IKAWALONG KABANATA : SALAMISIM (TAGPO 87)

22 2 0
                                    


"MAGHINTAY KA LAMANG...AKO'Y DARATING"

Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang Azul

IKAWALONG KABANATA

SALAMISIM

Ikawalumpo't Pitong Tagpo

Madaling-araw palang, sakay ng kanilang SUV Toyota, lumuwas na ang mag-asawang Ernie at Ine para magpatingin sa isang OB GYN sa St. Luke's Hospital. Sa harap ni Dra. Maureen Bernardo, isang bantog na Obstetrician Gynecologist, inilahad nila ang kanilang problema sa di-pagbubuntis ni Ine sa loob ng mahigit na isang taon na nilang pagsasama. Kinuhanan muna ng bp ng doktora si Ine at tsinek ang BMI (Body Mass Index) nito.

"Mrs...medyo mataas po ang bp ninyo...140 over 90...sa body mass index naman po ninyo...overweight po kayo...kailangan po ninyong mag-diet..." ang paliwanag ng doktora, "gayundin po, kailangan din ninyong magpa-ultra sound para malaman natin ang kundisyon ng obaryo ninyo...may iba pa pong laboratory tests akong irereseta sa inyo...matapos pong maipagawa ninyo itong mga laboratory tests na ito, bumalik po kayo next week...every Wednesday lang clinic hour ko...o tumawag kayo agad for medical appointment..."

Tatango si Ine na may halong pananabik at pangamba sa maaaring kahinanatnan ng kanilang pagpapatingin sa doktora.

"Opo...Dra. Bernardo..." ang pakli ni Ine.

Nakamasid lang si Ernie na di ring maiwasang mag-aalala habang nakikinig sa mga inihabalin ng doktora.

Matapos makuha nina Ernie at Ine ang resulta ng ultra-sound at blood tests, kaagad na tumawag na si Ine sa secretary ni Dra. Bernardo for medical appointment. Araw ng Miyerkules, maagang nakapila na sina Ernie at Ine kasama ng iba pang mga pasyenteng naghihintay sa pagdating ni Dra. Bernardo. Mabuti na lamang at sila ang number 1 sa listahan. Iba na talaga ang maagang nagpapaiskedyul, ang nawika na lamang ni Ine sa sarili na abala sa pagmamasid sa mga naghintay na pasyente sa mahabang 'corridor' sa loob ng St. Luke's Hospital.

Sa mga sandaling iyon, abala rin si Ernie sa pagmamasid sa kanilang paligid. Habang magkatabing magkaupo ang mag-asawang Ernie at Ine, maaagaw ang pansin ni Ernie ng isang balbas-saradong kau-kausap ni Ine sa hanay ng mga upuan ng mga pasyente rin na naghihintay sa pagdating ni Dra. Bernardo.

"Ano po ang patitingnan ninyo?" usisa ng balbas-sarado na nakapantalon na maong at jacket na maong na sa tingin ni Ine ay isang makisig na lalaki danga't nag-aalinlangan siya dahil sa alangan sa bihis nito ang tinig ng kanyang kausap.

"Mahigit na isang taon na po kaming kasal nitong mister ko...di pa rin po kami nagkakaanak...e kayo po ano naman ang patitingnan n'yo?" usisa naman ni Ine na halatang naaasiwang hinahagod ng tingin ang mukha ng balbas-saradong kausap niya.

"Ganon din po...matagal na rin pong nagsasama kami nitong mister ko...di pa rin kami magkaanak..." ang malungkot na tinig ng balbas-sarado habang magkahawak-kamay sila ng mestisong lalaking katabi niya, "...siya nga po pala ang asawa ko...si Abet..si Cathlyn naman po ako..."

Di-sinasadyang bahagyang napataas ang kilay ni Ine nang mapagtantong babae pala ang kausap niyang inakala niyang isang makisig na lalaking balbas-sarado. Nagtatakang mapapatingin din si Ernie na sinusuri ang tunay na kasarian ng balbas-saradong kausap ni Ine.

Mapapatingin din silang mag-asawa sa mestisong lalaking ka-holding hands ng babaing balbas-sarado.

"Mister ko nga po pala...si Ernie, ako naman po si Ine..." ang ganting pagpapakilala ni Ine sa asawa.

Magngingitian at bahagyang kakamay sa isa't isa ang mag-asawang Ernie at Ine at ang mag-asawang Abet at Cathlyn.

Gusto sanang usisain nina Ine at Ernie kung bakit balbas-sarado si Cathlyn na mukhang lalaking-lalaki sa itsura nito at si Abet nama'y mahihiya ang isang magandang dilag sa mala-sutlang kutis nito. Di na nakuhang makapag-usisa ang dalawa nang maagaw ang pansin ng mga pasyenteng naghihintay sa pagdating ni Dra. Maureen Bernardo.

All reactions:3Maria Digna Ramos, Charet B. Monsayac and 1 other

2LikeCommentShare

"MAGHINTAY KA LAMANG..AKO'Y DARATING"Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang AzulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon