"MAGHINTAY KA LAMANG... AKO'Y DARATING"
Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang Azul
IKAAPAT NA KABANATA
KUKUTI-KUTITAP NA BITUIN
Ikatlumpo't siyam na Tagpo
Lulan ng pampasaherong dyipni ni Atong, maagang dumating sa Burnham Park sina Ernie, Ine at Luisa. Tumulong si Atong sa pagbaba ng basket ng pagkain, thelmo ng mainit na kape, disposal plates, pork at spoon. Sa damuhan, inilatag ni Ernie at Ine ang mahabang carpet at masaya nang nagsipag-agahan ang mga ito. Samo't sari ang naging paksa ng kanilang usapan habang kumakain: ang di-pag-uwi ni Louie, ang tungkol kay Liling at planong pagnenegosyo nina Ernie at Ine na katuwang si Luisa.
Matapos makapag-agahan naging abala na sila sa paglilibot sa Burnham Park at sinamantala nila ang pagkakataon na isantabi ang anumang naging problema, at nagpakasaya sa iba't ibang libangang naroon. Nag-horse back riding, banca riding, nagbisikleta at nagpa-picture na naka-Igorot costume sina Ernie, Ine, Luisa at Atong. Unti-unting dumarami na ang mga tao sa Burnham Park. At nang bumaba na ang kinain at medyo napagod, pinatulan ang ilang Igorot roon na nag-aalok ng 'massage' service'.Kaniya-kaniyang pwesto sina Ernie, Ine, Luisa at Atong na pinaupo sa mga upuang bato sa parke
Maya-maya'y nag-ring ang cp ni Ernie. Sinagot niya ang tawag ni Louie.
"Tito Ernie dito kami sa Skating Rink ng tropa ko...pasyal kayo rito para magkita-kita tayo at nang makilala mo na sila..." ang masayang paanyaya ni Louie.
"Sige, pupunta kami r'yan pagkatapos lang nitong 'massage service' namin..." ang tugon ni Ernie.
"Si Louie ba 'yan kausap mo?" ungkat ni Ine na malapit sa puwesto ni Ernie."Nasa Skating Rink daw sila..." paliwanag ni Ernie.
"Saan ba 'yon?" tanong ni Luisa.
"No problem...alam ko 'yung lugar..." sabat ni Atong.
Pagkatapos ang 'massage service' at pagkabayad ni Ernie sa mga Igorot na masahista, naglakad na sila patungo sa Skating Rink. Pagpasok nila sa loob ng gusali sa pangunguna ni Atong, nagpalinga-linga sila, hinahanap ang kanilang pakay.
Inisa-isa nila ang mga roller skaters na mabilis na nag-i-iskating paikot sa buong skating arena, may mga napansin din silang ibang nagsasanay palang, mababagal pa at may inaalayan para di- mabuwal ng mga trainer nila.
Sa darating ang tropa nina Louie na malayo-malayo pa'y makikitang kumakaway na sa umpukan nina Ernie nang matanaw sila na nanonood sa mga roller skaters. Hihinto si Louie sa tapat nila gayundin ang kanyang mga ka-tropa. Isa-isang ipapakilala ni Louie ang kanyang mga tropa.
"Tito Ernie. Tita Ine, Tita Luisa, Atong...mga tropa ko...si El John, si Vanessa, si Ruel, si Marita, si Bart, si Jolina, at si Arianne!" Itinuturo isa-isa ni Louie habang masayang ipinapakilala ang kanyang mga kaibigan.
BINABASA MO ANG
"MAGHINTAY KA LAMANG..AKO'Y DARATING"Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang Azul
Phiêu lưuKATHAMBUHAY NA NOBELA NI ZAMPAGITANG AZUL ISANG KATHAMBUHAY NA NOBELA NA TUMATALAKAY SA KAHIRAPAN NG BUHAY, PAGDURUSA, PAGSUBOK AT MABIBIGAT NA HAMON NG BUHAY NA NALAMPASAN NI ERNIE NA ISANG HAMAK NA TRABAHADOR KASAMA NG MGA TRABAHADOR NA BIKOL SA P...