"MAGHINTAY KA LAMANG...AKO'Y DARATING"
Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang Azul
IKAANIM NA KABANATA
BUWAYA SA DAGAT NG BUHAY
Ikapitumpong Tagpo
Matapos nang makalabas ng bahay sina Kapitan Anchong at Ruperto Cruz Santos III, may biglang kumislap sa isipan ni Arianne.
Tinawag niya ang isa sa mga kaklase niya sa SLU.
"Jessa, di ba may psychic power ka...baka pwedeng gamitin mo...to trace the whereabout of Ernie..." ang pangunumbinsi ni Arianne sa kaklase niyang mestisang may pagka-tsinita ang mata.
"May kakaiba nga akong vibration na nararamdaman sa kanilang pagkawala...kaninang nagkukuwento kayo nina Tita Ine, Tita Althea at Arianne tungkol sa pagkakapare-pareho ng inyong mga napaniginip about Tito Ernie at sa mga kapatid niya...pumapasok sa isip ko na Tito Ernie is probably using his hidden mental telepathic ability through dreams...ito ang pamamaraan niyang ginamit nang di niya namamalayan para ipabatid sa inyo ang kanyang kalagayan..." paliwanag ni Jessa.
"Kung gayon...ano ang mabuti nating gawin? Di ba pwede mong makita through your psychic power kung nasaan sila ngayon...kung buhay pa ba sila?" ang nasasabik na tinig ni Arianne.
Ipipikit ni Jessa ang kanyang mga mata. Di humihinga ang lahat habang nagmamasid sa ritwal na kanyang ginagawa. Bumubulong si Jessa nang mga salitang Latin na siya lang ang nakakaunawa. Ilang saglit pa, manginginig na ang kanyang buong katawan. Pinagpapawisan siya nang ganggamunggo.
"Papa Adonis, what is happening to Jessa? I am scared..." ang nahihintakutang reaksyon ni Jershey.
"Don't worry baby...nothing bad will happen to Jessa..." uunahan ni Althea ng pagsagot si Adonis sa tanong ng anak-anakan niya.
Ilang saglit pa, mapapadilat na si Jessa na pawisang-pawisan.
"Tubig...pahingi ng tubig..." ang hiling ni Jessa.
Mabilis na tutunguhin ni Luisa ang refrigerator at magsasalin ng tubig sa baso. Kapagdaka'y iaabot ito kay Jessa. Matapos, makainom ng tubig si Jessa. Sabik na naghihintay ang lahat sa sasabihin nito.
"Buhay pa sila...buhay pa sila kaya lang nanganganib ang kanilang mga buhay. Napapaligiran sila ng mga lalaking naka-barong ng puti na kargado ng mga high powered gun..." ang pagsasalaysay ni Jessa.
"Diyos ko! Mahabaging langit, saan sila naroroon?" ang nanginginig na tinig ni Ine.
"Nasa ituktok ng bundok sila...somewhere in Montalban Rizal...nakausap ko rin si Tito Ernie through mental telepathy...humihingi sila ng panalangin para sa ikaliligtas nila..."
"Mabuti pa mag-prayer vigil tayo..." mabilis na mungkahi ni Louie.
"Tama...mag-prayer vigil tayo, " pangangalawa ni Althea.
"Simulan na natin..." susog ni Arianne.
"Ate Luisa, pangunahan mo kami sa pagrorosaryo," sabat ni Ine.
Matapos makuha ni Luisa ang rosaryo sa silid. Luluhod siya. Magsisisunod na ang lahat na magsiluhod upang simulan na ang 'prayer vigil' nila para sa ikaliligtas sa panganib nina Ernie at mga kapatid nito.
Paano nagkatiyap-tiyap ang panaginip ng tatlo? Tutuo kayang may hidden mental telepathic ability si Ernie na may kakayahang makipag-ugnayan sa mga mahal niya sa buhay sa pamamagitan ng panaginip?
Mabisa ba ang 'prayer vigil' sa ikaliligtas sa panganib ng mga taong pinag-uukulan nito? Makaligtas pa kaya ang magkakapatid sa tiyak na kapahamakan? Sino kaya ang 'mastermind' sa likod ng ginawang pagdukot sa kanila?
All reactions:2Charet B. Monsayac and Maria Digna Ramos
BINABASA MO ANG
"MAGHINTAY KA LAMANG..AKO'Y DARATING"Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang Azul
PertualanganKATHAMBUHAY NA NOBELA NI ZAMPAGITANG AZUL ISANG KATHAMBUHAY NA NOBELA NA TUMATALAKAY SA KAHIRAPAN NG BUHAY, PAGDURUSA, PAGSUBOK AT MABIBIGAT NA HAMON NG BUHAY NA NALAMPASAN NI ERNIE NA ISANG HAMAK NA TRABAHADOR KASAMA NG MGA TRABAHADOR NA BIKOL SA P...