IKAPITONG KABANATA : ALIMAOM (TAGPO 81-B)

23 2 0
                                    


"MAGHINTAY KA LAMANG...AKO'Y DARATING"

Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang Azul

IKAPITONG KABANATA

ALIMAOM

Ikawalumpo't Isang Tagpo (B)

Sa loob ng silid ng Chocolate Hotel, humahagok na nagising si Ernie mula sa isang masamang panaginip na akala niya'y tutuong-tutuo na gumuho ang hotel na tinutuluyan nila ni Louie sa lakas ng lindol. Sa loob-loob ni Ernie napaka-weird ng panaginip niya. Nagtataka siya sa kanyang sarili kung bakit nadadalas ang mga panaginip niyang di-karaniwan at lubhang nakatatakot.

 Naitanong niya sa sarili, anong masamang pangitain ang ipinahihiwatig ng kanyang panaginip? Bakit lagi niyang napapaginipan sina Ine, Althea at Arianne tuwing nalalagay sa matitinding pagsubok ang buhay niya.

Walang ano-ano'y magigising na si Louie na masakit na masakit ang ulo.

"Ang sakit ng ulo ko...saan ba ko naroon?"

"Dito pa rin tayo sa Chocolate Hotel...sobrang nalasing ka...kaya naisipan kong dito ka na magpalipas ng kalasingan mo...nabayaran ko na ang hotel sa mga inorder mo..naisip ko na pagkakataon na rin na magkausap tayo..."

Nuon unti-unting magbabalik sa alaala ni Louie ang kanyang ginawang pagwawalwal sa loob ng hotel sa labis na depresyon niya sa ginawang pagbasted sa kanya ni Arianne. Muli, mapapaiyak siya sa harap ng Tito Ernie niya.

"Ang sakit Tito Ernie...di ko matanggap ang pagkabigo kay Arianne...lalong masakit sa akin nang tapatin niya kong ikaw ang mahal niya huhuhu..."

"Kalalaki mong tao kung makaiyak ka...nakakahiya ka!"

"Tito Ernie naman...mana lang naman ako sa iyo...masyado ka rin namang emosyunal, di ba?"

Magkakatawanan na lang ang mag-amain.

"Kalimutan mo na lang si Arianne...maraming iba riyan hahaha"

"Sa totoo lang...naawa rin ako kay Arianne nang i-reject mo siya...ang sakit-sakit kaya ng sampal sa akin...sa akin niya ibinuhos ang lahat ng galit sa iyo...lalong masakit nang tapatin niya kong kailanman, di magiging kami! Ikaw lang daw ang kaya niyang mahalin...paano kaya kung malaman ito ni Tita Ine?"

Nabigla si Ernie sa huling tinuran ni Louie.

"Huwag na huwag mong ikukuwento sa Tita Ine mo 'yan...di ko kayang saktan ang asawa ko...promise mo 'yan Louie kundi malalagot ka sa akin..."

"Promise Tito Ernie!"

"Kung ako sa iyo si Jessa na lang ang ligawan mo, halata kong may crush sa iyo...ang ganda pa naman at ang sweet-sweet sa iyo ni Jessa..."

Mapapaisip si Louie na nang maalala niyang akbay-akbay pa niya si Jessa nang pumasok sila sa silid ng hotel na magkakasama ng iba pang kaklase ni Arianne na pawang nalasing sa alak na kanilang ininom noong panahon ng eleksyon.

 Sana, sa loob-loob ni Ernie, sundin sana ng kanyang pamangkin ang payo niya. Nuong oras na yaon, nagbabalik sa gunita ni Ernie kung paano nasaktan niya nang labis ang damdamin ni Arianne. Kumusta na kaya siya, ang nawika ni Ernie sa sarili.

All reactions:1Cherry Palomo Gonzales

1LikeCommentShare

Mahirap kasing magmahal ng me asawa. If I were Arriane, I would find another man that is not married. She won't hurt anyone else.

"MAGHINTAY KA LAMANG..AKO'Y DARATING"Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang AzulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon