IKASIYAM NA KABANATA : AGAW-LIWANAG-AT-DILIM (TAGPO 113)

11 2 0
                                    


"MAGHINTAY KA LAMANG...AKO'Y DARATING"

Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang Azul

IKASIYAM NA KABANATA

AGAW-LIWANAG-AT-DILIM

Ikaisandaa't labintatlong Tagpo

Kinagabihan, kabilang ang mag-asawang Ernie at Ine, ang pamilya ni Althea at ang magbi-bf na Louie at Jessa, John at Bea Jessa gayundin ang mga libo-libong mga tao mula sa iba't ibang lahi sa mundo na nagkakatipon-tipon sa harap ng dalawang nagtataasang show building located in Fantasyland na natatanglawan ang mga ibabaw nito ng tigalawang set ng dalawampo't limang spotlight.

Sa kabuuan ng Disneyland Park na matatagpuan ang dalawang show building, sobrang ganda ng lighting effect featuring a wide array of lighting fixtures na nagbibigay-kulay sa inaabangang Disneyland Spectacular Night na nagtatampok sa Snow White's Adventures at Peter Pan's Flight sa unang Show Building mapapanood ang pagtatanghal, at sa ikalawang Show Building naman mapapanood ang pagtatanghal ng Harmony Faire, Mickey's Philharmonic-magic at Pinnochio's Daring Adventure.

Kapansin-pansin ang tatlong laser na gagamitin sa pagtatanghal na nakapuwesto sa Castle at ang dalawang laser naman ay nakapuwesto sa dalawang Turret nito. May dalawang projector na gagamitin sa ibabaw ng mga gusali ng Diamond Horse Shoes at dalawa pang projector na ipinuwesto naman sa ibabaw ng gusali ng Tomorrow Land. Sa magkabilang gilid ng Castle on the ground, naglagay rin ng dalawang projector na tinabingan ng foliage o naggagandahang dahon-dahon ng halaman. Ang huling dalawang projector ay isinet-ap sa water screens.Walang umaalis sa kinauupuan nilang bermuda grass na saktong nakasentro sa dalawang Show Building na nakapaloob sa malawak na Disneyland Park. 

Di magkatapos sa kwentuhan ang mag-amang Ernie at Jershey kagaya rin ng mag-amang Adonis at Aniway na sobrang close na sa isa't isa. Masaya namang nagkukuwentuhan rin sina Ine at Althea. Sinamantala naman ng magbi-bf na Louie at Jessa, John at Bea Jessa ang pagpapalitan ng mga sweet nothings nila na tila sila lang ang naroroon sa paligid. Abot ang selfie ng magkakapartner, nais ng bawat isa na maging memorable ang kanilang pagkikita-kita habang hinihintay nila ang "Disneyland Spectacular Night na pinanabikan ng lahat.

Hanggang sa dumating na ang pinakahihintay ng lahat. Sa opening palang sobrang bongga na. Sa pamamagitan ng Philharmonic-magic and Mickey Mouse Revere, tumugtog na ang orkestra hudyat na magsisimula na ang palabas. Tumahimik na ang lahat at humanda na para manood ng isang kapana-panabik na panoorin. Pagkatapos ng paglitaw ng mga anino na nagsasaysay sa magic brooms sa Fantasia, kasunod nuo'y ang pag-appear ni Mickey Mouse sa may balcony ng Kastilyo na napapanood sa Show Building para simulan na ang pagtatanghal. Sa kumpas ni Mickey Mouse, magsisimula ang orkestra sa isang masigabong overture na nagtatampok sa awiting "Tokyo Disneyland is your land!"

Kasunod nuo'y Let Memories Begin taken from the Magic, Memories and You, ang katipunan ng iba't ibang attraction plays sa Park gayundin ang It's a Small World, Tom Sawyer Island, Splash Mountain at Peter Pan's Flight. Tangay ng music book, dadalhin si Mickey Mouse sa kanyang journey sa iba't ibang kaharian ng Disneyland Park.Walang kakurap-kurap naman sina Jershey at Aniway habang tuwang-tuwang pinapanood si Mickey Mouse sa kanyang mga kaabang-abang na mga paglalakbay kabilang ang mga batang nagmula sa iba't ibang lahi sa mundo kasama ang kani-kanilang magulang, kamag-anak at mga kaibigan.

All reactions:7Charet B. Monsayac, Carol Palomo Legaspi and 5 others

12LikeCommentShare

Disneyland talaga effect ng story natin.

LoveReply

"MAGHINTAY KA LAMANG..AKO'Y DARATING"Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang AzulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon