"MAGHINTAY KA LAMANG... AKO'Y DARATING"
Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang Azul
IKALAWANG KABANATA
KAPALARANG NAGHIHINTAY
ikalabindalawang Tagpo
Magmula nang maging mag-on na sina Ernie at Ine, sumigla na ang buhay ni Ernie gayundin ni Ine. Kapwa bumubuo na sila ng pinapangarap na buhay sa isa't isa. Lumitaw ang pagiging makata ni Ernie. Madalas pinadadalhan niya si Ine ng maiikling berso ng tula na nagpapahayag ng kanyang saloobin.
"Lumipad si Wonderwomansa puso ko'y dumapo...anong sarap sa pakiramdam...ng ligayang sumasapuso,sumisigla si Supermansa puso mo ri'y dumadapopara ipaabot, lantay na pagsuyo!"
Isi-send agad ni Ernie ang nabuo niyang tula kay Ine. At kapag nabasa ni Ine sa screen ng selpon niya, tuwang-tuwa si Ine na kinikilig-kilig. Hahabi rin ng tula si Ine para kay Ernie.
"Si Wonderwoman, tunay na sa iyo'y nagmamahalSuperman, sa puso ko'yikaw lang ang itatanghal...buong kaluluwa ko'yiyong-iyo na...Tanging hiling ko langna ito'y iyung pakakaingatan!"
Ise-send niya ito kay Ernie. Buong kapanabikan naman itong babasahin ni Ernie sa screen ng cp niya. Ganyan sila halos araw-araw, nagpapalitan ng mga tula. Sa bawat sandali, nananabik sila sa isa't isa. Nabubuhay ang pag-asang sila na nga ang magkakatuluyan. Walang ano-ano'y tumawag si Ine. Sinagot agad ito ni Ernie.
"Hello Wonderwoman..." ang buong pananabik na tugon ni Ernie.
"Kailan ka ba magagawi ng Nueva Ecija?", ang malambing na pagtatanong ni Ine."Baka next week pa...mamimili kami ng itlog ng itik dyan...walang mabili sa Pangasinan, saka isa pa gusto na kitang makita...sobrang miss na kaya kita," ang masayang tugon ni Ernie.
"Sobrang miss na rin kaya kita! A, ok..sige...wait kita...sa bahay ka na mananghalian...ipagluluto kita ng masarap na putahe," ang kinikilig na tugon ni Ine. "Wow sige nang matikman ko yang luto mo! Masarap pa ba yan sa luto ng Diyos!" pagbibiro ni Ernie.
"Siyempre mas masarap ang luto ng Diyos...saka ko na yun sa iyo patitikman pag kasal na tayo..." sabay tawang nagbibiro ni Ine,
Sa narinig, napalakas ang tawa ni Ernie. Biglang may kumislap sa isip ni Ernie."Bago ko makalimutan...paano mo nga pala nalaman ang cp no. ko." ang pag-uusisa ni Ernie.
"Ikaw naman hanggang ngayon ba'y nasa isip mo yan....siyempre kay Aling Rowena...yung matabang babaeng may-ari ng itikan sa Pampanga!" ang paliwanag ni Ine. Naudlot ang usapan nila nang marinig ang pagtawag sa pangalan ni Ernie ng kanyang Kuya Ruperto.
"Ernie...bumaba ka nga rito at may mga namimili ng balot rito...walang gaanong mag-asikaso!"
"Oo, Kuya...pababa na ko," ang mabilis na tugon ni Ernie.
"Sige tinatawag ka na pala ng Kuya mo...saka na lang ulit tayo mag-usap...ingat ka lagi Superman. Mahal kita...ikaw lang sapat na!" ang malambing na pagpapaalam ni Ine na nasa kabilang linya, sabay patay sa cp niya.
May ngiti pa sa labi si Ernie nang mabilis na bumaba sa lumang bahay nila para asikasuhin na ang mga mamimili ng balot.
All reactions:4Susana Melon Galvez, Rachelle Bautista Mijares and 2 others
BINABASA MO ANG
"MAGHINTAY KA LAMANG..AKO'Y DARATING"Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang Azul
AdventureKATHAMBUHAY NA NOBELA NI ZAMPAGITANG AZUL ISANG KATHAMBUHAY NA NOBELA NA TUMATALAKAY SA KAHIRAPAN NG BUHAY, PAGDURUSA, PAGSUBOK AT MABIBIGAT NA HAMON NG BUHAY NA NALAMPASAN NI ERNIE NA ISANG HAMAK NA TRABAHADOR KASAMA NG MGA TRABAHADOR NA BIKOL SA P...