IKAWALONG KABANATA : SALAMISIM (TAGPO 87-B)

23 2 0
                                    


"MAGHINTAY KA LAMANG...AKO'Y DARATING"

Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang Azul

IKAWALONG KABANATA

SALAMISIM

Ikawalumpo't Pitong Tagpo (B)

Tinawag na ng secretary ang pangalan ni Ine. Pumasok na sila sa loob ng tanggapan ni Dra. Maureen Bernardo. Mauupo ang mag-asawang Ine at Ernie. Hihingin ng doktora ang resulta ng ultra sound gayundin ang iba pang laboratory results na ipinagawa niya. Matamang babasahin ito ni Dra. Bernardo saka ililipat niya ang kanyang paningin kay Ine at Ernie na kapwa naghihintay sa kanyang sasabihin.

"Mrs. Santos...may PCOS po kayo, polycystic ovary syndrome...mataas din ang glucose ninyo saka cholesterol..." ang pahayag ng doktora."Ano po ba 'yung PCOS?" ang nag-aalalang tinig ni Ine.

"Ang PCOS o Polycystic Ovary Syndrome ay isang kondisyon sa obaryo ng babae na binubuo ng numerous small cysts na may kakayahang magprodyus ng androgens or male sex hormones..." ang patuloy na pagpapaliwanag ni Dra. Bernardo.

"Doktora, ang PCOS po ba posibleng makaapekto sa pagbubuntis ko...madali po bang magamot ito Doktora...." ang tinig ni Ine na may halong pangamba.

"Doktora, gawin po ninyo ang lahat para gumaling agad ang misis ko...gusto na po talaga naming magka-baby..." ang pagsusumamo ni Ernie.

"Don't worry Mr. and Mrs. Santos gagawin natin ang lahat ng kinakailangang medications to reduce PCOS symptoms...para yung target nating magbuntis pa rin si Misis...maisakatuparan pa rin natin...hangga't tumataas ang level ng androgen level sa ovary ni Misis...malabo ang posibilidad na magbuntis niya..." ang nakangiting pahayag ni Dra. Bernardo na pilit na kinakalma ang mag-asawa.

"Ang PCOS can't be cured but its symptoms can still be reduced...karamihan sa mga babaeng may PCOS nagiging irregular ang menstrual cycle o kung minsan pa nga di-nireregla o lumalagpas pa sa takdang petsa ng siklo ng pagreregla...karamihan din sa mga may PCOS...yung mga obese...yung iba naman di nagpa-function ang insulin sa katawan...may mga cases din ng PCOS na ang mga babae ay nagkakaroon ng unwanted hair growth sa iba't ibang parte katawan...'' ang patuloy na pagpapaliwanag ni Dra. Bernardo.

Biglang kumislap sa isip ni Ernie ang babaing balbas-sarado na kausap ni Ine. Di kaya may PCOS ito ang agad na naglaro sa imahinasyon ni Ernie.

"Doktora, posible po bang tubuan ng bigote at balbas ang isang babaing may PCOS," ang pag-uusisa ni Ernie.

"Yes po! May isa nga pong pasyente ko ngayon na iyan ang kaso...di rin sila magkaanak dahil sa PCOS..." ang dugtong ng doktora.

"Ano pa ba ang mga medication na kakailanganing gawin para mapaayos na po ang kundisyon ng misis ko?" pakli ni Ernie.

Nawalan ng kibo si Ine. Labis na nag-aalala. Mahahalata ito ni Dra. Bernardo.

"Misis 'wag po kayong mag-aalala...sundin lang po muna ninyo ang mga ipagagawa ko...malaki pa rin po ang pag-asa na maging maayos ang kundisyon at higit sa lahat pwedeng-pwede pa kayong magkaanak ni Mister..." ang puno ng pag-asang pagpapayo ng doktora kay Ine.

"Ano po pa ang mga dapat kong gawin?" ang tila nabubuhayan ng loob ni Ine.

"Una po, magbawas kayo ng timbang...mag-exercise...sa ganito pong paraan kasama ang mga gamot na irereseta ko sa inyo para inumin hanggang sa unti-unti nating mapababa ang dami ng bilang ng androgen or male sex hormone sa inyong obaryo na nagiging hadlang sa inyong pagbubuntis..."

Nakangiti na si Ine na nabuhayan na ng loob gayundin si Ernie na umaasang magkakaanak pa rin sila ni Ine.

"Sige po Dra. Bernardo...maraming salamat po...susundin ko po ang mga payo n'yo..."

All reactions:5Maria Digna Ramos, Charet B. Monsayac and 3 others1

1LikeCommentShare Magkaanak na sana cla.

"MAGHINTAY KA LAMANG..AKO'Y DARATING"Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang AzulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon