IKAAPAT NA KABANATA : KUKUTI-KUTITAP NA BITUIN (Tagpo 41-B)

51 2 0
                                    


"MAGHINTAY KA LAMANG... AKO'Y DARATING"


Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang Azul


IKAAPAT NA KABANATA


KUKUTI-KUTITAP NA BITUIN


Ikaapat-napo't isang Tagpo (B)


Titig na titig si Liling sa 'wooden penis na astray' na inabot ni Louie sa Tito Ruperto niya.Parang may biglang nagbalik-alaala sa gunita ni Liling.


"Saan ba ko nakakita ng ganyan?" ang tanong ni Liling sa kanyang sarili habang tinitigan ang "wooden penis na astray" at dahan-dahang ililipat ang paningin nito kay Ruperto."Tama nakakita na ko ng ganyan!" ang sambit ni Liling na pilit na may binabalikan sa kanyang nakaraan habang di-iniiwan ng tingin si Ruperto.


"Tama sa Baguio...sa Baguio...dun ako nakakita ng ganyan..."sabay-lipat ulit ang tingin ni Liling sa "wooden penis na astray'.


"Wow...yehey...nakakaalala na si Tita Liling..."ang bugso ng damdaming bulalas ni Louie."Tama Liling...sa Baguio...bumili tayo ng ganyang astray...ipinansalubong natin sa Tatay Imo mo..."ang pagdurugtong ni Ruperto para manumbalik muli ang alaala ni Liling.Magkakatinginan sina Ernie at Ine. Tahimik lang sina Atong, Luisa at ang 'private nurse' na nagmamasid.


"Oo naalala ko na at dahil sa sobrang katuwaan ni Tatay sa regalo mong 'wooden penis' na astray, inatake siya sa puso...walanghiya ka Ruperto...ikaw...ikaw ang pumatay kay Tatay huhuhuhu," ang pagpapalahaw ng iyak ni Liling na nagbalik na sa kanyang alaala.Hahagurin ni Ruperto sa likod ang humahagulgol na asawang si Liling. Ilang saglit pa mahihinto na rin ito sa pag-iyak.


"Diyos ko...salamat sa Diyos at nagbalik na ang iyong alaala Liling," magkahalong saya at pag-asa ang naramdaman ni Ruperto.


Igagala ni Liling ang kanyang paningin.


"Hello Tita Liling...this is Louie at your service..." sabay kaway ni Louie na masayang binati ang kanyang Tita Liling.


Pawang nakangiti naman sina Ine, Luisa, Atong at Ernie.


"Salamat naman Ate Liling at mukhang nagbalik na ang alaala mo," bati ni Ine.


"Pagaling ka!" ngiting pagbati ni Luisa.


"Palakas po kayo...'' ang nakangiting sabi ni Atong.


"Oo nga Ate Liling...palakas ka!" simpleng bati ni Ernie.


Mahihinto ang paningin ni Liling kay Ernie. Tititigan niya ito nang mabuti at nang magbalik na muli sa kanyang alaala ang kanilang naging matinding pagtatalo.


"Walanghiya ka! Bakit nandito ka pa? Di ba pinalayas na kita! Walanghiya ka...wala kang utang na loob! Lumayas ka...lumayas ka..."ang galit na galit na pagtatabuyan ni Liling kay Ernie.


Tatayo si Liling sa kanyang 'wheelchair' at nang maapuhap ang wooden penis na astray, malakas na ibabalibag ito ni Liling kay Ernie na makakailag naman at di-sinasadyang masasapo ito ni Luisa na mapapaantanda.


"Hesusmaryosep!" ang malakas na sigaw ni Luisang parang nakahuli nang malaking ahas. Sabay bitaw sa wooden penis na nasapo na parang diring diri siya.


Nawalan ng panimbang naman ang nagwawalang si Liling at nasapo naman ni Ruperto. Dinaluhan na rin ng 'private nurse' si Liling para pakalmahin.


"Ernie...Ine...magsilabas na muna kayo saka na lang tayo mag-usap-usap," ang sigaw ni Ruperto na di-malaman ang gagawin.


Walang nagawa sina Ernie, Ine, Louie at Atong kundi sundin si Ruperto. Mabilis na tumalima ang mga ito palabas ng pinto ng lumang bahay hanggang sa makababa na patungo sa nakaparadang pampasaherong dyipni ni Atong.All reactions:7Herman Manalo Bognot, Rachelle Bautista Mijares and 5 others1 commentLikeCommentShare

"MAGHINTAY KA LAMANG..AKO'Y DARATING"Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang AzulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon