IKAAPAT NA KABANATA : KUKUTI-KUTITAP NA BITUIN (Tagpo 41-A)

48 2 0
                                    


"MAGHINTAY KA LAMANG...AKO'Y DARATING"

Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang Azul

IKAAPAT NA KABANATA

KUKUTI-KUTITAP NA BITUIN

Ikaapat-napo't isang Tagpo (A)

Tuluyan nang nagising si Ernie sa pag-iingay ng kanyang selfon na ayaw tumigil sa pag-ring lalo na nang mabasa niya ang text message ni Arianne sa kanya.

Nang mapansin ni Ernie na abot na ang hikab ni Atong habang nagmamaneho, minabuti niyang magprisinta nang palitan ito na pumayag naman agad si Atong para kahit paano ay maidlip na rin at makapahinga na rin kahit saglit man lang.

Habang nagmamaneho si Ernie, di-mawala-wala sa isip niya ang magandang mukha ni Arianne na waring kinakausap siya at bumubuo ng magagandang pangarap para sa kanilang dalawa.

Sa pagninilay niya, ano ba ang nakain ni Arianne at tila nahuhumaling sa kanya ang batambatang kolehiyala gayong ang layo ng agwat ng edad nila. Sa isip ni Ernie, di kaya 'father image' lang ang tingin sa kanya ni Arianne.

Baka mula sa pagkabata palang naging Papa's girl na si Arianne, labis na iniidolo nito at hinahangaan ang magagandang katangian ng kanyang 'biological father' na natagpuan naman nito sa kanyang personalidad at ito ang dahilan kung bakit tila pinagpapantasyahan siya nito. Kung gayon, sa loob-loob niya, baka dinadaya lamang si Arianne ng puso niya, na di tutuong pag-ibig ang nararamdaman nito sa kanya kundi 'father image' lang.

Naisip niya, kailangan na niyang kausapin nang masinsinan si Arianne at pagpaliwanagan niya ito kung seryoso man ito sa ginagawang pagpaparamdam ng pagmamahal nito sa kanya at hanggang maaga ay maputol na ang kahibangan nito sa kanya.

Sa pinaplano niyang pagkausap kay Arianne, iniisip rin niya na paano niya ito kakausapin nang di-masasaktan. Nag-aalala rin siya na baka kapag nasaktan niya ito, di niya alam kung ano ang magiging epekto nito kay Arianne. Buti kung magiging positibo ang magiging pagtingin nito sa kanyang mga sasabihin.

Biglang sumagi sa isip niya si Althea kung paano siya minahal at pinahalagahan nito at ang kabigatan nga nito'y naharap rin siya sa isang matinding pagsubok sapagkat tutuong minahal rin niya ito at pinahagalahan at buti na lamang at ito'y nagparaya na ng kusa para sila ang magkatuluyan ni Ine.

Bagama't nahihirapan ang kanyang kalooban dahil may na isa na namang anak ni Eba na nagkaka-crush sa kanya na sa pagkakataong ito ay batambata at ang layo pa ng agwat ng edad nila at isa pa siya'y kasal na, desidido na siyang kausapin si Arianne at handa na siya sa anuman na magiging kahihinatnan ng kanilang magiging pag-uusap para pagkatapos, maituon na lamang niya ang kanyang buong pag-iisip at lakas sa hanapbuhay at kung paano niya bubuuin ang mga pangarap nila ni Ine kasama ang mga magiging anak nila.Di-namalayan ni Ernie na nasa Baliuag na pala sila habang abala sa pagmamaneho sa pampasaherong dyipni ni Atong. Mag-aalas-singko na ng hapon. Ipinasok ni Ernie sa loob ng bakuran ng lumang bahay nila ang sasakyan. Tila naaalimpungatan namang nagising sa sasakyan sina Atong, Ine, Luisa at Louie.

"Naku, nasaan na ba tayo?" usisa ni Ine.

Palinga-linga sa paligid si Louie.

"Dito na pala tayo kina Tito Perts!" pakli ni Louie na nagulat pa nang magising na nasa lumang bahay na pala sila.

"Ano na kaya ang lagay ni Tita Liling? Tara, dalawin natin..." sabay-baba ni Louie sa sasakyan tangay ang wooden penis astray para ibigay sa Tito Ruperto niya.

Magsisibaba na rin sina Ernie, Ine at Atong na may bitbit na pasalubong para sa mag-asawang Ruperto at Liling. Aakyat sila sa itaas ng lumang bahay. Madadatnan nilang kinakausap ni Ruperto ang asawang si Liling na nakasakay sa 'wheelchair' na parang di-nakakakilala at wala pa rin sa sariling huwisyo. Nasa isang tabi lang ang isang may kagandahang 'private nurse' habang nakamasid lang sa usapan nila. Nasa tabi nito ang isang mahabang katre na higaan ni Liling. Kapansin-pansin na wala na roon ang mga medikal na aparatus.

"Liling...kausapin mo naman ako...nakikilala mo ba ako?" ang malumanay na pagkausap ni Ruperto sa asawa.

Mamata-mata lang si Liling. Pilit na kinikilala ang kausap."Wow...may malay na pala si Ate Liling...musta ka na Ate Liling?" ang bati ni Louie."Oo nagising na siya...sabi ng doktor...lagi kong kakausapin...para magbalik ang alaala..." ang paliwanag ni Ruperto.

"Bakit napaano ba?" usisa ni Ine.

"Nagka-amnesya!" maikling tugon ni Ruperto.

"Kumusta ka na Ate Liling?" bati ni Ernie.

Tititigan ni Liling si Ernie. Pilit na kinikilala.

"Si Ernie ito Ate Liling...natatandaan mo ba ko?..." ang patuloy ni Ernie.Sasapuhin ni Liling ang ulo.

"Masakit ang ulo ko...wala akong maalala...sino ba kayo?" Maiiyak na lamang si Liling.

"Wala...wala akong maalala...bakit ako narito? Sino kayo?"ang paulit-ulit na nasasambit ni Liling.

Hahawakan ni Ruperto ang kamay ng asawa. Masuyong hahalikan.Babawiin ni Llling ang kanyang kamay na hinawakan ni Ruperto."Manyak kang matanda ka! Manyakis ka kanina ka pa hawak nang hawak at halik nang halik sa kamay ko. Lumayas ka rito Manyakis ka!" paasik at galit na ipagtatabuyan ang asawa.

"Liling...ako ang asawa mo si Ruperto!""Wala akong asawa...dalaga pa ko...sumbong kita sa Tatay ko....dimonyo ka...manyakis ka!" nagwawala na si Liling na di pa rin makakilala.

"Liling ako si Luisa ang kapatid ni Ine..." ang sabat ni Luisa.

"Isa ka pang bruha ka...wag mo kong kausapin...bakit ang pangit-pangit mo!" ang wala sa sariling pagtataray ni Liling.

Lihim na matatawa si Louie. Di-malaman ni Ernie ang gagawin. Pakiramdam niya sinusumbatan siya ng konsensiya niya.

"Sino ba Tatay mo Ate Liling?" nakatiyempo ng tanong si Louie habang wala sa loob na hawak-hawak pa rin ang wooden penis astray na balak ibigay niya sa Tito Ruperto niya."Huhuhu...pati nga si Tatay...di ko alam ang pangalan...sakit-sakit na ng ulo ko huhuhu," ang tuloy-tuloy na paghihisterya ni Liling.

Tahimik lang na nagmamasid si Atong. Ganon din si Luisa na nang mapahiya, nagpasiyang tumahimik na lamang. Nang maalala ni Louie na nasa kamay pa niya ang wooden penis na astray, pasimpleng iaabot ni Louie sa Tito Ruperto niya ang pasalubong niya.

"Tito Perts...pasalubong ko sa iyo..." sabi ni Louie.

Mapapansin ni Liling ang wooden penis na astray. May kung anong biglang pumasok na alaala sa isip niya.

"Parang nakakita na ko ng ganyan,"may pilit na inaapuhap si Liling sa kanyang alaala habang titig na titig siya sa astray na wooden penis. Lilipat ang tingin niya kay Ruperto."Tama...nakakita na ko ng ganyan..." ang sabi ni Liling na waring may binabalikan siya sa kanyang gunita habang di niya inaalis ang kanyang paningin kay Ruperto.

Pigil ang hininga ng lahat. Pilit kinakapa ang nasa isip ni Liling. Nagbabalik na ba ang kanyang alaala o lalo pang lumala sa dati ang kalagayan ni Liling. Naisip ni Ernie, paano kung magbalik na muli ang alaala ni Liling, ano naman kaya ang mangyayari sa kanilang muling paghaharap na dalawa?

All reactions:7Len Cruz Odtohan, Regine Bayotas Cleofas and 5 othersLikeCommentShare

"MAGHINTAY KA LAMANG..AKO'Y DARATING"Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang AzulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon