IKAPITONG KABANATA : ALIMAOM(TAGPO 74)

30 2 0
                                    

"MAGHINTAY KA LAMANG...AKO'Y DARATING"

Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang Azul

IKAPITONG KABANATA

ALIMUOM

Ikapitumpo't Apat na Tagpo

"Matapos hatiin ni Hesus ang mga tinapay, sinabi niya sa kanyang mga alagad ang ganito: Kainin ninyo ang lahat ng ito at inumin. Ito ang aking katawan at dugo na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan. Hinahandog ko sa inyo ito. Ito ang aking bago at walang hanggang tipan. Gawin ninyo bilang pag-aalala sa akin."

Pumapainlanlang ang tinig ni Padre Tinio na inanyayahan ni Ine para magdaos ng misa sa loob ng maluwang na bakuran ng pagawaan ng balot bilang pasasalamat sa Diyos sa isang milagrosang pagkakasagip sa bingit ng kamatayan ni Ernie at ng kanyang mga kapatid sa mabangis na kamay ng sindikato ng droga na pinamumunuan ni Kapitan Anchong. 

Habang nakapila ang magkakapatid para sumubo ng ostiya, ninanamnam nina Ernie, Romy, Ben, Elmer, Juancho, Sancho, Nena, Susan at Ellen ang awiting "Ama Namin" sa misa na pawang mangiyak-ngiyak sa mga sinapit nila. Kasunod na rin nila sa pila sina Ine, Ruperto, Beet, Efren, Arianne, Althea, Adonis na kilik-kilik pa si Jershey, Louie, Atong, Luisa, Jessa at mga kaklase nito sa SLU gayundin ang mga "prayer warrior" sa isinagawang prayer vigil.

Pagkasubo ng ostiya ni Ernie, di niya mapagilang maluha sa labis na kaligayahan sa panibagong buhay na ipinagkaloob sa kanya ng Diyos.

Pagkatapos ng misa at makaalis na si Padre Tinio, isa-isang mahigpit na nagyakapan ang magkakapatid na sa bugso ng matinding emosyo'y di mapigilang maiyak ang bawat isa sa narasanan nilang panganib na halos muntik-muntikanan nang ikinasawi nila. Maluha-luha ang lahat ng naroon na naging saksi sa ipinamalas na marubdob na pagmamahalan ng magkakapatid. 

"Ernie!" sigaw ni Arianne na hangos na tumatakbo palapit sa kinaruruonan ng magkakapatid.

Mapapalingon si Ernie. Buong higpit siyang yayakapin ni Arianne. Mapapayakap na rin si Ernie kay Arianne. Kasunod na rin si Althea na humahangos din.

"Thanks God at buhay ka! God is good all the time!" ang lumuluhang nasambit ni Arianne.

May kirot na naramdaman sa puso si Louie nang mahagip ng mata ang mahigpit na pagkakayakap ni Arianne sa Tito Ernie niya.Matapos magbitaw sa pagkakayakap sina Ernie at Arianne, si Althea naman ang humalili. 

Di na mapigilan ni Ernie ang muling maluha sa sobrang saya."Salamat sa inyo...salamat sa mga panalangin n'yo!" ang nawika na lamang ni Ernie. 

Sa hangos na darating si Ine, magbibitiw sa pagkakayakap sina Ernie at Althea. Nakamasid lang sina Adonis at Jershey.

"Hoy tiran naman n'yo ko kay Ernie..."sigaw ni Ineng tila naetsapuwera na sa eksena na waring nagbibiro. At nang makabuwelo,  buong higpit na niyang niyakap ang asawa.

"Salamat kay Lord at di ka pa kinuha sa akin..." 

Buong kapanabikang siniil ng halik ni Ine sa labi ang asawa. Gumanti si Ernie. Labi sa labi. Matagal. Wala na silang pakialam sa kanilang paligid. Kapwa humihingal nang magbitaw.

"Ayoko pang mabiyuda Ernie...anakan mo ko nang anakan hanggang gusto mo...". Umiral na naman ang kakikayan ni Ine. Ganon na lamang ang tawanan at palakpakan ng mga tao sa paligid.

 "Ernie..."

Mapapahinto sina Ernie at Ine. Saglit na maghihiwalay ang mga sabik na labi at kusang kapwa bibitaw sila sa mahigpit na pagkakayakap sa isa't isa. Kapwa sila mapapalingon sa pinanggalingan ng tinig. Papalapit sa kanya ang kanyang Kuya Ruperto na namumutla at nanginginig ang buong katawan.

"Kuya Ruperto..." ang nanabik na tinig ni Ernie pagkakita sa nakatatandang kapatid. Buong higpit na magyayakapan ang magkapatid na Ernie at Ruperto.

."Masaya ko Ernie...na makitang buhay ka..." ang papahina nang papahinang boses ni Ruperto.

Ramdam ni Ernie na unti-unti nang lumuluwag ang pagkakayakap sa kanya ng nakatatandang kapatid hanggang sa mapalungayngay na lamang ang ulo nito."Kuya Ruperto...Kuya Ruperto! Diyos ko...tulungan n'yo ko...dalhin natin sa ospital si Kuya Ruperto..."

Hangos na lalapitan nina Liling, Beet at Efren si Kuya Ruperto na maputlang-maputla na at tila kandilang nauupos.

"Diyos ko...anong nangyayari sa asawa ko...tulungan n'yo kami...". 

Di-malaman ni Liling ang gagawin. Papangkuhin ni Ernie ang kanyang Kuya Ruperto. Magsisihangos na rin sina Romy, Ben at iba pang mga kapatid para tulungan si Ernie.Mapapahumindig ang lahat sa di-inaasahang pangyayari.

All reactions:

5Charet B. Monsayac, Dalia Delrosario and 3 others

1Like

Comment/Share

Ano nangyari???


"MAGHINTAY KA LAMANG..AKO'Y DARATING"Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang AzulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon