ito ang lugar na pinagtitipunan ng mga kasapi ng sindikato. 

Saglit na huhupa ang kasiyahan ng mga dinatnan nang may sumigaw na isa sa mga lalaking naka-polo barong ng puti na sakay ng isa sa mga SUVng dumating na nagsisilbing kanang kamay ng Big Boss na pilit na inaaninaw ni Ernie na bagama't nakapiring ang mata, namumukhaan niya ito dahil sa liwanag ng mga ilaw na tumatanglaw sa pagtitipon. 

Tama! Ito ang kanyang kapatid sa ama na tumakbong Kapitan na nakalaban din sa halalan ng kanyang Kuya Ruperto.

"Dumarating na ang "Big Boss!"Kasunod naman nito'y sisigaw rin ang mga armadong naka-polo barong din na kasama ng Big Boss.

"Mabuhay ang Big Boss!" Mabuhay si Kapitan Anchong!"

Shocked si Ernie sa kanyang narinig gayundin ang kanyang mga kapatid na patuloy pa ring nagugulumihanan. Tahimik naman ang mga dinatnan na naka-polo barong ng puti na pinangungunahan ni Dong. Nakakunot ang noo ni Kapitan Anchong habang lumilinga sa kanyang mga dinatnan.

"Parang matamlay ang paligid...dati-rati naman ipinagbubunyi ninyo ang bawat pagdating ko...ang bawat pagbisita ko sa inyo parang di kayo natutuwa sa muli kong pagkapanalo bilang Kapitan...Dong, anong nangyayari rito? Kumusta na ang ating pagawaan ng droga...matagal ka ng di-nag-uulat...kung kumikita pa ba tayo o nalulugi na...bakit wala ka ng ini-entrega sa akin... " ang paninita ni Kapitan Anchong.

Hanggang sa mabaling ang atensiyon ni Kapitan Anchong sa mga nakaposas at mga nakapiring ang mga mata na mga nanginginig pa matapos silang gawing target sa harapan ng mga nagkakatipon-tipon na miyembro ng isang malaking sindikato ng droga. 

Nagkalat sa sahig ang lasog-lasog na mga mansanas.

"Ninong Anchong! Si Ernie ito...dinukot kami ng mga kapatid ko sa di malaman naming dahilan..." buong lakas nang sumisigaw si Ernie na pilit na nilalabanan ang matinding takot. 

Umaasang makikilala siya ni Kapitan Anchong.Nagsisunod na rin ang mga kapatid ni Ernie.

"Niloko mo kami Kapitan Anchong...sinuportahan ka pa namin sa pag-aakalang isang matino kang lider..." ang sigaw ni Romy na nanggagalaiti sa galit bagama't nanatili pa rin ang takot na nararamdaman sa sarili.

Mabibigla si Kapitan Anchong. Ibabaling naman nito ang galit kay Dong.

"Dong...ano ang ibig sabihin nito?!!! Di ko kailanman inutos sa iyo na ipadukot sa iyo ang magkakapatid na 'yan..." ang kumukulo sa matinding galit ni Kapitan Anchong.

Sasabog din sa matinding galit si Ruperto Cruz Santos III na kapatid sa ama nina Ernie. Bubulyawan niya si Dong.

"Dong...hayup ka! Pawalan mo ang mga kapatid ko...kung ayaw mong dumanak ng dugo rito!"

Magtututukan ng mga high powered gun ang dalawang panig. Nahati sa dalawang paksyon ang organisasyon: ang mga dinatnan na pumanig kay Dong at ang mga dumating na pumanig sa Big Boss ng organisasyon na si Kapitan Anchong.

"Taksil ka Dong! Isa kang hudas!" ang galit na galit na tinig ni Kapitan Anchong habang nakatutok sa ulo ni Dong ang kanyang hawak na baril, "...tama pala ang hinala ko na may plano kang ako'y iyung ibagsak...matagal na kitang pinasusubaybayan...yung drug money ng organisasyon ginagamit mo para manalo si Ruperto Santos...at kung mawala ako sa puwesto...kokontrolin mo ang minamanok mong Kapitan..."

"Tama ka! Ako rin ang nagpadala ng ataul sa iyo gayundin kay Ernie! O, ano? Solve ka na ba hahaha" sabay tawa ng bangag na sa drogang si Dong na nakatutok rin ang baril na hawak sa tapat ng puso ni Kapitan Anchong.

"Huwag kang magkakamaling kalabitin 'yan Dong...titiyakin kong sabog ang utak mo sa akin!" ang mariing pagbabanta ni Ruperto Cruz III na inaasinta ng hawak na baril ang ulo ni Dong.

"Diyos ko! Diyos ko! Kung magpapatayan kayo...huwag ninyo kaming idamay..." ang nanginginig sa takot na si Nena.

Naggigirian ang dalawang paksyon. Mga nakatutok ang mga baril nila sa isa't isa.

All reactions:1Charet B. Monsayac1LikeCommentShareAy naku d talaga nakikita ang kabutihan ng tao sa anyone nito akalain mo ganito pala racket ni Kap Anchong.LoveReply

"MAGHINTAY KA LAMANG..AKO'Y DARATING"Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang AzulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon