IKALAWANG KABANATA: KAPALARANG NAGHIHINTAY (Tagpo 13)

124 5 0
                                    


"MAGHINTAY KA LAMANG...

AKO'Y DARATING"

Kathambuhay na  Nobela ni Zampagitang Azul

UNANG KABANATA

KAPALARANG NAGHIHINTAY

Ikabintatlong Tagpo

Kinaumagahan, nagising na lamang si Ernie sa pagtutungayaw ng Kuya Ruperto niya. Napansin niya na nag-iisa na lang siya sa silid na tinutulugan nilang magkakasama ng ka-tropa niyang mga bikolanong trabahador. Naisip niya, nagsisipagtrabaho na ang mga ito sa pagawaan ng balotan. Sumilip siya sa bintana, nakita niyang pinapagalitan ng kanyang Kuya Ruperto ang Dikong Romy niya na pangalawa sa nakatatandang kapatid niya.

"Nakuha mo na pala ang kalahati ng ni-loan mo sa banco kung di pa ko nagtanong sa banco na pinag-aplayan mo ng loan...hanggang ngayon, wala kaming kaalam-alam ng mga kapatid mo...na nakuha mo na pala ang kalahati...nasaan na yung nakuha mong pera...di ba ang usapan...pagpapartihan natin 'yan...at kaya lang kami pumayag at pumirma ng mga kapatid natin sa isinanla mong lupa na kinatitirikan ng lumang bahay natin na tanging pamanang iniwan sa atin ng ating mga magulang ay gagamitin mo sa puhunan sa paggawa ng balot ang mapaparte mo...kaya naman pumayag ang mga kapatid natin para makapagnegosyo rin sila," ang walang patid at galit na galit na pagtutungayaw ni Ruperto.

Di-makapaniwala si Ernie sa kanyang naririnig.

"Kuya, ang totoo...masyado kong nagipit kaya nagawa kong isanla ang lupa natin...patawarin mo ko Kuya...wala nang natitira sa paunang pera na ni-loan ko sa banco...naipambayad ko lang sa mga utang ko...kung di ako magbabayad Kuya...papatayin nila ako pati ang pamilya ko...kaya sana maunawaan mo ko Kuya," ang pagsusumamo ng Dikong Romy niya.

"Pagbigyan mo na kong makuha pa yung kalahati ng ni-loan ko para magamit kong puhunan...pangako...ako na ang gagawa ng paraang matubos ang pagkakansala ng lupa natin..." ang pagmamakaawa ni Romy sa Kuya niya.

"Hindi maaari...pina-hold ko na sa banco ang loan mo kaya wala ka nang makukuha!" ang mariing sabi ni Ruperto.

"Ngayon ding araw na ito...tatawagan ko ang mga kapatid natin..para ipaalam itong kabulastugang pinaggagawa mo!"

Di-mapakali ang mga trabahador na nag-uusyuso nang palihim sa nagaganap na gulo sa pagitan ng dalawang magkapatid.

Dahan-dahan namang lumapit si Ernie. Di alam kung makikisangkot sa gulo o mamamagitan na lamang. Alam ni Ernie na kasama siya sa partehan sa loan na 'yon na magagamit niya bilang dagdag puhunan sa pagbabalot. Nang makita siya ni Kuya Ruperto niya, inutusan siyang pagtatawagan ang iba pang mga kapatid para pag-usapan ang problema. Tumalima naman agad si Ernie.

Umalis na lang nang di nagpapaalam si Romy. Lalong sumilakbo ang galit ni Ruperto.

"Bastos ka! Wala kang pinagkatandaan!" ang sigaw ni Ruperto. Bumalik si Romy. Sa pagkakataong ito, sumabog na rin sa tintimping galit nito sa kanyang Kuya.

"At ikaw, ano ka? Yumaman ka lang...akala mo kung sino ka na? Kung gusto mo talagang makatulong sa aming mga kapatid mong naghihirap...sana pinahiram mo na lang kami ng puhunan!" ang nagtutungayaw na ring panunumbat ni Romy.

"Wala kang utang na loob...ako na nga ang gumawa ng paraan para pirmahan ng ating mga kapatid ang kasulatan sa pagsasanla ng lupa...ngayon kung ano-ano pa ang isusumbat mo sa akin..hindi ko kasalanan na maging mahirap kayo...ako, nagsikap kaya ako nagkaroon kahit papaano!" ang galit na galit na pagtutungayaw ni Ruperto.

"Ang sabihin mo sakim ka! Wala kang kwentang kapatid!", nagwawala na rin si Romy.

Sinugod ng suntok ni Ruperto si Romy. Umawat si Ernie. Sa pagganti ng suntok ni Romy, si Ernie ang tinamaan. Sa darating ang asawa ni Ruperto na si Liling na abot-abot ang kaba sa dibdib sa napapanood na kaguluhan sa pagawaan ng balot;

"Diyos ko...awatin nyo...awatin nyo!" ang sigaw ni Liling.

Noong lang kumilos ang mga trabahador at sapilitang pinaghiwalay ang mga nag-aaway.

"MAGHINTAY KA LAMANG..AKO'Y DARATING"Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang AzulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon